07

219 20 3
                                    

Yujin's POV

Umalis na sila unnie, hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Isang maling galaw ko lang lalayuan ako ni Minju unnie. At ayokong mangyare yun.
Nakarinig ako ng nag dodoorbell, lumakad ako para pag buksan kung sino yun. Pag bukas ko ay nakita ko si Wonyoung, namumula ang mga mata niya. Ngumiti siya at niyakap ako.

"Wonnie okay ka lang ba?" Alalang tanong ko.

"Ikaw dapat tanungin ko Yujinie, okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Uhm, medyo" ani ko.

"Tara Let's go on a date" ani niya bago bumitaw sa yakap.

"Ehh? Bat naman?" Tanong ko.

"Pag bigyan mo na ako Yujinie" pag papa cute niya.

Aish, Wonyoung naman talaga.

"Okay fine, mag bibihis lang ako" ani ko.

"Yehey! Thank you Yujinie!" Ani niya at muli akong niyakap.

Aish, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito si Wonnie.

TIME SKIP

"Wow ang cute nung puppy na plushie!" Rinig kong bulalas ni Wonyoung at nakatingin sa claw machine.

"Oh? Gusto mo niyan?" Tanong ko.

Mabilisan siyang tumango.

"Sige teka" ani ko.

"As if makukuha mo yan" ani ni niya.

"Lah? Makukuha ko yan noh!" Bulyaw ko.

Naka ilang ulit ako sa pag subok sa pag kuha ng puppy na plushie.

"Last one na yan Yujinie" ani ni Wonyoung.

"Kukunin ko yan, for you" ani ko.

Pag kalagay ko ng token ay kinakabahan ako.
Parang nag slow motion ang paligid.

Maya maya pa ay.

"Wah!" Sabay na sigaw namin ni Wonyoung ng makuha niya ko ang plushie.
Pag labas non ay kinuha ko ito at agad at ini abot sa kanya.

"Thanks Yujinie" ani niya at ngumiti.

"Tara may pupuntahan tayo" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad paalis dun.

A FEW MINUTES LATER

"Wonnie, ilang minuto na tayo nag lalakad san ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ah basta, magugustuhan mo dun promise" ani niya.

San naman ako dadalhin niyo mayghad! Sakit na ng paa ko eh.
Ilang pinuto at tumigil siya bigla.

"Bat ka tumigil?" Tanong ka.

"Tingin ka sa right side" ani niya.

Pag tingin ko ay nabighani ako sa ganda ng tanawin.

"Woah, ang ganda.." ani ko.

Kita ang city lights dito at mahangin din.

"Sobra, tara upo tayo dito sa puno" aya ni Wonyoung at hinila ako papunta sa may puno.

Namamangha parin ako sa nakikita ko ngayun.

"Sabi ko sayo magugustuhan mo eh" ani ni Wonyoung bago ako yakapin.

"Thank you for bringing me here Wonnie" ani ko.

"Anything for you Yujinie"

Nakatitig lang kami sa tanawin habang yakap niya ako at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at nakasandal ang ulo ko sa ulo niya.

"Yujinie, alam mo ba dito ako pumupunta pag malungkot ako.." ani niya.

"Malungkot ka? Kelan?" Tanong ko.

"Pag bumagsak ako sa exam.." sagot niya.

"What?! Ikaw Jang Wonyoung? Bumagsak sa exam?!" Di makapaniwalang tanong ko.

Tinawanan lang niya ako,seryoso yun. Never ko pang narinig na bumagsak si Wonyoung sa buong talam buhay ko.

"Grabe ka hah, saka pag namimiss ko si mom.." dagdag niya.

"Sabi ko nga naniniwala na ako na minsan kang bumagsak..." bawi ko.

Hinampas niya ang braso ko bago natawa.

"Yujinie, ano o sino ang pinaka importanteng bagay o tao sayo?" Tanong niya.

"Liban sakin" dagdag pa niya.

"Wao hah Wonyoung" ani ko.

Tinawanan nanaman niya ako, kahit kailan talaga toh.

"Liban sayo? Lahat kayo." Si Minju unnie.

"Sinungaling ka, si Minju unnie yun eh!" Bulyaw niya.

P*ta Wonyoung hindi naman ako manhid para sabihin ng harap harapan sayo yun.

"Hindi mo kailangang mag sinungaling okay? Tanggap ko. Pero hindi parin kita tatantanan" ani niya.

"Bahala ka jan" ani ko.

"Talagang bahala ako, bleh"

Hindi ko siya kita pero alam kong nilabas niya ng dila niya.

"How about you?" Tanong ko.

"Liban sayo, si dad. Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin pag nawala si dad" ani niya ngunit sobrang lungkot ng tono niya.

Sabagay may point siya, her dad. My mom and dad pati ako, napaka importante namin kay Wonnie. Alam ko yun.

"I miss him..." ani ni Wonyoung.

"Di ba nasa iisang bahay lang kayo?" Tanong ko.

"Umalis kasi siya kahapon." Ani ni Wonyoung.

"So umiyak ka? Kaya pulang pula yung mata mo kanina?" Tanong ko.

"Lah? Nakita mo?" Tanong niya bago ako harapin.

"Yep, wag ka na umiyak. Babalik din naman si tito" ani ko.

Tumango lang siya pero kita sa mata niya na sobrang lungkot niya.

"Yujinie, tara uwi na tayo" aya niya.

"Tara"

Nagsimula na kaming mag lakad.
Ang weird ni Wonyoung ngayun, tawa siya ng tawa kahit hindi naman mashadong nakaktawa yung pinag uusapan namin. She's asking deep questions, tas dinala niya ako sa place na kung san siya pumupunta pag malungkot siya. Napaka gloomy ng atmosphere.
Siguro dahil umalis si Tito.

Ilang minuto pa ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila.

"Ingat ka pauwi Yujinie, thank you ngayung araw" ani niya at ngumiti.

"Always welcome Wonnie"

Lumapit siya sakin at hinalikan ang pisngi ko. Pero hindi siya tumakbo, tumagal ng tatlong segundo ang labi niya sa pisngi ko.

"Love yah" bulong niya sa tenga ko bago siya mag lakad palayo.

Lumakad siya papasok sa gate nila at maya maya pa ay nawala na siya sa paningin ko.

"Wonnie...." bulong kosa hangin.

Otor

Pasensya na sa typo and mistakes!

Selfish|| Annyeongz AUWhere stories live. Discover now