Nag-enjoy talaga ako sa date namin! At syempre.. keneleg.

"Ay! Atsaka nga po pala pa hindi na po nakapag paalam si trenz sa inyo kasi may emergency siya sa office, pero po ikinakamusta niya po kayo" Dugtong ko pa nang maalala.

Inaya ko na din si renz na maupo na sa hapagkainan.

"Naku ayos lang naman kitty, anak! Nag tetext-text naman kami ng batang iyan, lagi din akong kinakamusta."

Napangiti ako. Hele?! Eng beet nemen neng bebe ke!!







Days passed faster as if it's running to something, It's becomes a days, a weeks and almost a month, until the calendar stop on the month of november. And of course kapag usapang buwan ng nobyembre tabi-tabi muna at makikidaan ang birthday namin ni renz, November five ang kaarawan ni renz samantalang ang sa akin naman ay november eighteen plus three.

November one palang ay umuulan na sa mga bati ang buong araw namin ni renz, masaya siya dahil ang daming nakakaalala, pero minsan ang sarap ding mangbato ng kaldero.

"KITTY! HAPPY BIRTHDAY SAINYO NI RENZ HAH?!" Napahinto ako sa pagsasara sana ng gate nang lumapit sa akin si aling kutsin para bumati.

It's seven o'clock in the morning, Papasok na sana ako sa trabaho ko nang batiin nga ako ng kapit-bahay namin na si kutsin, mabait naman 'yan sa katunayan OFW ang lola mu sa singapore, kakauwi niya lang din ngayong taon, nabiyayaan pa nga kami ng chocolates at sabon.

Atsaka oo nga pala, Wala namang masyadong ganap sa nagdaang linggo, bukod sa busy nga palagi wala namang dapat ikabahala dahil maayos naman ang buong nagdaang araw.

Napangiti nalang ako bago mag pasalamat sakanya, Kaso naisara kona ata lahat lahat ang gate namin at lalakad nalang papunta sa sakayan pero hindi padin umaalis si aling kutsin sa gilid ko, humarap ako sakanya, hinihintay ang idadagdag niya.

"Naku kitty hindi kami makakapunta sa selebrasyon mo!" Humihingi ng pasensya ang tono niya. "Alam kong mag p-party party kayo kase jack pot ka sa trabaho mo pati nadin sa jowa mo!" Napangiwi ako, Bukod sa desisyon siya apaka advance mag-isip!

"Baka nga, haha." Nakitawa siya sa sinabi ko, Hinampas pa niya ng mahina ang balikat ko

"Ikaw talaga! Haha! Pakihatid nalang sa bahay yung ibibigay niyong handa." Patawa-tawa pa niyang ani bago dumiretso sa tindahan ng pandesal sa kanto.

Napangiwi ako, Ang tinde.

"Hays! Malapit na nga pala ang birthday ng pamilyang pipigshugin."

Napakunot ang noo ko bago napalingon sa kaharap naming bahay, at ayown!

Speaking of a chismosang palaka, Nasa harap ko na siya ngayon, Si Cecil. God! It's been a long time since I last saw this frog.

Maikli na ang buhok niya at medyo nagkakalaman nadin siya.

"Hayst! Please bitch don't forget to give us food, I just want to see what losers food are looked like! Haha!"

Boang talaga, hindi nalang diretsuhin na gustong makahingi ng handa namin! Tinapunan ko lang siya ng tingin, Ang lola mu naman panay ang awra na akala mo'y naiinggit ako sakanya! Yayks. Pero wait, ang dami talagang nagbago sa gagang 'to, Pero sana naman ugali ang susunod na baguhin niya.

"Naku Cecil! Di ko sure kung mabibigyan kita.." Kunwaring malungkot kong ani

"Ha?!! Bakit?!!"

"Uunahin ko muna kasing bigyan yung mga kapit-bahay namin, After na yung sa mga dogs."

"EXCUSE ME???!!!!" Inis niyang sigaw saakin, napangisi ako.

"Daan na, Dora."









"GAGA KABA?! SIMPLENG TRABAHO LANG DIMO MAGAWA-GAWA NG MAAYOS?!!"

Mas lalo akong napayuko nang sigawan ako ng head namin sa ibang department, Aksidente ko kasing natapunan ng kape ang papers na dapat ay ipapasa na ngayon.

Puta kitty?! Bat ang tanga-tanga mo kasi!!!!

Nilibot ko ang aking paningin.

Nadaanan ko ng tingin sila Jade at mariam na parehong nag aalala sa akin, ngumiti lang ako sakanila ng tipid, Alam ko naman na gustuhin man nilang tumulong ay hindi pupwede dahil malalagay din sila sa alanganin katulad ko.

Pero halos kumulo ang ulo ko nang sunod ko namang madaanan ng tingin si mazna'ng patawa-tawa sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin! May nalalaman laman pa siyang pa tawa tawa diyan samantalang sinanggi niya ko kanina!!

"Shushunga-shunga kang babae ka!!! Ano nang gagawin natin dito?!! Kung hindi kaba naman tanga-tanga edi sana napasa na 'to?!!"

Napahinga ako ng malalim, Unti nalang talaga e maiiyak nako! Bakit sa dinami daming head sa bawat department e bakit siya pa?! Napaka sungit!

"M-Ma'am sorry po.. h-hindi ko po sinasadya.. uulitin ko nalang po ma—" Hindi niya ako pinatapos, muli siyang sumigaw.

"ABA DAPAT LANG!! ANO BANG AKALA MO?!! MAKAKALAMPAS KA?!! WAG AKONG HUTHUTERA KA!! PASALAMAT KA AT PINATULAN KA NG BOSS NATIN! SA ITSURA MO BA NAMANG GANYAN?!! MUKHA KANG BASURA!"

Gulat akong napatingin sakanya, hindi ko napigilan at pumatak ang mga luha ko.

"A-Ano Po?" Hindi ko mapakaniwalang ani, Nirig ko din ang pagsinghapan ng mga katrabaho ko.

Grabe naman ata 'yon..

"O BAKIT?! ANONG INIIYAK-IYAK MO DIYAN?! NAG PAPA AWA KA?!" Mayabang na sigaw niya sa akin.

"M-Ma'am parang sumusobra naman na po ata kayo—"

"BOBO KABA?! PALIBHASA EXPECTED KO NA 'YAN SA MAHIRAP AT DI NAKAPAG TAPOS NA BABAENG KATULAD MO! ANG TINDE MO DIN NO?! BAT HINDI KANA LANG KAYA MAG PABUNTIS SA MGA TAMBAY NA NASA PINAGGALINGAN MO?! ANG GUSTO MO PA E ANG BOSS NAMIN?!" Hindi ako mapakaniwalang napatitig sakanya, Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa, nauunahan ako ng mga luha ko. "AY??!! SABAGAY?!! GOLDDIGGER NGA NAMAN!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, Patuloy padin ako sa pagluha habang nakatitig sa galit na galit niyang mukha. Kitang-kita ko na awang-awa nadin sa akin ang mga katrabaho ko, pero gaya ko din naman sila, ayaw makisawsaw dahil may umaasa din sakanila, natatakot madamay.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin, Parang naubos ang lahat ng boses ko, Nakatitig nalang ako sakanya habang sinasampal sa akin ang katotohanan.

Hindi nga ba talaga ako nababagay kay trenz?

Kung oo sino ba siya para sabihin lahat ng Ito saakin? Putangina?! Ang sakit.

Para siyang audience lang sa isang penikula na kami ni trenz ang bida, Wala siyang karapatang sumali dahil nakikinood lang siya, binayaran man niya o hindi wala siyang karapatang pahiyain ako dahil lang sa hindi niya gusto ang takbo ng kuwento.

Oo, Aaminin kong mahirap lang kami.. Pero kahit mahirap lang ako ni minsan ay hindi ako naging ganito kabastos.

Sadly, Marami ngang educated sa mundong 'to pero bilang lang ang well-mannered.

𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐰𝐞𝐥𝐚 Where stories live. Discover now