CHAPTER 29

16 7 0
                                    

Day 22 of being stupid cupid: My parents






Kinabukasan maaga akong nagising, kahit ang totooo ay hindi naman talaga ako nakatulog. Kakaisip kung ano ba talagang problema nila Mommy at Daddy. Magdi-divorce kaya sila Mommy dati, kaya miron akong nakita na divorce paper, sa kwarto nila.

Sa mga napapanood ko kasi nagdi-divorce ang mag-asawa dahil ang babae o lalaki ay may kabet o kaya may anak sa labas.

Sana hindi ganun ang problema nila.

Bakit hindi pa din natutuloy ang divorce? Sana nga hindi na.

Baka naman hindi na nila mahal ang isa't-isa?

Hindi ko akalain na aabut sila mommy sa punto na magdi-divorce sila. Dati kasi kung titingnan mo sila, mahal na mahal nila isa't-isa. Wala nga di'bang permanente sa mundo lahat nagbabago.

Kung ang kaibigan mo ngayon, baka bukas hindi muna kaibigan. Baka ang taong mahal na mahal mo ngayon, bukas o baka sa susunod na buwan o taon. Hindi muna mahal.

Ang pangit din kasi sa mundo kung hindi ito nagbabago, katulad ng dahon, natutuyo ito. Kung hindi magbabago ang dahon, edi hanggang sa malaglag ito sa kaniyang puno ay ganun pa din. Walang pagbabago. Parang ang pangit di'ba.

Pero ang mundo lang ang gusto kung magbago, hindi ang mga taong nasa paligid ko.

Agad kung pinunasan ang luhang tumulo na pala sa mga mata ko. Hindi ko talaga kaya na makita na mag-aaway ang mga magulang ko.

Pagbaba ko ay nandoon na si Tita, "Good morning ta."

"Morning." Tugon nito.

Umupo ako sa upuan sa harap ni Tita, "Baka pwedi na akong umuwi Tita?" Tanong ko.

"Ikaw kung anong gusto mo, ang sabi naman ng Daddy mo sa akin. Pauwiin kita kung kailan mo gusto."

"Bukas po sana Tita." Nagtatakang tiningnan ako nito, "Bukas?" Paniniguradong tanong nito.

Tumango ako, "At bakit naman? May gagawin ka'ba doon?"

"Wala na rin naman po akong gagawin dito."

"Okay, kung iyan ang gusto mo,tatawagan ko din ang Daddy mo."

Nag-aayos na ako ng gamit ko at nilalagay sa may maleta ko. Bukas sana ang plano kung pag-uwi kaso wala na rin naman akong gagawin dito, kaya ngayon nalang. Mamayang 2:00pm ang flight ko, na kay Tita pa ang ticket ko dahil siya ang kumuha ng flight.

Mayroon pa akong dalawang oras para makapag-ayos ng sarili.

Naka jeans at jaket lang ako, at sneakers na white.

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Tita papuntang airport,pero bago kami dumiretsyo sa airport ay bumili muna ako ng pasalubong ko kila Zara. Baka kasi mamaya ay magalit na sila sa akin, pero alam kung hindi naman 'yon mangyayari. Nagtext lang ako kanina kila Rouw at Flor na uuwi na akong maynila. Si Rouw ay wala 'pang replay si Flor naman ang sabi. Mag-ingat lang daw ako.

Agad na nagpark si Tita sa may parking at naunang bumaba ng kotse, bumababa na din ako. Kinuha naman ni Tita ang maleta ko. Ang maliit na bag lang ang dala ko.

"Mamaya kapag nakaalis kana, ite-text ko ang daddy mo. Sasabihin ko pauwi kana."

"Ta, huwag niyo po munang sabihin kay Mommy at Daddy na uuwi ako."

"Okay...Kung iyan ang gusto mo. Mag-ingat ka ha." Niyakap ko si Tita.

Nang tinawag na ang flight ko ay naglakad na ako dala ang maleta at maliit na bag ko.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now