chapter 34wipe my tears away

3 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo na hindi ako umuwi, hindi ako pumasok at walang paramdam,naka received din ako ng maraming text and call galing kay kate venice at kay rhylee.at pati ang manager ko ay galit nadin dahil hindi ako nakaka attend ng mga shoot.

Sa ngayon ay sa hotel muna ko natutulog,pero dahil mataas ang bayad ay nauubos na ang natira kong allowance pati narin ang ipon ko.
Biglang tumawag si kate at dahil naawa nako dahil alam kong nag aalala na sya ay sinagot ko na.

"Oh my god precious ghaile!! what's on you? it's almost 1 week at hindi mo sinasagot ang tawag ko!"nalayo ko agad ang phone ko dahil anlakas ng boses nya.

"Don't worry, I'm fine."Bigla syang natahimik.

"Tinawagan ako ni tita-"

"I'll call you back,okay?bye."agad kong pinatay ang call at nahiga,ayoko munang pag usapan ang about don at ayokong marinig ang kahit ano don.

Naligo ako at nag bihis,isang linggo nakong hindi pumapasok kaya siguro kailangan ko ng pumasok.Naligo lang ako at nag ayos bago nag drive papasok ng school.

Pagbaba ko sa kotse ay halos andaming nakatingin sakin,ang iba ay natuwa ang iba ay galit at meron ding mga nagulat.hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Wow,so nagpakita karin ah?"salubong sakin ni morgan,iniwasan ko sya para wala ng gulo pero hinila nya ang bag ko kaya napaupo ako at tumawa naman sya.
Lumunok ako at tumayo.

"Ano bang problema mo ah?!"sigaw ko.

"Ikaw.ikaw ang problema ko!alam mo mang aagaw ka!"

"Napaka desperada mo morgan,hindi kaba naawa sa sarili mo?pinipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw na sayo."
Natahimik sya at nag ngingit ngit sa galit.

"Wala akong pakielam!binabawi ko lang kung ano ang akin."

"Ayokong makipag talo sayo,kaya pwede ba tumigil ka bago pa'ko may magawa sayo."seryoso kong sabi at naglakad paalis.

"Bakit?natatakot kabang bumalik sya sa'kin?"napahinto ako sa paglalakad.

"Bakit ako matatakot eh alam ko naman na kahit anong gawin mo ay ako na ang mahal nya."binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ako umalis.

Pagpasok ko sa room ay natahimik ang lahat, napalingon din sa'kin ang prof ko."ow,andito kana pala ms.harper masaya ba ang bakasyon mo?"

"Masayang masaya lalo't hindi kita nakita."bulong ko pero mukhang narinig nya.

"What?what are you whispering ms. Harper?"tinignan ko sya ngumiti.

"Nothing sir."

"I'll talk to you later,you can now sit."
Naupo na'ko at napansin kong wala pa si rhylee,gustong gusto ko na syang makita at mayakap at bukod don ay kailangan ko syang makausap.

"I'm sorry I'm late sir."agad akong napalingon sa nasa pinto at bagong dating, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.at biglang nagtama ang mga mata namin.

"Again and again rhylee?! Maiwan kayo mamaya ni ms.harper ah!okay come in."

Hindi parin mawala ang tingin ko sakanya,dahan dahan syang naglakad palapit sa tabi ko.napayuko ako dahil nahihiya akong harapin sya.
Hindi ko sya malingon wala rin pumapasok sa isip ko sa mga tinuturo ng teacher ko.

Titiisin ko ba syang hindi kausapin?
Eh sya kaya matitiis nya kaya akong hindi kausapin?

Bahala na!

"Okay class dismissed,maiwan kayo rhylee and precious."nanatili ako sa upuan ko at ganun din naman sya.
Nagsilabasan ang mga kaklase namin at kami lang tatlo natira."ms.Harper,i talk to your other teacher at hindi karin pumasok sa class nila ng 1week,hindi mo ba alam na maaring bumagsak ka?andami mong na missed na test,what happened to you?"nanghihinayang nyang sabi.

"I'm sorry sir nagkasakit po kasi ako."pagsisinungaling ko dahil ayokong malaman ni rhylee ang totoo kong reason.

"Okay, I'll forgive you basta ipakita mo sa'kin ang medical record mo."
Tumango ako.mabilis lang naman ma meke nun eh."and you rhylee,one week kanang late sa class ko,ano bang nangyayari senyo?"

One week na syang late?eh one week nadin akong absent?hindi kaya dahil sa'kin kaya sya nag kaka ganyan?

"I'm sorry sir."napailing iling ang prof ko.

"I'll forgive you both but there's a consequence,one week kayo ang maglilinis ng room at umpisahan nyo na ngayon."

"WHAT?!"sabay naming sigaw ni rhylee at napatahimik kami.

"May problema ba doon?"napailing kami,tumango sya bago umalis.kami nalang ni rhylee ang naiwan.

Kainis!

Awkward para sa'kin ang hindi namin pag uusap at pag papansinan.
Tinignan nya ko."you can sit,ako nang bahala dito magpahinga ka nalang."
Nagulat ako dahil dun nya palang ako kinausap.

"K-kaya ko naman."nagwalis ako pero bigla nyang kinuha sa kamay ko yun at inalis pero hawak nya padin ang kamay ko.

"Kaya mo,pero ako hindi ko kaya ghaile."napalunok ako,alam kong iba ang ibig nyang sabihin.

"S-sorry."hinawakan nya ang mukha ko at inangat para mag tagpo ang mga mata namin.

"I told you na 'kung may problema ka man andito lang ako,hindi mo kailangan itago sa'kin ghaile."
Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I heard my mom talking to a guy,pero hindi ko alam na yun na pala ang ama ko, it's really hard to accept rhy,dahil ni minsan hindi ko naramdaman ang pagiging ama nya,hindi sya naging ama sa'kin rhy.bata palang ako sinabi na sa'kin ni mommy na patay na sya,naglihim sila sa'kin at sobrang hirap tanggapin na nagsinungaling sila sa'kin."hindi matigil ang pagpatak ng luha ko.

Niyakap nya ko ng mahigpit at dun ko naramdaman na may isang tao ang nakaka intindi sa mga problema ko.

"I understand you,just rest okay?wag mo munang isipan ang mga problema mo,okay?pero wag mo rin takasan precious dahil kahit anong gawin mo ay haharapin at haharapin mo ito.
Please stop crying,nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak."pinunasan nya ang luha sa mata ko

When she's afraid to love[COMPLETED]Where stories live. Discover now