Chapter 35 *Family Dinner*

312 22 9
                                    

Chapter 35

Louverne's POV

"Ate! Ate!"

Bigla naman akong lumabas ng kwarto ko dahil sigaw ng sigaw si Hannah...

"S-si Kuya po..."

"Bakit anong nangyari kay Harrison?"

"Dalhin natin siya sa ospital please. Umalis na sina Mama at Papa papuntang office"

nagmadali naman akong pumunta sa kwarto niya... Nasaan na ba ang susi ng sasakyan niya?!! Fvck naman oh!

Nakita ko si Harrison, parang hinahapo. At hawak ng hawak sa puso niya. Anong nangyayari??

Ang bigat niya sobra! Pero bahala na. Tinulungan ako ni Hannah. Nakakalakad pa din naman kasi si Harrison.

Sumibad na ako papuntang ospital gamit ang sasakyan niya... Pinasok siya sa emergency room. Nasa labas lang kami ni Hannah naghihintay. Tinawagan ko na din si Tita Hellen at papunta na sila dito ngayon.

Nakita ko si Hannah iyak ng iyak..

"Tahan na Hannah, gagaling si Harrison... Gagaling siya."

"Ate, natatakot ako.."

"Ano ba nangyari sa kanya?"

"Nahihirapan kasi mag pump ang heart niya. Sobrang hina. Nagkaroon ng medications sa America kaya sila pumunta doon nung 10 years old siya. Kailangan niya kasing magpagamot. Dito kasi puro lang maintenance. Sabi naman doon sa America, kailangan niya ng heart transplant pero hindi pa rin kami nakaka-kita. Walang may gustong mag donate..."

"Pero bakit bumalik? Okay naman siya dati ah?"

"Cold si Kuya diba? Hindi kasi siya pwedeng ma sobrang excite, maiyak o kahit ano pang feeling na sobrang lalim na nag ca-cause para mag beat ang heart niya ng mabilis... Wala siyang social life kaya nag decide siya na mag stay sa States dahil sa band. Yun lang ang tanging meron siya. Pero kasi kagabi, I heard him crying inside his room"

"Oh my gosh! Kasalanan ko ba?"

"Ate naging masaya si Kuya nung dumating ka. Alam mo ba yun? Kaso yan ang kinakatakot namin eh. Bawal siya ma in love. Kaya ganyan na lang siya ka cold sa lahat. Lalo na sa mga babae"

"S-sorry. Ako may kasalanan nito eh" naiiyak na ako. Sobra...

Lumapit ako sa door ng emergency room. Di naman siya inooperahan or what. Parang may nilalagay lang sa kanya na inhaler para makahinga siya ng maayos...

"Lou!" Narinig kong sigaw ni Tita Hellen. Thank God at dumating na sila. Hindi ko alam ang gagawin...

Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya...

"Sorry tita... sorry.. H-hindi ko alam.. Natatakot ako... Sorry.. Kasalanan ko" iyak lang ako ng itak. Grabe! Seryoso, natatakot ako. Baka kung anong mangyari kay Harrison

Humiwalay si Tita sa akin... at ngumiti..

"Stop crying Lou. Kayang kaya yan ni Harry. Siya pa. Malakas yan eh..." sabay punas ng luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos

"Pero tita, inaway ko po siya kagabi eh.." sabi ko na humihikbi pa

LOVE meets HATEWhere stories live. Discover now