chapter33 alone

5 1 0
                                    

"Thanks for tonight."aniya ng ihatid ako sa bahay,medjo malabo na ang paningin ko at nahihilo dahil sa tama ng nainom ko.

"Whatt!bakit ka naman nag tthankyou? di'ba nag tthankyou lang pag kiniss?"tumawa ako ng tumawa,hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil umiikot na ang paningin ko at papikit pikit nako.
Hinila ko sya palapit sa'kin at agad ginawaran ng halik, pero naramdaman ko nalang na nilayo nya ko."why?say thankyou now because i kiss you"

"No ghaile,ayokong samantalahin ang kahinaan mo"

___

Pag gising ko ay mabuti at hindi masakit ang ulo ko,pero wala akong maalala sa mga nangyari,'ang huli ko lang natandaan ay nasuka ako pagtapos nun ay wala na'kong matandaan.

"Tell her the truth,kailangan nya ng malaman ang totoo,may karapatan syang malaman yun."agad na napakunot ang noo ko at nagtago sa gilid para pakinggan ang nag uusap 'na hindi ko alam,dahil hindi familiar ang boses nya.

"I know, please don't rush me 'ayokong biglain sya at ayokong masaktan sya."nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni mommy,nakauwi na sya?at sino yung kausap nya?

"She's my daughter,hayaan mo'kong punan ang mga pagkukulang ko sakanya."nanigas ako sa kinakatayuan ko at agad na namuo ang luha sa mata ko,'masama ang kutob ko at sana nagkamali lang ako ng dinig.

"Sigurado akong hindi ka nya agad tatanggapin-"

"Ano yun? I'm your daughter?"
Sunod sunod ang luha ko ng sinasabi ko yun,parang tinutusok ang puso ko dahil sa sakit,parehas nanlaki ang mata nila at halatang gulat,pero wala akong pakielam dahil ang kailangan ko ay ang sagot sa sunod sunod na tanong sa isip ko."answer me,am i your daughter?"pag uulit ko ng tanong.

"Baby listen to me and let me explai-"

"I don't need your explanation!
All i need is an answer!"nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha na namumuo sa mata ko.

"Yes you're my daughter."parang nanlumo ako sa sagot nya at hindi ko matanggap.

"I can't believe this!this a bullshit!
I don't need you! I don't need you both!"agad akong tumakbo palabas at pinaandar ang kotse ko,tinatawag pa'ko ni mommy at umiiyak din sya pero hinila sya para pigilan nun.

Hindi ko alam kung san ako pupunta, nagmamaneho ako habang tumutulo ang luha ko.unti unting nag pproseso sa utak ko ang mga sinabi nila.
I can't call him a father dahil ni minsan hindi naman sya naging ama sa'kin.sa mga oras na mag isa ako,malungkot,nangangailangan ng kalinga ng isang ama ay wala sya.

*Toot*toot*

Agad kong naliko ang kotse ko at napalakas ang pag preno ko,sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil muntik na'kong mabangga ng isang truck.
Napayuko nalang ako at tinakpan ko ang mukha ko at dun umiyak ng umiyak.

Bakit ganito?

Ansabi nya namatay ang daddy ko ng bata palang ako?bakit sya nag sinungaling sa'kin?

Bakit nya rin kaya kami iniwan ni Mommy?andaming 'bakit' sa isip ko na gustong gusto ko ng kasagutan pero litong lito ako at nasasaktan ako dahil hindi ko matanggap at ayokong tanggapin.

Hindi ko alam kung san ako pupunta,
Ayokong istorbohin si kate at rhylee dahil gusto ko munang mapag isa,gusto kong mapalayo at makapag isip ng maigi.

Tulala ako habang naka upo sa bench at pinapanood ang mga tao,meron akong nakita na isang pamilya.

"Mommy i want to buy ice cream."
Nakanguso na sabi ng bata, tumango ang mommy nya at sinamahan sya kasama ang daddy nya.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko.minsan ko nadin pinangarap na magkaroon ng kumpletong pamilya...madalas wala si mommy nun paman,wala rin naman akong ama dahil nga 'ansabi nya ay patay na,bukod sa nasanay nadin naman ako na ako lang mag isa. Ang katulong lang namin na si manang ang madalas kong kasama at kalaro.

Flashback

"Manang where's mom?umuwi na ba sya?"tanong ko at nanginginig ako dahil mataas ang lagnat ko.

"Wala pa sya jela eh,tinawagan ko na sya at hindi sya makakauwi dahil inaasikaso nya pa ang business nyo."
I pout and nodded.

"Kung buhay lang po sana si daddy,kahit sya nalang ang mag alaga sa'kin."umiiyak kong sabi,niyakap ako ni manang at dun ay nakatulog na'ko.

End of flashback

Sa mga oras na may sakit ako,sa mga oras na malungkot ako,sa mga oras na kailangan ko ng payo,at sa mga oras na kailangan ko ng pagmamahal at kalinga ng magulang ay wala sila.
Wala sila sa mga oras na iniisip ko na wala ng kwenta ang buhay ko.

Gusto kong magalit,gusto kong magwala at isigaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon,pero ang kaya ko lang ay ang umiyak at ilabas ang sakit namatagal ko nang kinikimkim...

Mag isa lang akong lumalaban sa mga oras na namomroblema ako...

When she's afraid to love[COMPLETED]Where stories live. Discover now