CHAPTER 09

623 56 8
                                    

Liden's POV

"Liden, please bitawan mo na ako. Thank you for what you did nalang pero kay Marcus nalang ako sasama. And also, kung sinabi mong masasaktan lang ako sakanya at hindi niya ako kayang ipagtanggol pwes look at yourself first. Nakalimutan mo bang ikaw ang unang nanakit saakin? Ikaw ang unang nagpaiyak saakin!"

Bigla nalang ang natigilan sa sinabi ni Marianne. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero literal akong napanganga sa sakit. I know I deserved it, deserve kong masabihan ng ganon ni Marianne. I know that I dont deserve her respect because I know na nasaktan ko siya ng sobra. Pero pati ako eh, sobra rin akong nasaktan. My life became miserable simula noong August 09, simula noong araw na kung kelan sana ang magiging pinakamasayang araw ko pero naging pinakamalungkot na araw sa buhay. Ang araw na yan ang bangungot ng buhay ko.

Yeah, its been four years past pero hanggang ngayon ay mahal ko parin siya, mahal ko parin si Marianne. Oo, hindi parin ako nakakamove-on. Araw araw hinihiling ko na sana maibalik ko ang oras. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvived sa four years na yan na wala akong komunikasyon kay Marianne. Yah, sa four years na nakalipas ay bihira ko lang siya makausap. Nasasaktan ako na parang hindi niya ako nakikita, nasasaktan ako na parang wala lang ako sakanya.

Minsan, tuwing gabi ay umiiyak nalang ako habang pinagmamasdan ang mga picture namin noong mga araw na masaya kaming magkasama. Napapasuntok nalang ako sa pader habang iniisip ko kung gaano ako naging katanga para hindi nagawang labanan ang pansarili kong pagnanasa. Pilit kong kinakalimutan nalang si Marianne pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko.

Oo, kami ngayon ni Sarah Bautista. Girlfriend ko siya pero alam ko na wala talaga ako ni katiting na nararamdaman na pagmamahal sakanya. I dont know kung paano ko siya naging girlfriend pero wala akong pake, siguro I will take this chance nalang para paasahin at guluhin rin ang buhay niya. Yes, galit na galit ako sakanya dahil siya ang naging dahilan ng lahat ng ito. Kaya gagawa ako ng paraan para maranasan niya rin ang naranasan na hirap ni Marianne. Guguluhin ko rin ang buhay niya.

And then isa pa, pansin ko rin ang malaking pagbabago ni Marianne. Hindi na siya yung dating Marianne na mahina, siya na ngayon yung Marianne na matapang at malakas. She change a lot pero nagstay parin yung pagiging mabuti at simple niyang babae na talaga namang nagpapalambot sa puso ko.

Pero kanina, nagulat at napatulala nalang ako. Natatakot akong mawawala na ang pag-asang kinakapitan ko dahil feels ko ay may bago ng tinitibok ang puso ni Marianne. Oo, naiinis ako sa Americanong transferee hindi dahil maaari ko siyang maging kaagaw sa mga babae o fans or maging sa kasikatan. Naiinis ako dahil alam kong magiging kaagaw ko siya kay Marianne. At alam ko rin na malayo ang lamang saakin ng americanong iyon dahil kita palang sa mga mata ni Marianne na may gusto siya sa Marcus na iyon pero kahit ganun pa man ay patuloy parin akong lalaban, I will do my best at dahan dahan ulit akong makikipagclose sakanya. I will fight again for our love that was broke because of my deliquent or ang pagiging pabaya ko. Ako ang sumira at ako rin ang muling bubuo.

Yes, I will take as an inspiration ang Marcus na iyon para mas pagbutihin ko pa ang pakikitungo kay Marianne. It is so challenging for me, and naniniwala ako na sa bawat pagsubok ay nakakabuild-up ako ng courage. Sana sa huli ay muling mapasaakin si Marianne at kung dumating man ang sitwasyon na iyan ay hinding hindi na ako gagawa pa ng kung ano anong kalokohan upang muling mawalay saakin si Marianne.

So ngayon ay papapasok na ako sa room namin. Bago pa man ako makapasok ay huminga ako ng malalim. Alam ko kasing nasa loob na si Marianne. Nang makapasok na ako sa room ay agad akong napatingin sa upuan ni Marianne at gaya nga ng sabi ko ay andun siya ngunit hindi gaya ng nakagawian niya ay nakasimangot siya ngayon. Alam ko namang dahil ito sa nangyari kanina kaya medyo nag-aalala ako para sakanya.

'Till We Meet AgainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz