Chapter 26

746 33 6
                                    

Kim Taehyung

Pagkatapos kong malaman ang lahat at magka ayos ulit kami ni Jungkook, alam ko na ngayon lalo sa sarili ko na siya pa din ang mahal ko.

Mas lalo ko ng ginugustong makausap si Cyril. Dahil baka habang pinatatagal ko ang meron kami mas lalo ko lang siyang masaktan.

Buo na ang loob at ang desisyon ko ngayon.

Hindi muna ako pumasok sa trabaho at nagpunta ako sa bahay ni Cyril.

Alam ko naman na this early nasa bahay pa siya.

Nag doorbell ako sa gate ng bahay niya at naghintay ng ilang minuto.

Kasambahay niya ang nagbukas ng gate.

"Magandang umaga po. Nandyan po ba si Cyril?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Ay opo Ma'am. Nasa dining area po si Sir nagbe-breakfast. Pasok po kayo." Pag anyaya niya sa akin.

Nag umpisa ng magtambol ang puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Hindi ko ba alam bakit bigla nalang akong kinabahan ngayon eh samantalang kanina buo na ang desisyon ko.

"Sir, nandito po si Ma'am Taehyung." Pagpukaw atensyon ni Aling Edna kay Cyril na ngayon ay nag uumagahan at nagbabasa ng newspaper.

Hindi ko nakita ang gulat sa mukha ni Cyril ng lumingon siya sa akin.

Mas nakita ko ang emosyon na parang alam niya na darating ako.

"Thank you Manang." Sagot naman niya. Sabay balik ng tingin sa akin. "Maupo ka Tae. Have a breakfast." Kalmado niyang sabi.

Umupo naman ako sa bakanteng silya hindi para anyayahan ang alok niyang pagkain, kundi ang makausap siya ng maayos.

"Cy.."

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam papaano ko ba uumpisahan yung sasabihin ko sa kanya.

"I know the reason kung bakit ka sumadya dito. I ignored you a lot of times pero ngayon, I'm ready to hear what are you going to say. Spill it Tae." Deretchahang sabi niya.

Parang lalo ko atang nalunok ang dila ko dahil sa narinig ko.

He knew?

"Cyril. I'm really sorry. I know this would cause a lot of pain to you. Pinilit kong pinigilan. Pinilit kong pinapaala ko sa sarili ko na nandyan ka at ayaw kitang masaktan but I failed. Hindi ko alam papaano kita haharapin dahil tama lahat ng sinabi mo sa akin the last time we've met. I'm so sorry Cyril. I still love my ex husbdand. I still love Jungkook."

Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na lumabas sa mga mata ko.

Yes, I'm hurting.

Nasasaktan ako knowing that I would break Cyril's heart in just one snap of my fingers.

I heard him laugh a little. Kaya naman napatitig ako sa kanya.

"Why are you laughing?" Tanong ko.

"Tae, it's okay. No hard feelings. Actually, the time na sabihin mo sa akin na babalik si Jungkook sa bahay niyo because of your children alam ko naman na kaagad sa sarili ko that this time will come. That he will be back to your life. Na tatanggapin mo ulit siya at mamahalin ulit. Oh let me correct that. Mahal mo pa din pala siya. I'm not dumb nor blind para hindi ko maramdaman at makita ang pagmamahal mo sa kanya. Ako lang naman talaga ang nagpilit ng sarili ko na ipasok ako sa buhay mo kahit na alam kong malaki ang puwang ni Jungkook dyan sa puso mo."

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now