CHAPTER 27:

0 1 0
                                    

First day

This is my first day sa school na ito.. kasi naman bakit kailangan pa rito..

I already tell kuya to stop babying me but he refuse!! PHU Pacesetter Heritage University here in France. It's kinda weird kasi medyo pamilyar saakin yung pangalan ng school pero hindi ako dito nag-aral sa france noon. I'm twenty-two almost a year and half akong nag stop sa pag-aaral dahil sa nangyari noon.

Nagpakawala ako ng malalim na bunyong hinga sa naisip. Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa Cr. Nang mahubad ang lahat ay agad akong pumesto sa shower. Relaxing.

Habang nagsasabon ay di ko maiwasang tanungin kung saan nagmula ang malaking peklat ko sa kanang leeg, malalalim na peklat sa likod at binti. Hindi ko man maalala ay naawa ako sa sarili ko dahil paniguradong masakit ang bawat hiwa sa buong katawan ko.

Napabuntong hininga ako ng marinig na bumukas ang pinto ng kwarto ko malamang ay narito nanaman si kuya. Tss.

"Anaizs this is your first day of school, common snail!"hindi ako sumagot at nag-patuloy sa pag sabon ng katawan ko. Maaga pa naman tsaka di naman gaanong ka-exciting ang pag-pasok, 'diba? Tss.

Naiiling akong lumabas suot ang bathrobe na itim at pumasok sa walk in closet ko. Nasa teresa si Kuya at mukhang may kausap nanaman. Sinabi ko nang sa pilipinas na lamang ako mag-papatuloy sa pag-aaral pero hindi sila pumayag...

Nakakapag-taka lang dahil hindi naman sila ganoong kahigpit noon, naalala ko pa nga na mag-isa akong nakatira sa pilipinas...

"Anaizs!! Aba!! Papasok kang late ngayong araw?!" Naroon ang iritasyon sa bose ni kuya kaya naman lumabas akong di nag-susuklay. Ang mahaba at natural na kulot ng buhok ko ang pinaka-paborito kong tignan sa salamin. Hanggang bewang ko na ito at nakakatawang isipin na parang hindi ako sanay na ganito kahaba ang buhok. Hinayaan ko itong basa tsaka lumabas ng kwarto. Kaming dalawa lang ni kuya ang nakatira rito bumibisita rin ang isa ko pang kuya na mas masungit pa sa babaeng may dalaw, tsk.

Bumaba ako at nagulat ng walang pagkain sa lamesa!! Ano to?! Hindi na ako maaring mag-lito dahil late na ako!! Kumuha ako ng tubig sa Fridge at patakbong lumabas ng bahay!! Bawal akong mag-skip ng breakfast dahil iinom pa ako ng gamot mamaya pero bahala na!! Narinig ko pa ang galit na boses ni kuya pero bahala ka dyan!! Di ka nga nagluto tsk!

Habang nag-lalakad ay nakamasid saakin ang lahat ng tao, para bang masama akong tao, kaya yumuko ako at pilit na niyayakap ang sarili!! Di naman ako mukhang masamang tao judgemental tong mga to!! Hmp!!

Dahil nakayuko ay hindi ko makita ng maayos ang dinaraan ko, paliko na ako ng mabangga ang pader shit! Hinimas ko ang noo ko ng mag-angat ng tingin shit. Di pala pader!!

"A-ah eh k-kasi i-i mean S-sorry. Bye!!" Mabilis akong tumakbo para tumakas!! Shit di pala to pilipinas!! Marahan kong hinaplos ang noo ang sakit!! Huminto ako sa isang pasilyo kaunti lang mga estudyante kaya sumandal ako sa pader. Nang hindi na ako gaanong hinihingal ay mabagal akong naglakad. Lumapit ako sa isang babae na malapit saakin.

"Excusez-moi mademoiselle savez-vous où se trouve la cafétéria?" mahinang tanong ko. Nagulat ako ng kumunot ang noo niya " I mean do you know where the cafeteria is?" Tumango siya at nag-tagalog!!

"Marunong naman pala mag-ingles.."Nakayuko siya habang bumubulong. Hindi ako nainis sa sinabi niya mas lalo lamang akong nagandahan sakaniya. Sakto ang kulay ng balat niya maganda ito pag tatamaan ng sinag ng araw

"Yes, Actually i can tour you around" nakangiting sagot niya.
Ngumiti rin ako at--"Talaga?! Okay!! Thank you" nakangiting sagot ko i think pwede ko siyang maging friends?

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Where stories live. Discover now