Chapter 39 *His Side*

299 20 11
                                    

Chapter 39

Harrison's POV

Ang hirap ng mga pinag daan ko. 11 years old ako nung nagkahiwalay kami. Ano nga ba ang alam ko sa pag ibig noon?

Pero lumipas ang mga panahon, binantayan ko siya kahit na nasa malayo ako. Masakit lalo na pag merong Patrick na naka buntot palagi sa kanya. Malaki ang possibilities na mahulog ang loob ni Louverne sa kanya.

Kaya masaya ako ng pinayagan na ako na umuwi ng Pilipinas at mag aral. Oo, sinundan ko siya. Tanga lang diba? Pero kasi alam ko na pwede pa. Pwede pa kami.

Masaya ako at finally, LOVE meets HATE. Pero sadyang mapag laro ang tadhana. Ano ba talaga ang gusto niya? Nahihirapan na ako.

"Good bye Harrison... I'll be going now" sabi sa akin ni Louverne ng makita ko siya sa kwarto niya

"What do you mean?" I asked

"Mom told me that after this party, I can go to Paris, stay there kung hanggang sa magsawa ako or for good"

"Pero..."

"You want me to tell you that I like you? Yes Harrison, I like you. Pero naguguluhan pa ako."

Lumabas na siya ng kwarto niya dala ang mga bag niya. Nilagay niya ito sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito.

Ugh! Sinundan ko siya sa airport pero di ko siya makita.. Nasaan na siya? Cannot be reached ang phone niya.

So ano na to?? Ganito na lang ba ang ending? After 7 years of waiting, aalis din naman pala siya? Edi sana di ko na nilabanan ang pesteng sakit ko na to!!!

I went home na tulala, di ko alam kung ano ang irereact... Then suddenly, inatake nanaman ako. Good thing at nandito na ang mga parents ko...

This time, halos hindi na ako maka hinga. Yung pipiliin ko na lang ang mamatay kesa lumaban. Kasi ang dahilan ng paglaban ko ay iniwan na din naman ako... Iniwan na ba talaga niya ako? Sumuko na ba siya? Kasi kung susuko na siya, susuko na din ako. Kasi pagod na akong lumaban. Ang hirap na.

"Dadalhin ka namin sa ospital" sabi ni mama na may halong pag aalala. Tumango na lang ako. Wala pa rin kasi talaga ako sa sarili pero sobrang hirap na akong huminga.

Habang nasa sasakyan nasa likod kami ni Hannah at binabantayan niya ako.

"You should have a heart transplant Kuya. Di ko pa kaya na wala ka. You know that I Love You so much, please? Bakit ba ayaw mong magpa-opera?" sabi ni Hannah na parang naiiyak na. Umiwas lang ako ng tingin.

I saw mama na napatingin sa likod nung sinabi yun ni Hannah. Grabe pati ako naluluha na din. Ito na ba ang katapusan ko? May paraan naman diba? Kaso ayaw ko lang. Kasi natatakot ako.

Pagkarating namin sa ospital, napatigil ako. Tumingin sina Mama, Papa at Hannah sa akin.

"Magpapa-opera ako. Maghihintay ako hanggang sa maka-hanap ng donor" yun ang sabi ko tas nakita kong napangiti si Hannah at the moment na nakita ko ang mga ngiti ng kapatid ko, hinimatay ako.

~.~

Lahat ng alaala ko kasama siya patuloy na bumabalik sa isipan ko. Ano nga ba ako sa'yo Louverne? Kasi kung ayaw mo na, pagod na ako. Pagod na akong mabuhay. Kasi ikaw lang naman ang dahilan na kahit pagod na pagod na ako, kinakaya ko pa rin.

"Kuya, salamat at gising ka na" I saw Hannah running towards me at niyakap ako. Napangiti ako.

"Alam mo Kuya, nung inooperahan ka, takot na takot ako. Iyak ako ng iyak. Dasal ako ng dasal. Salamat Kuya at lumaban ka. 3 days ka ding tulog."

LOVE meets HATEWhere stories live. Discover now