Chapter 22 *Why did I do that?"

345 18 6
                                    

Chapter 22

Joshua's POV

5:45pm na. 15 minutes na lang before mag start yung gig ko. At first time akong kabahan. Di ko alam kung bakit.
Inom lang ako ng inom ng tubig, pabalik balik. Halos lahat ng mga kasama ko tinatanong na ako kung ano ang nangyayari sa akin.

"Okay lang ako" yun lang ang tanging nasagot ko sa kanila.

"Pare set up na daw" tawag sa akin ng isa ko pang kasama

"Sige susunod na ako"

Di ko alam pero may gusto akong makita ngayon habang nasa stage ako pero ayokong pumunta siya kasi nahihiya ako baka magkamali ako habang nagpe-perform. Sana nakalimutan na niya yung sabi ko sa kanya kahapon.

Nasa 3rd song na kami at last song na ng bigla ulit ako nakaramdam nang kaba at parang may something na nag-uutos sa akin na tumingin ka sa harap Josh.

Nakita ko si Lou papasok sa bistro. Simpleng V-neck shirt na medyo fit sa kanya at shorty shorts ang suot niya. Meron din siyang hand bag at naka flat sandals siya. Napaka yaman pero napaka simple.

Nang nakita niya ako, nag smile siya sa akin kaya nag smile din ako. umupo siya sa last table na may bakante. After ng song, bumaba agad ako at pumunta sa kanya.

"Uy."

"You perform well Josh" sabi niya

"S-salamat"

"You look so shy, why?"

"Nahihiya naman kasi talaga ako sayo eh. Talagang pumunta ka pa dito. Di ko inexpect"

"Sorry late nga ako eh. And I told you na pupunta ako diba?"

"Akala ko kasi..."

"Tama na nga yan, would you mind to have some dinner? Di pa kasi ako nakaka-kain eh. For sure ikaw din"

"Sige sagot ko na"

"Since late ako, I will be the one to treat you na lang"

"Ako na Lou, nakakahiya naman kasi"

"Sus ikaw pa nahiya. Tara na libre ko"

"Eh..."

"Oh sige ganito na lang, libre kita ng dinner then libre mo ako ng maiinom later"

"Minor ka pa diba?"

"It doesn't matter Josh. Tara na"

Lumabas kami ng bistro at naghanap ng kakainan. Juice colored! Kaya nga ako sumali ng Ritmusikat para sa scholarship at baka sa kung anong resto niya ako dalhin. Ako pa naman magbabayad.

"Joshua, may cansi sila. Dito na lang tayo" sabi niya.

"Sigurado ka? Ayaw mo ba sa resto?"

"Dito na lang tayo. I bet, mas masarap dito sa karinderya"

Talaga bang ganito siya? Minsan sosyal minsan hindi? Ewan! Sige na nga, mabuti pa na dito kami at afford ko pa to.

Umupo na kami at may lumapit sa amin, isang babae.

"Magandang gabi sa inyong dalawa!" Naka-ngiti niyang sabi.

"Bago kayo dito no? Ngayon ko lang kasi kayo nakita eh"

"Ah, sa Bistro po ako nag pa-part time at siya po eh, bago din po siya dito"

"Hi po! Ang ganda niyo naman po" sabi niya kay Lou

"Salamat. Kayo din naman. Sa inyo po ba ito?"

"Ah oo. Ako nga pala si Bien."

"Nice meeting you Bien! I'm Lou and he's Joshua"

LOVE meets HATEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum