CHAPTER 5:

27 2 0
                                    

Loss

Dali dali akong umuwi sa bahay dahil baka gising na si Cal at mahirapan si guil na alagaan ito. Lagi kasi ako nitong hinahanap at tinatawag.

Dumating akong umiiyak si Cal. at natutulog  si nanay sa kanyang kwarto.

Dali dali kong binuhat si Cal ng makitang nagwawala na ito. Kumalma naman si Cal. Kaya kinausap ko na si guil.

"Guilliana.." Seryosong sambit ko sa pangalan nya

"Sino si travis? Bakit galit na galit sya saakin? Bakit umiiyak sya at nag mamakaawa na kausapin ko?" Patuloy ko ng hindi sya sumagot

"S-si Travis?" Halatang hindi siya sasagot kaya bumuntong hininga ako.

Nakikita ko at nababasa ko sa kilos nyang ayaw nya sabihin kung sino ang lalaking iyon.

"Tang'nang buhay to" Nagtitimping sigaw ko dahil putol na ang pisi ng pasensya ko kanina pa pagod na ako.

Pagod na akong alalahanin at kwestyonin ang lahat sa paligid ko palagay ko isang malaking kasinungalingan ang ginagalawan ko dito.

"Sa tingin ko kayong dalawa dapat ang ma-usap mas maiintindihan mo kung sakanya mang gagaling." Medyo kumalma ako dahil palagay ko wala namang kasalanan si Guilliana dito..

" Sa susunod na linggo sa school magkita kayo.. Mauuna na ako dahil may pasok pa tayo bukas.." Bahagyang sumaya ang aking puso di ko maalala ang lalaking iyon ngunit parang kilalang kilala sya ng aking puso.

Dahil alam kong papasok na kami sa school next week kumalma ako. Ngayon lang kami makakapasok dahil noong mga nakaraang araw ay hindi pa handa ang eskwelahan namin dahil di pa napipinturahan at naayos yung bagong building nagagamitin namin ngayon. Salamat at tapos na ito.

"S-salamat.." Nauutal na dagdag ko habang sinasayaw si Cal.

Pagkatapos mag bihis ay kumain na kami nila nanay ng hapunan.

Pinainom ko narin si nanay at inalalayan paakyat sa taas nilinis ko ang kwarto ni nanay habang nasa kama ni nanay si Cal.

Tapos na akong maglinis sa kwarto ni nanay kaya pumasok ako sa kwarto ni Cal para sana mag linis kaso malinis na ito malamang ay nilinis ito ng ninang nyang si guil. Habang nililigpit ang higaan ng batang iyon ay pumasok si nanay na buhat si Cal at natutulog ng mahimbing

"Mukhang napagod pakinggan ang ninang nyang si Guilliana." Tumatawang kwento ni nanay

" Mukha nga ho." Mukhang nabasag nanaman ang eardrums ng anak ko. Kawawa naman.

"Sige na mag pahinga kana at alam kong pagod na pagod kana Sziana."
Sabi ni nanay habang ibinababa si Cal sa kama nito

"Tumawag pala ang kuya mo at sinabing sa  i-ibang ahm b-bansa nya ako ipapagamot at doon na rin titira." Nag aalangan man ay kwinento ni nanay. Alam kong mahirap pero kailangan ayun naman talaga ang usapan namin nila kuya na iuuwi na si nanay sa france sa Bahay nila ni tatay.

"Mabuti nga iyon nay para gumaling kana agad at di na mahirapan." Kahit labag sa loob ay ngumiti ako. Alam kong mahihirapan ako kapag pinag pilitan kong iwan si Cal dito lalo na't mag isa lang ako sa bahay kasama si Cal.

Wala kaming katulong dahil ng namatay si tatay ay nalugi ang mga negosyo namin tanging ang natitirang pera sa bangko ang ginamit nila kuya para palaguin ulit ito pero hindi ako humingi dahil wala naman akong tinulong noong naghihirap sila para roon. Iuuwi nila si Nanay sa France para ipagamot dahil may diabetes ito.

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon