EPILOGUE

656 21 12
                                    

EPILOGUE

Author's Note:

Yes po! Epilogue na po! Hahaha sorry naman at medyo mabilis lang. Busy na po kasi at kung mas lalo kong patatagalin to, mag-iiba na ang flow ng story kaya chill! May mga new stories pa. Abangan na lang :) Salamat nga pala at umabot tayo hanggang dito! Hahaha. Mahal ko po kayong lahat :)

—-

Louverne's POV

Minsan hindi naman mahalaga kung kayo o hindi. Ang mahalaga pareho kayong masaya kung ano kayo para sa isa't isa. Minsan nga sabi ko, maghihintay na lang ako ng sign para malaman kung tama ba ang desisyon ko o ano. 7 years kaming naghintay noon at pinagtagpo kami ng tadhana... Pero grabe, ilang signs pa ba ang kailangan ko para malaman kung siya na talaga o talaga bang pinaglalaruan lang kami? Yung tipong magme-MEET lang kami sandali tapos paghihiwalayin ulit. Pero, bakit kasi iaasa sa signs? if it's meant to be, it will be.

3 years na since nangyari ang lahat ng yun. 3 years since nagkita kami ulit. 3 years nung nalaman kong si Tray at Harrison ay iisa. Grabe ang babaw ng rason ko para magalit pero di niyo rin naman ako masisisi diba? Ano nga ba ang alam ko sa pag-ibig? Bihirang first-timer lang naman ako.

Wala namang magandang nangyari sa buhay ko pero bakit kailangan pang ganito? Siguro nga minsan, hayaan na lang natin ang tadhana. Pero para sa akin, iba. Kung gusto mo, kung mahal mo, kahit mahirap kakayanin mo. Lalabanan mo ang tadhana.

Siguro dumating na kami sa point kung saan, aalis na talaga siya, susuko na siya tapos ito ako, maraming pwedeng gawin... Pero marami din ang pumipigil. Ano ba naman ako? Pero alam ko malakas ako. Kinaya niya, lumaban siya.

Tama na ang iyakan. Napaka cliche naman pag ganun. Tama na yung nagkakatuluyan kayo sa huli. Gasgas na ang mga yan. Tama na yung namatay yung bida. Kasi ilang storya na ang meron niyan. Siguro mas better if nag end kami sa mga sarili naming buhay. Yng single and ready to mingle again. Yung free ka ulit. Siguro mas mabuti na yung bida ay walang makatuluyan. Kasi nga may tamang oras para sa lahat.

TAMANG ORAS. Siguro hindi ngayon, bukas o makalawa pero alam ko may tamang oras para sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang ending nito.Hindi ko alam kung kami ba o hidi.

Sa istoryang ito, ako ang bida... KAMI... Kami na pinagtapo ng tadhana noon, punaghiwalay... Pinagtagpo ulit at hindi ko na alam kung ilang pagtatagpo pa to. Siguro tama nga na LOVE MEETS HATE. Ang hirap din pagtagpuin ang Love at Hate. Ang hirap pagsamahin kasi contrast sila sa isa't-isa.

Pero ano ba ako ngayon after 3 years? Ano ba ang sinapit ko matapos ang lahat ng mga nangyari?

"Miss Lou, you have a phone call po. Transfer ko na lang diyan." Sabi sa akin ni Ina, secretary ko.

"Okay! Thank you Ina." I said then kinuha ko na ang telepono sa table ko.

I am now the Deputy President of the Em Company. Of course, si Dad pa rin ang Chairman.

"Hello good morning!" sabi ko nung masagot ko ang tawag.

(Can we go out for a coffe break?) sabi ng nasa kabilang linya.

"Oh yes Patrick. Bakit di mo na lang ako tawagan sa phone ko diba?" sabi ko naman. Yes. It's Patrick Loyola. He's currently the President of our company.

Asking why? Remember when he was once my fiancee? Kasi dahil yun dito. But he will be transferred on their own company after his experience here.

(I don't accept no for an answer Louverne...) sabi niya..

LOVE meets HATEWhere stories live. Discover now