"Tahan na Wonnie.."

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumigil sa pag iyak.

"Kain ka na please?" Ani ko.

Kita sa mata niya na nanghihina na siya.

And finally dahan dahan siyang tumango.

"Subuan kita, sandal ka nalang jan" ani ko.

Sinandal niya ang sarili niya sa headboard. Kumuha ako ng isang kutsara ng sabaw at inilapit ito sa bibig niya, bahagya niyang ibinugka ang bibig niya at sinubo ang laman ng kutsara.

Matapos niyang kumain ay hinugasan ko ang pinggan bago bumalik sa kwarto.

"Wonnie.?"

Nakaupo lang siya, nakatulala.

Sa totoo lang nasasaktan ako sa nakikita ko ngayun. Hindi ako sanay na nakikitang malungkot siya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Wonnie, kaya natin toh" ani ko.

Tumingin siya sakin, she's obviously doubting my words.

"Hindi kita iiwan.."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo bago ko siya yakapin.

"Ligo ka na Wonnie."

"Tinatamad ako..."

"Ano ka ako?"

"Yujinie seryoso, tinatamad ako"

Mygahd! Ganito na ba talaga pag ayaw ng mabuhay sa mundo? Pati pag ligo ayaw na rin?!

"Wonnie, maliligo ka lang. Please?"

"Tinatamad ako Yujinie..."

Looks like I have no choice.

Binuhat ko siya, bridal style.

"Anong gagawin mo?" Tanong niya. 

"Paliliguan ka obviously, kung kailangang alagaan kita na parang higanteng baby aba sige gagawin ko"

Sabay kaming naliligo nung mga bata kami so no big deal.

Matapos ko siyang paliguan ay binihisan ko siya, para talaga akong nag aalaga ng higanteng sanggol.

"Hay, kapagod" ani ko.

"Di mo naman kasi kailangang gawin Yujinie"

"Ehh ayoko, aalagaan parin kita" ani ko.

Suot niya ang blue hoodie ko at nakatago ang maikling shorts.

A FEW HOURS LATER

"Bibili lang ako sa labas, dito ka lang hah. Mabilis lang ako" ani ko at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa super market para bumili ng mga pagkain at saktong nakita ko ang dalawang nag haharutan. Sino pa ba? Jo Yuri and Choi Yena. Yoko na maki sali so binilisan ko na ang pamimili.

Pag balik ko sa apartment ay nabitawan ko ang mga hawak kong bags ng makita kong nasan si Wonyoung.

Nakatayo siya sa fence ng terrace (A/N:Tama ba fence?).

"Wonnie!" Sigaw ko at agad siyang binuhat pababa at niyakap ng mahigpit.

"Wonnie, kakasabi ko lang diba? Dun ka lang sa kwarto" ani ko.

"Yujinie...sorry.." at umiiyak nanaman siya.

Pakiramdam ko may parang mabigat sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko siyang umiiyak.

Selfish|| Annyeongz AUOnde histórias criam vida. Descubra agora