CHAPTER 3:

47 4 0
                                    

Questions

Nagising ako sa isang mahinang iyak ni Cal. Pupungas-pungas pa akong tumayo bago dinaluhan si Cal.

Pagod ako kahapon dahil tinulungan ko si Blake sa mga sasagutan. Pulos ang tanong at nagkukulit naman si Estella kaya lalo akong nahirapan.

Binuhat ko si Cal at marahang sinasayaw. Bahagya kong inayos ang kulot niyang buhok mahaba ito at wala akong balak na putulin dahil nagagandahan ako sa paraan ng pagkulot nito bumabagay sa maamo niyang mukha.

Minsan para akong tangang tititig kay Cal ng mahigit sa isang oras. Hindi ko rin alam kung bakit pero may bagay akong lagiging naaalala sa mukha niya.

Pero inalis ko yan sa isipan ko dahil may mas mahalaga pa kong dapat harapin. Habang naka upo sa railing ng balcony namin.

Iniisip ko kung hanggang kailan ko ikukulong ang sarili ko para di ito masaktan 19 years of my existence.

5 years na puro ako pagtatago at pangangako na magiging masaya ako .
5 years na tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang problema saakin kahit na alam ko kung ano ano ang mga bagay na yun sadyang takot lang ako na maiwan ng paulit-ulit.

I know which part is painful.

But i don't have someone to talk to.

Minsan pa nga ay kakatokin na ako ni Nanay dahil mahigit buong araw akong nasa loob lamang ng kwarto inaalagaan si Cal.

Napapitlag ako ng marinig ang ring tone ko.

Tumatawag si Guil.

"Oh?" Tanong ko habang nakaipit ang Phone ko sa balikat at tenga ko.

"Sama ka mamaya!! May party!!" Halos pagsisihan ko ang ginawa ko ng sumigaw siya!! Napakunot ang noo ko at patuloy pa ring sinasayaw si Cal.

"Aano ako diyan? Kayo nalang." Sambit ko. Akala ko ay makakalusot na ako pero talagang alam niya kung paano ako paikutin. Tsk.

"Ano ka ba?! Nagpaalam na ako kay Nanay Fe!! Pumayag siya dalhin natin si Cal!!" Sigaw niya nilapag ko si Cal para mahawakan ng maayos ang phone ansakit sa tenga ng babaeng 'to 'di ko nga alam kung paano nakakatiis si Kalil dito. Tsk.

"Pati ba naman bata Guilliana. Magtigil ka nga." Iritadong tanong ko. Ni loud speaker ko para makatimpla na ako ng gatas ni Cal.

"Palaos kana Sziana galaw-galaw!! Aba ako mag-aalaga kay Cal. Sige na?" Napangiwi ako ng biglang humalaklak si Cal.

"Bahala na." Sambit ko. Mukhang gusto na rin ni Cal umalis sa kwarto na ito. Madalang kasi kami lumabas lalo na kapag vacation.

"Nandito si Ali- este Travis!! Sige na!!" Sigaw niya para namang kilala ko lahat ng kaibigan niya. Tsk.

"Oo na." Sambit ko at pinatay ang tawag.

Matapos timplahan si Cal ay inayos ko na ang dadalhin namin mamaya. Baka roon na rin kami matulog kaya nag dala ako ng extra na damit.

Nakatulog ulit si Cal matapos ko siyang paliguan at bihisan kaya ako naman ang nagbihis.

Maaga kami sa bahay nila Guil. Para sa kwarto kami ni Guilliana tatambay ni Cal. Kadalasan pag ganitong inaaya ako ni Guil ay sa kwarto ang tambayan namin ni Cal.

Matapos magbihis ay binuhat ko na ang bag ni Cal at si Cal. Simpleng damit lang ang suot ko t-shirt at high waisted pants and white shoes.

Nagpaalam ako kay Nanay bago umalis. Naka bonet si Cal at simpleng polo at diaper. Mamaya ko na siya susuotan ng pants masyadong mainit para roon baka maging iritable si Cal.

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Where stories live. Discover now