Kabanata 6

36 9 0
                                    

Joice Pov

Naalimpungatan ako dahil sa nakakasulasok na usok na unti-unti kong nalalanghap. Nang Idilat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko ng makita ang napakalaking usok na ngayo'y bumabalot sa aming silid. Dali-dali kong tinapik ng malakas si Ate para magising at sa ilang pagtapik ko sa kanya ay napakayap na lang siya sa akin at nagsimulang mataranta.

"Sunooooog !!! Mama..Papa tulungan ninyo po kami dito! hindi po ako makahinga." Malakas na sigaw ni Ate habang umuubo. Nagsimula narin akong umiyak dahil maging ako ay hindi narin makalanghap pa ng hangin. Nabuhayan ako ng loob ng makitang bumukas ang pinto ng aming silid at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Kuya Christian. Agad niya kaming nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Kuya, nasaan si Mama at Papa Ligtas ba sila..? " Nag-aalalang tanong ni Ate na ngayon ay umiiyak parin, habang ako ay halos hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan.

"Mamaya na kayo magtanong! kailangan na nating makalabas dito dahil kung hindi ay pare-parehas tayong masusunog." Sambit ni Kuya. Inabot niya ang kamay namin at dali-dahil naming tinungo ang palabas sa aming silid, ngunit ng makalabas kami ay tumambad sa aming harapan ang kaawa-awa kong Ina na tadtad ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan. Naliligo narin ito sa sariling dugo at ang mas nagpasakit ng aking kalooban ay nang makita ang malaking itak na nakatarak pa sa kaniyang tiyan. Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan ni Kuya ang aking bibig kaya naman tanging paghikbi na lamang ang aking nagawa.

Maingat akong inakay ni Kuya at sa ilang paghakbang pa lamang ng aming mga papa ay bigla kaming nakarinig ng mga yabag ng paa.

"Bilisan ninyo! Dali dito..dito tayo." Pabulong na sabi ni Kuya. Agad niya kaming hinila papunta sa ilalim ng mesa para magtago.

Ilang saglit pa ay nasilayan na namin ang apat na lalaki na nagtutulong-tulong sa pagkaladkad sa aking Ama. Nakabusal ang bibig niyo at halos hinang hina narin dahil sa mga malalaking sugat na kanyang natamo. Bigla akong nanlumo sa kanyang hitsura.

Tinanggal ng isa sa mga lalaki ang busal sa bibig ni Papa at laking gulat ko ng suntukin niya iyon ng napakalakas at sinundan pa ang isa pang suntok sa kanyang panga. Tanging paghikbi na lamang ang aking nagawa dahil muli na namang tinakpan ni Kuya ang aking bibig gamit ang kanyang palad.

"Maawa kayo samin! Marami akong pera..Kung..kung gusto ninyo ay ibibigay kuna sa inyo lahat huwag ninyo lang kaming saktan lalong lalo na ang mga anak ko! " Pagmamakaawa ni Papa ngunit napakalakas na halakhak lamang ang isinagot ng mga lalaking halos wala ng kaluluwa. Parang masayang masaya pa sila sa pagpapahirap sa aking Ama.

"Awa ba kamo? Wala kami non haha! " Sambit ng isa pang lalaki. Napukol ng atensiyon niya ang lumaglag na nagbabagang kahoy mula sa bubong bago muling tumawa ng nakakaloko.

Kinuha niya ang nagbabagang kahoy at walang awang inihampas at itunusok tusok pa sa ibat-ibang parte ng katawan ng aking kawawang Ama. Patuloy sa pagsusumamo si Papa ngunit parang tila sinapian na ng demonyo ang limang lalaki. Halos manlumo ako sa aking nakikita lalo pa nang isaksak ng lalaking iyon ang hawak na kahoy sa tiyan ni Papa. Hindi ko na maiitis ang aking nakikita kaya naman.,

"Papa!" napasigaw ako ng malakas dahilan para sa amin mapukaw ang lahat ng atensyon ang mga lalaki.

"Aha! nariyan lang pala kayo ha! kanina kopa kayo hinahanap." Sambit ng isang lalaki. Palapit na sila ng palapit sa kiranoroonan namin pero nagugat ako ng buhatin ako ni Kuya kabang si Ate naman ay mahigpit na nakakapit sa damit nito.

Dali-daling tumakbo si Kuya habang karga ako ng isa niyang kamay habang ang isa pa ay mahigpit na nakakapit sa kamay ni Ate.

Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit hindi na kami hinabol pa ng mga lalaking iyon. Habang patuloy kaming tumutakbo at binabagtas ang daan palayo, nakarinig ako ng putok ng baril at kasabay niyon ang pag tumba naming dalawa ni Kuya.

CRAVE (bxb horror)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें