Chapter 20 *You're not helping*

326 18 4
                                    

Chapter 20

Daine's POV 

Nandito kami ngayon sa tambayan. At patuloy na chinicheck yung GPS. Hindi ko din kasi gets bakit magkasama yung dalawa eh hindi naman okay ang dalawang yun. Nakakapanibago lang. Si Vernie na nakukuha lahat ng gusto eh sumusunod na lang kay Ace? At si Ace na anti-social pag nasa Pinas eh kasama si Vernie? At ang mas weird pa eh ang biglang pag alis ni Patrick. Ano ba ang nangyayari?

"Guys, 7pm na and hindi pa rin umuuwi si Em" biglang sabi ni Zymber.

"Eh hindi naman magkatabi yung phone nila eh. Tingnan mo..." sabi naman ni Raeka.

"Pero ano ang ginagawa nila sa bahay ni Ace?" tanong naman ni Cailey

"Tara punta tayo sa bahay nila" sabi ko

"Woah, you serious dude?" tanong naman ni EJ

"Oo, kahit kaibigan ko yang si Ace eh nag aalala pa rin naman ako sa pinsan ko"

"Alam mo, tara na." Kinaladkad ako ni Zymber palabas ng tambayan

Dumiretso kami sa bahay nina Ace, pinapasok kami ng mommy niya at halatang gulat siya pagpasok namin

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya

"Wala kasing matambayan eh" sabi naman ni EJ

"Si Em nasaan?" diretsong tanong ni Zymber

Nakatingin  lang si Ace sa amin. So may nangyayari na ba sa kanila na di namin alam?

"Daine?" tiningnan ko ang babaeng tumawag sa akin sa taas ng hagdan. It's Vernie.

"Anong ginaga---" masigla niyang tanong kaso di ko na siya pinatapos

"WHAT THE HELL YOU'RE DOING HERE VERNIE?" pasigaw kong tanong sa kanya. halatang gulat silang lahat

"KABABAE MONG TAO, PUMUPUNTA KA SA BAHAY NG LALAKI? AT ANO YANG SUOT MO? PARANG BAHAY MO LANG GANUN? GUSTO MO ISUMBONG KITA KAY TITA?" dire-diretso kong taong di ko alam bakit yun ang naging akto ko

Nakita ko na parang may namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Vernie. I know it's my fault. I just love my cousin at ayokong may mangyaring masama sa kanya

"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin Daine? Pinsan kita. Ikaw ang MAS na nakakakilala sa akin. Tapos ano? Ito ang ihuhusga mo sa akin?" lahat sila tahimik pa din

"Tara na Vern, ihahatid na kita sa inyo" yun na lang ang nasabi ko.

Nilapitan ko siya para dalhin na sa sasakyan pero tinaboy niya ang kamay ko at tumakbo palabas ng bahay

"VERNIE!" sigaw ko. umiiyak siya

"Lou! Wait!" sabi ni Raeka at sinundan siya nito palabas

"Alam mo, ang gago mo. Kaibigana kita, pinsan mo si Louverne at pinag-isipan mo kami ng masama. Alam mo ba na may pinagdadaanan yung pinsan mo? sana naman nag-isip ka muna Daine. Kailangan mong humingi ng tawad sa kanya"

Yun na lang ang nasabi ni Ace sa kagaguhan ko. Mali ba talaga ang ginawa ko? Ano ba ang nangyayari? Ang alam ko lang naman ay gusto kong safe palagi ang pinsan ko.

LOVE meets HATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon