CHAPTER 32

10 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



MATAPOS makauwi dahil sa nilayo-layo ng byahe namin ay kaagad akong sumalampak sa kama dahil sa pagod. Hindi na naman ako inistorbo nila papa at tinignan nalang ang mga pasilubong ko sakanila.

"Ate, birthday mo na po pala bukas. Ano pong plano mo?"

Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian sa maliit na hapagkainan namin, Ang ulam namin ay adobong baboy na si papa mismo ang nagluto.

Nagkatingin kami ni papa dahil sa natanong ni renz.

Oo nga pala birthday kona mga daiz! Nawala sa isip ko! Hindi tuloy ako nakatanggi nang bigyan ako ng agency ng new project, sa building lang naman namin gagawin kaya siguro naman mabilis lang ako diba? Haha! Mabilis lang 'yan!

"Uhmm.. May pasok si ate bukas e." Napakagat ako sa aking labi nang makita ang pag lungkot ng mukha niya.

"Pero huh!" Pambawi ko. "Maaga uuwi si ate para sa birthday ko! Okay ba sayo iyon renz?!" Lumiwanag ang mukha niya bago sunod-sunod na tumango.

"Opo! Ayos sa akin ate!"

Napangiti ako bago ginulo-gulo ang kanyang itim na itim na buhok "Mabuti. Sige na, kumain kapa."










"ITAAS MO NG UNTI YUNG KAMAY MO."

Tumango ako sa photographer bago ginawa ang gusto niyang post ko, We're shooting for a clothing brand. Short dress na kulay violet ang suot ko ngayon, my hair are curly, while I'm wearing a white stiletto.

At atsaka nga pala!

It's the day after yesterday, And it's only means that it's my borrtthhdaay toduuuhhh!

"Okay! Nice! Let's take a break muna!" Sigaw muli ng photographer dahilan para umalis na ako roon.

Dali-dali akong pumunta sa dressing room kung saan nandoon din ang mga gamit ko, Kaagad kong nilapitan ang bag ko at hinanap ang cellphone ko.

3:20 pm

Shet.

Aabot pa naman ako diba? Sabi ng organizer last na raw Ito! Makakaabot pa ako! At pwede rin naman akong omorder nalang ng foods if ever na wala na kaming oras para magluto.

Okay, Okay!

Aabot pa meh.

"Ms. Tirez, tawag na po kayo ng head." Napalingon ako sa staff na nakasilip sa pinto.

Kaagad akong tumango sakanya bago dali-daling sumunod. Muli naming tinuloy ang shoot, May mga oras na lumalapit sa akin ang make-up artist para lagyan uli ako ng bago kapag nawawala na Ito, Pati rin ang hair stylist ay lumalapit para ayusin ang nagulo na buhok. Patuloy lang ang ganoon, shoot dito, pose rito hanggang sa nag sabi nanaman ng panibagong break time.

𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐰𝐞𝐥𝐚 Where stories live. Discover now