10

272 21 9
                                    

Yujin's POV

Nandito kami ngayun ni Wonyoung sa salas at nanonood ng tv habang magkayakap.

"Yujinie, gutom na ako" ani ni Wonyoung.

Abay milagro atang nagutom toh.

"Sige, bili muna ako" ani ko at humiwalay sa yakap para mag bihis.

Hindi na ako mag aalala sa kung anong pwedeng gawin niya dahil ni-lock ko ang pinto sa terrace at tinago ang matatalim na bagay dito. Pag labas ko ay nakaupo lang siya sa sofa, tulala as usual.

Nataranta ako ng biglang may bumagsak na luha mga mata niya.

"Wonnie? Bat umiiyak ka nanaman?" Nag aalalang tanong ko at niyakap siya.

"Hah? Oh kusa nanamang bumagsak" ani niya bago punasan ang pisngi niya gamit sng sariling palad.

"Wag ka ng umiyak Wonnie, magiging maayos din ang lahat okay? Not now but soon." Ani ko bago siya halikan sa noo.

"Thank you Yujinie"

"Oh sige na, bibilii muna ako ng makakain natin" ani ko at humiwalay sa yakap.

"Wag gagawa ng kalokohan Wonnie" dagdag ko pa.

Tumango lamang siya.

Nag lakad na ako palabas at pakiramdam ko may nakatingin sakin. Napalingon ako at nakita ko si Wonyoung.

"Won!" Ani ko at napatakbo.

Ng maabutan ko toh ay agad kong hinawakan ang braso niya.

"Won an—" natigilan ako ng ibang mukha ang nakita ko.

"Ay sorry po, akala ko po kasi ikaw yung kaibigan ko" pag hingi ko ng tawad.

"Hindi ayos lang" ani niya at ngumiti.

Medyo hawig niya kasi si Wonyoung lalo na nung nakatalikod siya. Muli akong humingi ng tawad at saka nag lakad papunta sa destinasyon ko.

Mashado akong kinakabahan kaya feel ko tatakas si Wonyoung ng apartment. Geez, takot lang naman akong may gawin nanaman siyang kung ano.

Ang daming tao ngayun kaya medyo natagalan ako sa pag bili.
Napansin ko yung babae kanina, nandito siya. Sinusundan niya ba ako? Bat naman niya gagawin yun? Teka nga, ang oa ko na eh.

Pinag sa walang bahala ko yun at nag madali ng umuwi.
Pag pasok ko ng apartment ay nalaglag sa sahig ang panga ko.

"Ano ginagawa mo Won?!"

Merong apat na bote ng soju wala ng laman sa lamesa at hawak niya ang pang lima at halos paubos na toh.

"Won tama na yan" ani ko at ambang kukuhain ang bote ay inubos na niya toh.

"Ininom mo lahat yan?" Tanong ko bago umupo sa tabi niya.

Tumango lang siya, mag bubukas pa sana siya ng pang anim ngunit pinigilan ko siya.

"Won tama na, ang dami mo ng nainom" pigil ko.

"Hayaan mo na ako Yujinie, gusto ko lang mag labas ng lungkot" ani niya.

"Ganito ginagawa mo diba? So bakit hindi ko pwedeng gawin?" Tanong niya.

"Kasi mababa alcohol tolerance mo, kaya tama na ang lima" ani ko.

"Okay then hayaan mo kong mag salita" ani niya.

"Huh?"

Hindi niya ako sinagot.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Kasi apartment ko toh" simpleng sagot ko.

Kinuha niya ang bote ng sou na walang laman at ambang hahampasin niya ako nito pero pinigilan ko siya.

"Wonnie t*ngna papatayin mo ba ako?!" Bulyaw ko.

"Hindi" ani niya at tumawa pa.

Abay lasing na talaga toh.

"Ang ibig ko kasing sabihin, bakit nandito ka parin at inaalagaan ako? Bat di ka nalang pumasok, para makita mo si Minju unnie?" Tanong niya.

"Hindi mo naman ako kailangang pag tiisan Yujinie. Kaya ko na, hayaan mo na ako"

"Pumunta ka na sa kanya, i-pursue mo siya. Gaya ng ginawa ko sayo"

"Pero minsan napapaisip ako, pano ba maging si Minju unnie?"

"Sana ako nalang siya, para mahal mo rin ako"

Kita ang pag bagsak ng luha sa mga mata niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako pag nalulungkot siya, pag nahihirapan siya.

"Anong meron sa kanya na wala ako? Anong kailangan kong baguhib para mahalin mo ko?"

"Pero, alam ko naman kahit baguhin ko sarili ko siya parin, siya parin yung gusto mo!"

"So bakit nandito ka pa? Go get her!"

"Dun ka na!" Sigaw niya at mahinang tinutulak ako.

"Iwan mo nalang ako, total puro ka naman Minju unnie eh!"

Hindi ko alam kung bat naiirita ako pag naririnig ko sa bibig ni Wonyoung ang pangalan ni Minju unnie. Dati naman hindi.

"Dun ka na!" Patuloy parin siya sa pag sigaw.

"Si Minju unnie naman talaa gusto mo diba! Dun k—"

Sa sobrang irita ko ay hinila ko siya at inangkin ko ang labi niya. For her to shut up.

Mabagal lang ang paggalaw ng mga labi namin. Hindi ko alam pero na wiwirduhan ako sa nararamdaman ko, parang may paro parong nag liliparan sa tyan ko.

Binalot ko ang kamay ko sa bewang niya at hinila ko pa siya palapit sakin. Naramdaman ko ang pag haplos niya sa kaliwang pisngi ko bago humawak sa balikat ko at unti unting inakap ang batok ko.
Ang kaliwang kamay ko ay nakatukod lamang habang ang kanan nya'y ganun din.

Sa mabagal na paggalaw ng mga labi namin ay ramdam ko ang pag mamahal niya sakin. Nais ko itong unti unting ibalik sa kanya.

Maya maya pa ay humiwalay kami sa halik habol ang aming mga hininga. Naka sandal sa isa't isa ang aming mga noo.

"Yujinie..." halos bulong na na pag tawag niya sakin.

"I love you.. kahit iba ang mahal mo" ani niya. Half lidded lang ang pag kakabukas ng mga mata niya at kita ang antok at pagod dito.
Hinahaplos niya ang pisngi ko at hibahaplos ko naman ang braso niya.

"I hate it, na mahal na mahal kita...."

"Sana ako nalang yung mahal mo..."

"Sana ako nalang siya..."

Ramdam ko ang pinag halong pagod at lungkot sa boses niya.

"Sana ako nalang siya..." pag uulit niya bago siya bumagsak sa dibdib ko.

"Pagod ka na, mag pahinga ka Wonnie"

Binuhat ko siya dinala sa kwarto, kumuha ako ng balde dahil baka sumuka siya, pati na rin maligamgam na tubig at bimpo.
Pinunasan ko ang katawan niya ulo hanggang paa.

"Yujinie..." rinig kong bulong niya ngunit tulog parin.

Matapos non ay binihisan ko siya,bago ako umupo sa tabi niya.

"You don't have to be someone else for me to love you,cause I love you for who you are...























































....Yes I love you, Im in love with you Jang Wonyoung"

Otor

Merry Christmas!
Pasensya sa typo at mistakes nag mamadali mag copy paste eh HAHAHAHA. Ingat palagi ebriwan lab yu ol!

Selfish|| Annyeongz AUWhere stories live. Discover now