EPILOGUE

49 3 0
                                    

Mon rêve de mariage

Naka-rating kami sa Palasyo ng Mga Abreo. Ipilit ko man kay Travis na sa Palasyo ako ng mga Toussaint ay hindi ito pumapayag. Laging madilim ang titig nito saakin. Buhat niya si Zaileigh at Xai Phyris, samantalang ako ang may buhat kay Trevor.

Tago ang dalawa si Trevor ang tanging pinapakita namin sa taong nag-hihintay sa labas ng palasyo. Gustuhin ko man ay hindi maaring ipakita si Zaileigh at Xai. Dahil doon ay galit ang nakikita ko sa mata ni Travis.

"Sinabi ko na sa'yo hindi nga maari!! Bakit ba pinipilit mo?! Bakit ba nagagalit ka!! Sinabi ko na kasi sa'yong sa Palasyo tayo ng Toussaint didiretso pero ang nag-matigas ka!!" Iritableng sigaw ko kay Travis ng maka-pasok kami sa kwarto niya rito!!

"Bakit ba tinatago mo ang dalawa?! I want to show them our baby!! Why can't you be proud? Huh? You're mad? Because i got you pregnant? Right?" Nagulat ako sa huling sinabi niya. Hindi ko inaasahang ganoon kababaw ang tingin niya saakin. Galit ako kasi naparamdam ko sakaniyang hindi ako proud na ipakita ang Triplets sadyang hindi pa ngayon. Natatakot ako lalo na't babae si Zaileigh. Hindi alam ni Señora at Senior na Triplets ang pinag-bubuntis ko. Tinago ito nila kuya. Hindi nila ipinalabas sa publiko na may Apo na sa Première Señorita ang Señora at Senior. Kaya natatakot ako hindi ko kakayaning lumaban habang prinoprotektahan ang Triplets.

Nang hihina akong umupo sa dulo ng kama at tinitigan si Zaileigh at Xai. Pasensiya anak hindi malakas si Mama pagdating sainyong tatlo. Takot ako pag-dating sainyo, makita lang kayong kunin saakin ay ikamamatay ko na.

Lumabas si Travis ng kwarto niya ng padabog. Walang nag-babantay sa labas ng kwarto hindi allowed pumasok ang mga serbedora sa loob ng silid na ito. Kaya kampante ako kahit papaano.

"Nasaan kayo? Hindi ba't sinabi ko sa'yo dito kayo sa palasyo didiretso?" Bungad saakin ni kuya Gael. Halata ang pagiging strikto sa boses niya kaya hindi ko alam kung paano sasabihing kunin niya kami dito.

"Hindi pumayag si Travis kuya. Mahirap siyang kumbinsihin lalo na't pakiramdam niya ay itinatago ko ang dalawa sa tatlo kong anak." Malungkot kong sambit nasasaktan talaga ako.

Bakit ganoon ang tingin niya saakin? Masyado ba akong mababaw para sa ganito?

Gustuhin ko man ng pang- habang buhay na pagmamahalan ay alam kong walang ganoon. Kathang Isip ang salitang habang buhay sa ibabaw ng mundo. Gustuhin mo man ay may hangganan lahat ng bagay rito. Maging tagumpay man ang relasyon mo ang makita kung paano pumanaw ang taong nangako sa'yo ng pang habang buhay ay mababalewala.

Kaya Imbis na 'Habang Buhay' ay gusto kong sabihin na hanggang sa 'Kabilang Buhay' hangganv sa kabilang buhay kita mamahalin at pipiliin. Mas maganda ito sa pandinig ko. Ipangako ko man sa hangin ay alam kong hindi sigurado ang lahat ngayon.

Hindi kami maayos ni Travis maliit na bagay ay nagiging problema namib kaya't sino ako para itali siya saakin?

Maraming mas maganda at mas malambing kaysa saakin. Kung tutuusin ay madalang akong makaramdam ng ganito noon, dahil bukod sa sarili ay wala na akong iba pang iniintindi pero ngayong palalim ng palalim ang pag-ibig kong matagal ko nang binaon sa limot ay nahihirapan na ako.

Bumalik sa kwarto si Travis ng medyo magulo ang buhok amoy wine siya kaya hindi ko na pinansin. Inasikaso ko ang mga anak ko. Pumasok siya sa CR niya at makalipas ng ilang minuto ay lumabas ng naka-tapis ang tuwalya sa bewang nag-iwas ako ng tingin.

Inayos ko ang mga gamit nila Baby at nag-ayos ng kwarto niya. Nagulat ako ng lumapit siya saakin at walang sabi sabi akong ipinatong sa lamesa sa kwarto niya. Pulos figurine iyon kaya nagulat ako ng malaglag ang ilan dahil sa biglaang kilos niya. Tumitig ako sa mata niya at kita ko ang pinipigilan niyang apoy. Aminin man o hindi ay tupok na ako sa apoy na pinipigil niya.

Aucune Lumière (All Saints SERIES #1)Where stories live. Discover now