CHAPTER 23

16 8 0
                                    

Day 16 of being stupid cupid: Internet







*calling*

Nang makita kung tumawag nanaman si Mommy, pangatlong tawag na ito ni Mommy ngayon araw. Sinagot ko ito, "Mom. Kakatawag niyo lang po kanina."

"I just worried at you Jonalise, dapat sumama ka nalang sa Tita mo sa kompanya. Wala ka pa namang kasama dyan sa bahay ng Tita mo. Locked all the doors Jonalise." Si Mommy, bakas ang pag-aalala nito sa boses.

Napakamot nalang ako sa buhok ko, hindi na naman ako bata para pagsabihan ni Mommy ng mga ganyang bagay. "Mom...I'm fine. No one can hurt me. Kaya huwag na po kayong mag-alala."

Ayaw pa sanang ibaba ni Mommy' ang tawag para daw mabantayan ako. Pero sa huli napilit ko siya.

Kanina ng magising ako gusto nanaman sana ni Tita na pasamahin ako sa kompanya, pero tumanggi ako buti nalang at good mood si Tita kaya a'yon pumayag din siya sa huli.

Nang mapadaan nanaman ako sa may salamin sa may sala ay napahawak ako sa may pisnge ko na mayroong kulay pula dahil sa sampal. Hinawakan kung pareho ang pisnge ko. Ang sakit talaga.

Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon.

"Ikaw!"

"Ikaw!"

Sabay naming sabi.

Akala ko hindi siya at nagkamali lang ako pero hindi, siya talaga. Siya 'yong lalaki doon sa may airport na may kaaway na inawat ko, at siya 'yong mayabang doon na naka-eyeglasses. Wala siyang suot na eyeglasses ngayon kaya hindi ko agad siya nakilala.

Bakit siya pa?

Tiningnan ko ang babae, ano naman kayang problema ng dalawa na'to. Ano kayang pinag-aawayan nila?

Masama ang tingin sa akin ng lalaki kaya inirapan ko siya. Mayabang parin talaga. Tiningnan din ako ng masama ng babae kaya napalunok ako. Pakiramdam ko anytime kakainin ako ng dalawang ito ng buhay.

Tumalikod ang babae sa amin at nagsimulang maglakad.

"Flor!!"

"Flor!!" Kahit dalawang beses nang tinawag ng lalaki ang babae na Flor pala ang pangalan. Hindi siya nito nilingon at dire-diretsyo lang ang lakad nito papunta sa kaniyang sasakyan.

"Arggh! Who the hell are you!" sigaw nito na may masamang tingin sa akin.

"And why the hell are you rude huh!" Sinamaan ko din siya ng tingin, akala niya madadala niya ako sa pasama-sama niya ng tingin. No way! The hell no!

"Fuck!" sabi nito.

"I'm not yet done..." He added. And glared at me.

Pinanood ko lang itong maglakad palayo at papunta sa kaniyang sasakyan. He's so rude.

Ganun ba talaga ang ugali niya? Paano ko kaya sila mapagbabati? Sa kaso ng lalaki wala nang pag-asa 'yon, wala kasing sense of humor at ang rude pa. Napasabunot nalang ako sa may buhok ko habang iniisip kung ano ang maaari kung gawin, para mapalapit sa kanila at mapagbati silang dalawa.

Pumunta ako sa may kwarto ko at humiga sa may kama, nagpagulong-gulong lang ako sa kama ko habang nag-iisip. Napatingin ako sa may cellphone ko.

I smile.

Kinuha ko ito at binuksan, in-open ko ang data at binuksan ang Facebook ko. Hindi ko alam ang full name ng Flor na babae na 'yon kaya bahala na. Makikita ko naman siguro ang mukha niya.

I search Flor and the worse is napakaraming Flor na name ang lumabas. Inisa-isa ko at tiningnan ang mga mukha pero nasa 21 na ako wala parin akong nakikita na mukha niya.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon