CHAPTER 03

1K 45 1
                                    

Marianne's POV

"Anak ng palaka Marianne!! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mag-ingat ka na kay Liden. Mahirap bang gawin na iwasan siya?"

Aish, ito talagang si bestie! Paulit ulit nalang  ang sinasabi niya. Bukambibig niyang iwasan ko si Liden eh ilang years ko naman ng ginagawa. Ngayon ko lang naman ulit nakausap siya ah, trinatrato ko na nga siyang bula sa isip ko pero aminado akong hindi iyon magawa ng puso ko. Pero gayun pa man, duh hindi naman ako marupok no.

"Bestie, paulit ulit ko bang sasabihin sayo na tapos na ako sa bagay na nangyari saamin ni Liden. Wala na akong pake sa nakaraan kaya huwag ka ng mag-alala saakin."

"Wow, magsalita ang gaga. Kitang kita kanina sa mga galawan mo na naiilang ka, halatadong apektado ka parin."

"Abnormal ka talaga bestie. Malamang ay maiilang talaga ako kase ngayon ko lang uli siya nakausap. Alika na nga dun muna tayo sa park."

"Aish, ikaw talaga bestie. Winawala mo na naman usapan natin."

Hinayaan ko nalang siya magsalita at sinimulan ko ng maglakad. Sinusulit ko lang tong time na hindi pa start ng klase, may isa pang oras na natitira bago ang subject namin kaya gusto ko munang mag relax. Gusto kong pumunta doon sa tambayan namin ni Alliyah na wala gaanong taong napaparoon. Payapa roon kaya masaya.

Habang naglalakad ay dumaan naman muna kami ng makakain namin. WHAHAHA ewan ko ba, kahit sandamakmak na ang kinakain ko ay hindi parin ako tumataba, relate din ba kayo? Aish, naisumpa na ata saakin ang pagiging mapayat.

"Bestie, sure ka? Magshashake na naman tayo eh kakamilktea lang natin kanina hah! Hindi ba sumasakit yang tiyan mo?"

Tinawanan ko naman si Alliyah, kung umasta kase eh akala mo naman kung hindi rin siya matakaw. Alam ko namang mauubos na ang pera niya kaya treat ko na.

"Sows, magsalita ka parang ayaw mo naman."

"Eh kain ka naman kase ng kain."

"Yun na nga, kain ako ng kain pero hindi naman ako tumataba. Tingnan mo patpatin ako." Nakapout kong sabi sakanya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong paluin sa balikat at kita sa mukha niya ang inis.

"Ponyeta ka bestie. Ang sexy sexy na nga ng katawan mo. Kurbadang kurbada ang balakang mo tapos sasabihin mong papatpatin ka? So pinapamukha mo ba saakin na sobrang panget ng katawan ko bestie?"

Natatawa nalang ako dito kay Alliyah. Sorbang abnormal talaga niya. Gosh, hanuba! Hindi naman ako ganun kasexy, slight lang haler! WHAHAHA.

"Ano, gusto mo ba ng shake o hinde?" Seryoso kong sabi

Natawa nalang ako bigla ng nagslight smile si Alliyah saka siya yumakap sa kamay ko sabay nagsilata ng pabebe.

"Hanukaba bestie, kung libre ay why not. Sino ba namang tatanggi sa grasya."

Tingan mo, abnormal talaga tong babaeng to. Aishh, so nag-order ako ng two large mango shake at bumili narin ako ng waffle.

After a few minutes ay nakarating na kami sa park na tambayan namin dala ng mga pagkaing binili namin. Agad kong binaba ang bag ko saka ako umupo sa damuhan. Si Alliyah naman at umupo sa isang duyan. Kumain nalang ng waffle at uminom nalang ng shake ang ginawa namin habang nag uusap.

"Ikaw bestie, kaylan mo balak mag jowa? Wala ka bang crush? Dont tell me na tomboy ka Alliyah."

Natatawa nalang uli ako ng samaan niya ako ng tingin.

"Sa ganda kong to magiging tomboy ako? Wala akong time sa pag-ibig o pagjojowa na yan. Priority ko lang is ang grades ko dahil gusto kong iangat ang buhay ng pamilya ko. Mahirap kami Marianne at gusto ko na ako ang magiging dahilan ng pag-angat ng estado ng buhay namin."

'Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon