CHAPTER 39

20 5 0
                                    

Day 32 of being stupid cupid: I am free







Okay na ang kambal, bati na sila. Akala ko matatagalan pa bago sila magkabati.

Maaga akong nagising ngayon, nasa labas na ako, sa tabing dagat nanonood ng sun rise. Ang payapa ng paligid, sobrang tahimik tanging alon lang ang ang maririnig. Tiningnan kung muli ang araw na malapit ng lumbas, sobrang ganda. Nakakamangha.

"Jonalise!" Agad kung iniikot ang paningin ko, alam ko ang boses na 'yon.

Kay god from above.

"Bakit?" Tanong ko dito kahit hindi ko siya nakikita.

"You already did, you accomplished the challenge, congrats! Jonalise!"

"Nandito ako para sabihin sayo ang deal." Sabi nito, agad namang kumunot ang noo ko. "Deal?"

"Yes, Kung magiging cupid ka, magkakaroon ka ng isang kahilingan at 'yon ay tutuparin ni God from above."

Agad naman akong napaisip. Kahilingan. Isa lang naman ang gusto ko ang bumalik ang taong mahal ko, bumalik ang Kaibigan ko at maging maayos ang parents ko.

"Paano kung hindi ako pumayag."

"Gugulo ang buhay mo." Sabi nito. Magulo na naman ang buhay ko.

"Ano bang kailangan kong gawin?" Gusto kong maging maayos na ang lahat kaya susugal ako.

It's better to make an action than to lose without action.

"Pagbabatiin mo ang mga magkaaway."

"Paano ko malalam kung sino ang target ko.?"

"Kapag inawat mo sila at sinaktan ka nila sila ang magiging target mo."

Noong high school ako kapag may nagaaway sa loob ng klase namin tumutulong ako sa pag-aawat sa kanila pero hindi sila nanakit huh.

"Hanggang kilan ako magiging stupid cupid?"

"Being cupid is awesome isn't stupid nor shit. Jonalise." Agad ko namang iniiwas ang aking tingin dahil sa sinabi niya. Stupid pa din 'yon. Tskk!

"Apat na tao lang ang kailangan mong pagbatiiin at pagkatapos ay maaari kanang humiling."

"Okay, pumapayag na ako kailan ako magsisimula?"

Naalala ko ang sinabi sa akin ng Anghel.

"Pwedi na ba akong humiling?" Tanong ko.

"Yeah! So what's your wish?" Tanong nito.

Tumikhim ako at tumingin sa dagat. "I want to be happy that's all and no more." I said.

"Okay, maghintay ka lang Jonalise...mangyayari ang gusto mo." he said.

Tumalikod na ako pabalik na sana sa may hotel at nag-umpisa ng humakbang, ng makita ko si Fares na naglalakad papunta sa gawi ko. Papasalubong kami.

Gusto kung tumalikod ulit paharap sa dagat para hindi niya ako makita, pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Dahil imbes na tumalikod ay dire-diretsyo pa itong naglakad.

Huli na dahil nakita niya na ako, nagulat pa ito, hindi niya siguro inakala na nandito ako sa Palawan.

Napatingin ako sa mga paa ko ng tumigil ito sa harap niya, hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko. Dapat dumiretsyo na lang ako at hindi siya pinansin. Masyado pang maaga at kunti pa lang din ang gising.

Being Stupid Cupid (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant