🎄CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER🎄 PART 1

Start from the beginning
                                    

"Para saan po ba ang mission?" Biglaang tanong ni Aren na gising na.


Pare-parehong nakuha ng tanong niya ang atensyon namin. 

August and Zeldrick stopped fighting, Elroy paused his game, and Lemon looked at Gin's direction.

Our guild's master's expression changed. Tila nagkaroon ng tensyon sa loob ng kalesa.


"We're here... because our client said that there are sightings of..."


"Bigfoot."


Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko na kapwa ko ay hindi rin maproseso ng mga utak ang narinig.

Napaawang ang bibig ng mga rookies namin. Para bang nagising ang diwa ni Mimi sa narinig.


"B-Bigfoot?"


Ilang segundo ang tumagal bago nagsimulang magsitawanan ang mga kasama ko. Napailing na lamang ako sa naging reaksyon nila.


"Oi, oi. Seryoso ka ba riyan Gin?" Natatawang kumento ni Law.

"Bigfoot is just a legend. Aning na ata ung kliyente natin." Dagdag ni Zeldrick.


Natigilan sa pagtawa si Zeldrick nang isubo ni August sa kaniya ang hawak-hawak niyang lighter.

"And so are manticores, idiot. Saan mo ba ginagamit yang utak mo, Zel?"

Napaismid ang lalaking katabi ko bago gayahin ang pananalita ng ka-partner niya.


"I don't know all the details. Ang sinabi lang sa akin ay may laging nagpapadala ng death threats sa bahay ng kliyente natin." Muling sambit ni Gin.

My forehead furrowed and my mouth fell open. "Wth? Sinasabi mo bang sa tingin nila, si bigfoot ang nagpapadala ng mga death threats?" Marahang tanong ko.


That's freaking impossible! Kung totoo man si bigfoot ay bakit naman ito magpapadala ng death threats sa kung sino?


"Told ya, I don't know all the details. Malalaman din natin ang lahat pagdating natin doon."


Napasinghap na lamang ako sa sinabi ni Gin. Wala akong magagawa kung iyon ang sabi ng guild's master namin.

Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay sa loob ng bulsa ng jacket ko. Pasimple nitong hinawakan ang kamay ko sa loob.

Sumulyap ako kay Law na para bang wala siyang alam sa ginagawa niya. Nagmamaang-maangan itong humarap sa akin.


"Oi, oi. What?"


Malalim akong napabuntong hininga at hinayaan na lang siya. Mukhang matagal pa ang byahe namin at mabuti na ring mainitan ang kamay ko.

---

Ilang minuto rin ang tinagal bago namin maramdaman ang paghinto ng kalesa. Sunod-sunod kaming napababa at sumalubong sa amin ang malamig na paghampas ng hangin.

Mahigpit akong napayakap sa sarili ko. Damn, I want to use my gift so bad. Pero binalaan kami ni Gin na bawal naming gamitin ang mga gift namin sa harap ng ibang tao rito.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now