CHAPTER 22:

3 2 0
                                    

A/N:Medyo mahaba tong chapter na to kasi sinipag si Ann haha. Good day!!

Dedma

Isang linggo na ang nakakalipas. Simula nang pumasok ako ay puro bugbog at panghaharang ang nakukuha ko, sila manok ang may kagagawan.

Sila pala ang nagbanta na wag akong gagalawin o tutulungan noong nahimatay ako, hindi pwedeng sabihin o ipaalam kala Guil ang nangyari dahil pati sila ay madadamay.

May pasa ako sa hita at sugat sa braso, putok na ang labi ko at halos magkulay itim na ang pisngi ko dahil sa Jades.

Kaya hindi na ako nagulat nang may humarang nanaman saakinngayong araw.

"Hindi ka talaga hihingi ng pasensiya sa ginawa mo?"tanong ni Yuga habang nakangisi. Tss. Ito nanaman sila.

Lahat sila ay may ngisi sa mga labi, natutuwang manakit at pagmasdan ang mga taong nahihirapan.

Nakapamulsa akong tumingin sakanila. "Bakit ko naman gagawin ang bagay na dapat ginagawa niyo saakin ngayon.." i don't give a damn about your group. Pft.

"Miss Sziana.. hindi ka naman nakakatakot para katakutan namin!! Ayos ka rin noh? " nakakalokong sambit ni-- sino nga ba siya? Tsk. Basta pangalan niya nalang dilaw. Mukha naman silang sisiw.

"Boss matapang yan mukhang hindi takot sayo!! Haha" sambat ng isa habang tumatawa.

"Anong tapang diyan eh hindi nga gumaganti?! Tsa!!" Sagot ni Yuga habang nakaturo saakin ang hintuturo. Baliin ko yang kamay mo gusto mo?

"Pwede ba kung wala kayong magawa sa buhay pwes ako meron, kaya tabi."naiinis na sambit ko.

Nagsitawanan sila na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

"Ang angas mo talaga eh noh?! Ang yabang yabang mo!!"sambit nanaman ni Yuga habang dinuduro ang gitna ng noo ko.

Naiinis akong bumaling sakanilang lahat.

Natigil lang sila sa ginagawa ng biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin ay kailangan ay nasa loob na ng silid ang lahat kaya naman dali-dali silang tumakbo paakyat. Tsk.

Wala kasing magawa sa buhay late tuloy ako.

Habang nag lalakad ay humarang saakin ang seryosong si Ali.

Ano ba trip ng mga lalaki ngayon?!

"Bakit nandito ka parin? Hmm? Dapat nasa room kana ngayon kanina ka pa umalis sa kwarto kanina diba?"Nagtatakang sambit niya habang nakatingin saakin.

Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko at inayos ang salamin na suot ko.

May naramdaman akong kakaiba pero binalewala ko na.

Ang nakaraan ay hindi na dapat binabalikan, nasa kasalukuyan ka kaya naman nararapat lang na mabuhay ka sa hinaharap.

Hindi mo na mababago ang nakaraan pero maiiba mo pa ang mangyayari sa hinaharap kayana naman.

Pinipili kong itago at wag nang ipaalam kay Ali na anak niya si Cal.

Dahil gugulo lamang lalo na't limang taon nalang ang kalayaan na ibinigay saakin ni pàpa.

"Wala nag-ikot lang ako. Sige na una na ako may klase pa ako..." sambit ko at lumakad.

Hindi ako lumingon o sumulyap sa gawi niya.

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Where stories live. Discover now