Chapter 30 *You missed the chance*

378 19 5
                                    

Chapter 30

Louverne's POV

"Grabe ang sarap pala sa feeling kapag pinapansin ka ng taong mahal mo!" kinikilig kong kwento sa mga kaibigan ko

"Mahal na talaga teh?" kontra naman ni Zymber sa akin.

Naikuwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa akin...amin... simula ng umalis ang parents nila...

"Ewan! Hindi lang halata pero sa tuwing nakikita o nakakasama o di kaya isang bigkas niya lang eh nagsisitalunan na ang mumunti kong puso. Na parang anytime ay sasabog na ito sa tuwa... That I feel si happy with his presence kahit na di niya ako pinapansin.... Na par----"

"Enough na ang chika girl, he's here..." Pagpapatigil sa akin ni Raeka...

Inayos ko ang upo ko... Siyempre with matching pa-cute. Ako pa ba? Minsan lang kaya ma in love si Louverne Oaren!

Nung mapatingin na ako sa direksyon niya, nagtama ang mga mata namin... At saktong ngingiti na sana ako, saka naman niya iniwas ang tingin niya sa akin at nag iba ng direksyon ang lakad niya...

"Deadma ang beauty mo teh..." sabi ni Zymber...

"Nandito ka kasi... Kaya umalis.." pagbibiro naman ni Cailey...

Napa-smile ako... Slight lang kasi naman...

Akala ko okay na kami? Akala ko, wala nang... May mood swings pa din pala... pero kahit Hi man lang sana diba?

"Uy pero nasasaktan na yan... Yeee.." Pangungulit pa sa akin ni Zymber...

"Hehe. Di ah." Matipid kong sagot

"Feeling mo teh, ganyan din ba yung nararamdaman ni Patrick pag di mo siya pinapansin?" dagdag pa nito... I just looked at him blankly...

"Wait, nasaktan ka ba talaga?" gatong pa nito...

"Ha? Ah-ehh?" yun lang ang tangi kong sagot...

Hindi ko naman kasi ma explain kung ano ang nararamdaman ko eh...

Yung parang kinumos ang puso ko? Ewan ko lang ha? Or OA lang talaga ako sa mag explain pero yun talaga eh....

"Bakla tama na yan..." si Cailey na ang nagpatigil sa kanya since di pa rin ito tumatahimik...

Good thing at may mga kaibigan pa rin akong babae... Minsan kasi pag bakla, di mo pa rin maitatago yung fact na may pusong lalaki talaga sila... Alam nyo yun? Basta...

Pero isa lang ang best word na pwede kong masabi sa nararamdaman ko ngayon...

Masakit.

---

"Ate, okay na ba to? Mukhang mababatok na kasi siya eh...

"Okay na yan baby girl... Teka, may kisses pa ba diyan?" tanong ko...

"Yup mero pa dito oh.."

Nasa kusina kami ngayon ni Hannah, nagluluto kami ng cookies. Ibibigay daw niya kay Kevin... Aba matinde ang batang to, lumalablayp!

"Gusto mo ba gumawa na din ako ng chocolate cookie?"

"Hmm? Ibake mo na lang for Kuya"

"He likes chocolate cookie?"

"Sort of..."

"Oh sige..."

"And I've texted kuya na mag drive thru na lang sa Jollibee.. Okay lang?"

"No problem..."

Almost 2 weeks na kaming ganito... Minsan sa labas kakain minsan take out or drive thru na lang...

LOVE meets HATEWhere stories live. Discover now