CHAPTER 4:

33 3 0
                                    

Father

Matapos magbihis ay lumabas na ako ng banyo naroon si Cal.

Nag kwento si Guil kagabi kung sino 'yong lalaki sa party pero iba ang naaalala ko. Hawig ito ng lalaki ngunit iba ang pangalan niya noong tinawag ko siya sa pagkakaalala ko.

Alistair, Alistair ang tinawag ko sakaniya hindi Travis..

Kung naging boyfriend ko noon si Travis bakit kami naghiwalay? Kung siya ang huli kong boyfriend hindi kaya siya ang Tatay ni Cal?

Pero hindi siya ang mahal ko. Si Alistair siya yung nasa panaginip ko siya yung mahal ko. Siya nga ba?

Kailan ba magkakaroon ng sagot ang lahat? Pagod na akong maghanap ng kasagutan at tuwing pakiramdam ko palapit na ako sa katotohanan tsaka ako hinihila ng tadhana nilalayo kasabay ng matinding pagkirot ng buong ulo ko.

Kaya minsan tinitigil ko na rin ang pag-iisip pero may panahon na kusa itong bumabalik at tuwing dumadating ang panahon na iyon pagkagising ko mula sa panaginip kulang kulang na ang detalyeng napanaginipan ko.

Nag lalaro si Cal. Naglinis ako bago tiklopin lahat ng nilabhan ko.

Malapit na ring umalis si Nanay Fe papuntang France. Doon muna sila ni Cal habang nag-aaral ako hindi ko pwedeng isama si Cal sa pag-aaral.

Si Gaèl ang magbabantay kay Cal at Nanay Fe habang nasa France sa bahay nila Nanay Fe sila mamamalagi. Doon mas ligtas at mas mababantayan sila.

It's been years ago when that accident happen. Years..

After questioning what happen that night I tried to clean Cal's room. It's clean since he's sleeping with me this past few days.

Week nalang ay papasok na ako sa school and natatakot ako para kay Cal.

Nanonood ito minsan nag sasalita na pero kadalasan ay panay lang ang tawa at hagikgik. Minsan pa nga'y nag sasalita ito habang hawak ang unan at tatawa. Naglalaro mag-isa siguro roon sa France ay makakalabas siya.

Matapos ayusin ang bag ko ay Tinawagan ko si Guil.

Guilliana?" Tanong ko.

"Yeah?" Sagot niya.

"Pwede mo bang alagaan si Cal? Nag-aaply kasi ako at tumawag si nanay na umiiyak si Calel please?" Nahihiyang tanong ko. Pumalayaw siya at mukhang nagtatalon.

"Yeah sure pupunta na ako ingat ka" Excited na sagot ko hihi. Baby.

"Salamat Guil." At pinatay nya na ang tawag.

Bumuntong hininga ako ng paulit-ulit. Boring ang buhay ko 'di ko alam kung natural na ito noon o lumala lang ngayon.

Nang dumating sila Guil ay yumakap lamang ako at nag pasalamat. Kasama niya si Kalil na halatang may gagawin pa pero hindi kayang hayaan si Guil na mag isa.

Ngumiti lamang si Kalil ng isakay ko si Calel sa sasakyan naroon ang bag na nag lalaman ng damit, gatas at bote ni Cal. Hinalikan ko si Cal bago sinara ang pinto.

"Saan ang gala mo?" Tanong niya naka bukas lang ang bintana ng sasakyan kaya kita ko si Guil na may hawak na chocolate panigurado para kay Cal.  tsk.

"Kahit saan, basta may matatrabaho naroon ako." Sambit ko. Ngumisi siya at nakakalokong tumingin saakin.

"Ay taray all around lahat kayang gawin pero tumitiklop kapag si Travis ang usapin. May bakante sa bahay Gurl, Gusto mo?" Maarteng tanong niya si Kalil ay nagbabasa lang kaya umirap ako kay Guil.

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Where stories live. Discover now