Chapter 40 *Not yet ready*

386 17 9
                                    

Chapter 40

Daine's POV

"Magpagaling ka na Ace" sabi ni Cailey.

"Oo nga. Miss ka na namin. Kahit di naman tayo ganun ka close diba?" Dagdag naman ni Raeka.

"Ikaw Raeka, alam mo ba kung nasaan si Louverne?"

"Yun nga din ang problema ko. Di ko siya ma contact. Kayo ang huling magkasama. Wala ba siyang sinabi sayo?"

"Paris" sabi ni Ace sabay tingi sa akin.

"Alam niyo, si Daine lang ang nakakaalam. Ayaw lang talaga niyang sabihin." sabi naman ni Zymber.

"Wala talaga akong alam guys" sabi ko naman sa kanila.

"Alam mo Bro, sabihin mo na. Huli na to promise" pagmamakaawa naman ni Ace.

Napayuko lang ako. Walang nakakaalam sa amin kung nasaan si Vernie. Well except kay Tita Lovi at Tito Daren.

"Yung totoo?" dagdag naman ni Cailey.

"Seryoso, mamatay man ako ngayon."

"Paris. Pupunta ako ng Paris."

"How sure are you na nasa Paris siya?" tanong naman ni Zymber.

"She told me, she's going to Paris."

Obviously, nasa hospital room kami ngayon ni Ace. Ngayon lang kasi pinayagan ang pagbisita sa kanya. Lalabas na din naman siya in 2days.

Hindi din ako sure if nasa Paris nga si Vernie. Pero naremember ko that Tita gave her a Euro trip after her debut. Not sure if ito ang ibig sabihin ni Ace.

After kasi ng debut ni Louverne, wala na kaming balita sa kanya. Kahit ako, wala. I just heard that these past few days, Tita Lovi and Tito Daren is going in and out in the hospital.

"What if wala siya sa Paris?" napatingin kaming lahat sa pinto nung bumukas ito at narinig namin si Patrick na nagsasalita at nasa likod nito si Earvin.

"You know where she is?" Ace asked.

"Hmm? Nope. But I can help you guys figure out where Lou is." Explain ni Pat na naka ngiti pa.

Napangiti naman ang barkada dito. Nasaan ka na ba Louverne Oaren Vasquez Em? Akala ko ba mahal mo ang kaibigan ko? Bakit mo siya iniwan?

~*~

"Get the earliest flight papuntang Paris next week. Lalabas na ako bukas ng ospital. After 4 days na wala pa ring Louverne, pupuntahan ko siya sa Paris kahit hindi ako sigurado if nandoon siya."

Nandito nanaman ako sa ospital. This time, mag-isa lang ako. May mga ginagawa kasi yung iba.

"Are you sure about this?"

"Bahala na. Total, ginawa ko naman ang lahat, inumpisahan ko na. Tatapusin ko na lang kung ano ang gusto ng tadhana. Ano pa ba ang magagawa ko?"

"Bro, naniniwala ako, mahal ka ng pinsan ko. Alam ko, nararamdaman ko."

"Pero..."

"Naguguluhan lang siya, kasi mahal niya ka niya bilang Tray noon. Kaso dumating ka naman bilang Harrison at nahulog nanaman siya. Kung alam ko lang sana kung nasaan siya, maybe I can help."

Napayuko lang si Ace. Hindi ko kasi talaga alam kung saan ko hahanapin ang buang kong pinsan.

Patrick's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Nagsimula na akong hanapin si Lou. Lahat ng connections ko, ginamit ko na.

Mahal ko si Lou at alam ko mahal niya si Ace. Kailangan kong magparaya. Sounds cliche? Yun naman kasi kapag mahal mo ang isang tao eh. Basta gagawin mo ang lahat sumaya lang siya.

LOVE meets HATEWhere stories live. Discover now