Kabanata 4

38 9 0
                                    

Third Person's Point Of View

Niyakap ni Kia ang malamig na bangkay ni Eroll. Wala itong pakialam at walang bahid na pandidiri kahit pa halos malagyan na ng mansta ng dugo ang kanyang damit. Walang tigil ang pag iyak nito ganon din ang ibang mga kasamahan, habang ang iba naman ay halos hindi parin makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakakagulat na tagpong iyon.

"Kung alam ko lang Eroll...Kung alam ko lang na mangyayari iyan sayo...kung alam ko lang na iyan ang sasapitin mo ,sana pala hindi na kita inaway. Sana naging mas sweet ako sayo, dapat..dapat ibinigay ko nalang lahat ng mga bagay na magpapasaya sayo..Sana mas minahal kita." Puno nang pag-susumamo ang puso ni Kia ng mga sandaling iyon. Isinandal niya ang bangkay ng kasintahan sa kanyang mga hita at hinalikan ito sa labi.

Habang nagluluksa ang lahat ay biglang nagsalita si May.

"Guys, hindi na biro ito! Anong klaseng nilalang ang may kayang gumawa ng karumal-dumal na pagpatay na ito kay Eroll." Ani ni May sa nangangatal na boses.

"Hindi kaya may mabangis na hayop dito? hindi kaya iyon ang may gawa nito kay Eroll," Sagot naman ni Christopher habang hindi parin inaalis ang tingin sa bangkay ng kaibigan.

"Malabong isang hayop ang gumawa nito Chris," Pag sali naman ni Vincent sa usapan.

"Kung ganoon ano babe..? Anong klaseng nilalang ang kayang gumawa nito," Nagtatakang tanong ni Daniel.

"Tingnan ninyong mabuti si Eroll. Halos pantay ang pagkakaputol ng mga braso't mga binti nito," Anito. Pinasadahan niya ng tingin ang kawawang bangkay at muling nagsalita.

"Pati ang kanyang tiyan ay sinadyang wakwakin gamit ang patalim. Ang mas nakakapagtaka ay kung bakit wala na ang mga organs nito, hindi hayop ang may gawa nito kundi," Dagdag pa ni Vincent.

"Kung hindi ano Vincent..Tao? Tao ang may gawa nito sa kanya? Ngunit sino..Magkakaibigan tayo kaya malabong isa sa mga kasamahan natin ang may kagagawan nito." Gulat na tanong ni Dave.

"Maaring Tao nga ang may gawa nito guys. Kaya pinapayo kong mag dobleng ingat tayo at mag masid sa paligid, dahil baka higit pa sa sinapit ni Eroll ang mangyari satin." Ani ni Andrei.

"Oh my god guys, hindi na tayo ligtas dito. Kailangan na nating makabalik at makaalis sa lugar na ito bago pa tayo mamatay." Nanginginig na sambit naman ni Jeffrey.

"Hindi na tayo pwedeng makabalik dahil nakalagay dito sa map na nasa labas ng Kuwebang ito ang daan pabalik. Kailangan nating ituloy ang pagsunod sa daan base sa nakalagay dito sa mapa, iyon lang ang tanging paaran para makauwi tayo." Mahabang paliwanag ni Andrei na hawak ang mapa.

"Kung ganoon, kailangan na nating lisanin ang lugar na ito dahil hindi na tayo ligtas dito." Ani ni Daniel.

Nilapitan ng magkakaibigan ang nagluluksang si Kia at Inaya nang sumama sa kanila palabas ngunit ayaw parin nitong bitawan ang pagkakayapos sa namatay na kasintahan.

"Hindi! Dito lang ako! hindi ko iiwan si Eroll...Kayo nalang ang umalis kung gusto ninyo." Sigaw ni Kia na patuloy na umiiyak. Walang patid ang pagtulo ng luha nito.

"Hayaan na lang muna natin si Kia guys. Antayin nati sya hangga't hindi pa niya natatanggap ang pagkawala ni Eroll." Suggestion ni May kaya naupo nalang muna sila sa isang tabi habang pinagmamasdan ang pagluluksa ng kanilang kaibigan.

Ilang oras pa ang lumipas ay napa-payag narin nilang sumama si Kia palabas ng kwebang iyon ngunit hindi na ito kailanman nagsalita. Tinakluban nila ng malambot na kumot ang kawawang bangkay ni Eroll at nagsimula ng tahakin ang daan palabas.

"Mahigit isang oras ng paglalakad nila ay nasilayan na nila ang liwanag na nangga-galing sa dulo. Sigurado silang iyon na nga ang daan palabas. Ngunit hindi nila napansin ang babala na nakasulat sa mapa, na ang tamang daan palabas ay matatagpuan sa Likod ng pang Sampong bilang ng madadaanan nilang Rebulto ng malaking ibon.

CRAVE (bxb horror)Onde histórias criam vida. Descubra agora