THB: 11

2.1K 32 0
                                    

Ola guys! Eto na po ang update. Sorry kung matagal, tinatamad kasi ako. ;)

Paki-share naman po 'tong story na 'to. Thanks!

-------

Jelo's POV

Family dinner.
Parang may pyesta dito sa bahay. Kakauwi lang kasi ng parents ko galing sa Colombia last week for a business trip.

Napatingin ako kay Papa nang magsalita siya. Nandito ang mga tito at tita ko kasama ang mga pinsan ko. Sayang at wala ang mga lolo at lola ko

"Son, may sasabihin kami ng mama mo" sabi ni papa

"What?" Tanong ko at uminom ng juice.

Natatakam ako sa lechon na nasa harap naming lahat. Parang celebration talaga kahit isang family dinner lang naman ito

"Uhm,may ipapakilala kami sayo" ani Mama

"Who?" Tanong ko ulit

Babae?

"Basta anak. Tomorrow, you'll be surprised. Feeling ko talaga magugustuhan mo siya" nakangiting sambit ni Mama

"Ano yan blind date, Jena?" Ani ni Tita Mila na kapatid ni Mama

"Parang ganun na nga" halakhak na sagot ni Mama

"Ma may praktis kami ng basketball" nakanguso kong sabi

Nag-iingay na ang mga pinsan ko dahil sa mga pagkain. Ani nila ay nakakagutom daw ang biyahe

"Puro ka na lang basketball Jelo. Magbreak ka naman muna. Marife, kailan ikakasal si Karl?" Tanong ni Mama kay Tita Marife, kapatid ni Papa

Pinsan ko naman si Karl at magpapakasal na yata siya.

"Baka next year pa, Jena. Bongga daw ang gusto nila" sagot naman ni Tita Marife

"Hon, are you sure pumayag na yung anak niya?" Tanong ni Papa kay Mama

"Yes hon. Mrs. San Jose called me a while back. And I'm so happy about that! Pumayag yung daughter niya"

"Dad, sino ba yun?" Iritado kong tanong at kumuha ulit ng sushi.

"Surprise nga Jelo"

"Okay I'll try" bored kong sagot

"Not in trying Jelo. Pupunta ka talaga" may banta sa boses ni Mama

Makakapag-hindi pa ba ako? Do I have a choice?

"Okay" suko kong sagot

Napuno ng kwentuhan ang family dinner namin. Mukhang nag-eenjoy ang buong angkan ng Smith dito sa bahay. Ang dami dami kong pinsan pero ni isa ay wala akong ka-close. Pwede naman yun diba? Magkakalayo kasi kami kaya wala akong magawa. Besides, I have Moe and Dave

Alam ko na ang plano nila. Nakahanap na naman sila ng magiging girlfriend ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na hindi ko kailangan ng girlfriend. Okay na ako sa One-Night Stand.

Humanda sakin yang babaeng yan. Tsk, napakalandi. Ang desperada! Talagang pumayag pa siya, ah!

Kinabukasan ay naghanda na ako para sa meeting daw kuno ng magiging girlfriend ko. Iritado ako buong biyahe dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari pa pala ang mga ganito

"We're here" masayang sambit ni Mama nang makarating kami sa The Peninsula

Agad kaming nagpareserve ng table for 5 sa waiter.

"Tumawag na sila sakin. They're on their way" sabi ni mama na kababalik lang sa mesa.

Tumango si Papa at nag-order na kami ng pagkain..

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now