THB: 38

1.4K 17 0
                                    

Jelo's POV

Zoona is back. Bumalik na ang taong pinakamamahal ko. Hinalikan ko siya kahapon dahil miss na miss ko na siya.

Kung hindi niya ako mahal, bakit niya ako hinalikan pabalik? Gusto kong tanungin siya pero parati niya lang sinasabi na hindi na.

But I won't  surrender. I love her so much. I won't give her up. Babawiin ko siya.

Nagdoorbell ako sa bahay nila at si Tita Zina ang nagbukas ng gate. Zoona's Mom.

"Jelo?" Halatang nagulat siya.

I understand her if she's mad. I deserve that kind of treatment. Dapat lang na magalit siya sa akin kasi sinaktan ko ang anak niya...

"Hi Mrs. San Jose, good morning po" nakangiti kong bati.

"Ano ka ba hijo! Tita na lang. Si Zoona ba? It's been a long time! How are you na?"

"Ahhm opo tita. Bibisitahin ko sana siya. I'm okay tita. Kayo po? Sana po hindi kayo galit sa akin"

"She's still sleeping, pasok ka muna at gigisingin ko lang. Ano ka ba! Bakit naman ako magagalit sa'yo? Pasok na"

Tumango naman ako at pumasok sa bahay nila. Still the same house. Umupo ako sa sala. Ganun pa din..

Bukod sa nagbago lang ang sofa ay wala nang nabago pa. It's still the same house I'd love to go before..

Maya-maya ay bumaba na si Zoona.

"Good morning" ngiti kong sabi sa kanya.

Kahit kagigising niya ay napakaganda niya pa rin. Bagay niya talagang maging isang model. Her dreams are coming true now..

"Hi, why are you here?" Iniabot ko ang flowers sa kanya.

"Thanks. Nag-abala ka pa. So anong sadya mo?" Straight niyang tanong.

Hindi ba siya masaya na nandito ako?

"Gusto ko lang makita ang taong pinakamamahal ko" nakangiti kong sabi

Yumuko siya. Alam ko naaapektuhan pa rin siya. Hinintay ko siyang sumagot pero nabigo ako kaya nagsalita ulit ako.

"Gusto mong lumabas? My treat" yaya ko sa kanya.

"Jelo I'm tired. Gusto kong magpahinga" 

"Please kahit ngayon lang" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sorry Jelo pero pagod talaga ako. Thanks ulit sa flowers" cool niyang sagot tsaka umakyat na siya.

Naiwan akong tulala. It hurts. Wala na ba talaga siyang pakielam sa akin? Lumabas na ako at dumiretso sa bar.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Tita Zina. Maybe I'll talk to her some other time

Nasasaktan ako. Gusto kong uminom at malasing. Ganun na ba talaga siya? Sorry Zoona kung nasaktan kita. Sorry...

Hanggang sa tuluyan na akong nalasing. Pero kaya ko pa naman. Maliit lang 'to kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Hi handsome. Lasing ka na ah" lumapit sa akin ang isang babaeng sexy.

Ang iksi ng suot niya! Dapat nagpanty na lang siya eh. Kinulang ng tela ganun? Hindi ko siya pinansin.

"Wanna come with me?" Malandi niyang sabi at hinalikan niya pa ang leeg ko.

Ang landi lang talaga! Nakakasuka!

"Look Miss hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo. So please stay away from me" pagtataboy ko sa kanya

"Huh sungit" iritang sabi naman ng babae at umalis na

The Heartless Bitch (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن