CHAPTER 08

661 44 5
                                    

Marianne's POV

"Oh anong gusto mo Marcus?"

"Ahh, wala joke ko lang yung ililibre mo ako. May pera naman ako kaya kanya kanyang bayad parin."

"Ah ganoon ba? Pedeng favor?" Nagpout pa ako habang sinasabi iyan kay Marcus. Gaga ka talaga Marianne, kung ano anong ginagawa mo.

"Ahm sige, ano ba yon?"

"Bilhan mo nga ako, oh eto yung pera, kuha ka lang kahit ilan ang gusto mo."

"Haysstt, kayo talagang mga mayayaman, pakagastos."

"Oh siya sige na, doon na ako sa gilid hah."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Marcus. Dumeretsyo nalang ako sa maya bakanteng upuan sa may gilid. Agad rin naman akong nakarating doon. Payapa akong naghihintay kay Marcus ng biglang may umupo sa harapan ko. Napatingin ako sa mukha ng umupo sa harap ko aat biglang nanlaki ang mata ko ng makita si Liden na masayang nakangiti saakin.

"Ah, anong ginagawa mo dito Liden?"

"Ah, makikitable lang sana ako. Wala na kasing vacants eh, at saka pansin ko namang wala kang kasama kaya makikiupo nalang ako sayo."

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking toh? Wow, hah! Hindi manlang niya ako tinanong kung may kasama ba ako o wala. Hindi manlang siya nagpaalam saakin kung pwede ba siyang makiupo sa harap ko. Aishhh kainis.

"Looks like wala ka ng galang Liden. Oh sorry, dati pa naman pala ay wala ka ng respeto. Hindi ka manlang ba talaga magpapaalam saakin kung pwede kang makiupo diyan? Kung may kasama ba ako o wala? At kung okay lang ba ako na makasabay kang kumain? Aishhh." Mataray kong sabi with matching irap pa. Well, hindi na ako gaya ng dati noh, oo, para akong ewan pag kausap ko si Marcus pero pagdating kay Liden ay pwes, iba siya. Sinaktan niya ako ng sobra kaya he dont deserve my respect.

"Awts naman Marianne, sorry naman kung ganun."

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Liden. Kung dati ay napagtripan mo ako ngayon ay hindi na. Nagbago na ako bitch. Hindi mo na ako magagawang pagtripan pa muli."

"Hindi naman kita pagtritripan eh."

Aishh, tapos na ako sa paawa effect niya. Wala na akong time para makipagplastikan sa lalaking yan. Kaya sapilitan ko siyang pinaalis sa upuan na kinauupuan niya na si Marcus naman ang dapat na umupo.

Magsasalita na sana si Liden at handa na akong makinig ng biglang nakuha ng atensyon ko ang mga babae sa may counter na kausap si Marcus. Alam kong si Akehiera Faith iyon, ang queen ng campus. Yung hampas lupang pokpok na babae. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis kase pansin kong nilalandi nila si Marcus. Duh, subuksubukan lang ni Marcus na humarot pabalik ay ihahampas ko sakanya yang tray na hawak niya.

"Dun ka muna baby sa table namin."

Yawa, ramdam ko ay kumukulo na ang dugo ko dahil nakayakap na si Akehiera sa kamay ni Marcus. Oo, wala akong karapatan na magalit or what pero why naman hindi magawang pigilan ni Marcus yung kalandian na ginagawa sakanya ni Akehiera. Maliban nalang kung gusto niya rin talaga. Aishh, oo na si Akehiera na ang maganda. Siya na ang queen of the campus. Kainis.

"Oh, bakit mukhang naiinis ka kila Akehiera."

Bigla nalang naputol ang atensyon ko ng biglang nagsalita si Liden. Aishh, oo nga pala, andito parin pala itong lalaking to. Aishh, kainis. Naiinis na nga ako sa lalaking to na pasulpot sulpot nalang bigla ay dumating pa yong Akehiera na to. Yawa sarap nilang pag-untugin.

"Pwede ba Liden, lumipat ka nalang ng upuan kung ayaw mong ihampas ko sayo itong tissue can."

"WHAHA, Oo na, paalis na. Masyadong mainitin ang ulo mo."

'Till We Meet AgainWhere stories live. Discover now