Chapter 10

620 27 0
                                    

Jeon Kim Min So

Hindi natuloy yung lakad namin kanina nila Mama. Hindi ko nga din naintindihan kung ano bang nangyayari. Si Taegguk nakasimangot, parang sirang sira ang araw niya. Si Mama naman parang wala sa sarili. Kaya ang ending umuwi nalang kami dito sa bahay kasama si Tito Cy. Nandon sila ngayon ni Mama sa kitchen at nagluluto ng pagkain. Ako naman umakyat muna para magbihis. Si Taegguk dumaretcho sa room niya at talagang wala siya sa mood.

TING!

You received a message...

From : Justine
Kumusta ang gala with your family? :)

Napangiti naman ako sa text niya. Actually, good mood sana ako ngayon kasi kanina magkasama kami ni Justine. But don't get me wrong ah? Saglit lang naman, siguro mga 5 minutes. Nagkasalubong kasi kami sa hallway nung papasok ako at ayon nag chitchat kami saglit. Inaaya niya nga ulit ako na gumala kaso.. sabi ko may lakad kami nila Mama at Tyron eh hindi naman natuloy. Sad..

To : Justine
Hindi nga natuloy eh. Bad mood silang lahat. Hindi ko din alam kung bakit. :(

Sent!

Nauuhaw ako. Makababa nga muna. Paano naman kasi natakam lang ako sa milktea tsk! Bumaba na muna ako, pero napatigil ako ng marinig kong seryoso ang pinag uusapan ni Mama at Tito Cy.

"What? Pumunta si Jungkook sa office mo kanina? Why?"

Napatigil ako. Alam kong masamang mag eavedrops sa usapan ng matatanda, pero kasi involve ang pangalan ni Dad.

"Oo. Galit na galit siya dahil sa nangyari kahapon sa simbahan. He shouted at me and he even said na malandi daw ako." I heard my Mama's voice cracked.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. My Dad called My Mom a slut? How dare he is! Hindi ko akalain na kayang sabihin ni Daddy kay Mama ang salitang yon!!!

Nagpupuyos sa galit akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. I can't believe this!! Kaya pala halos mamaga ang mata ni Mama at wala talaga siya sa mood the whole time!

To : Daddy
Dad? Why did you do that? Why did you say those kind of words to Mama? You know how much she's hurt right now! Dad sana naman po kinontrol niyo sarili niyo sa pagsasalita kay Mama. I can't believe this.

Hindi ko na din makontrol ang sarili ko. Oo madalas at palagi silang mag away at magtalo dalawa. Pero hindi ko akalain na dadating sa punto na magsasalita ng masasakit na words si Daddy kay Mama. Gusto kong umiyak. Pakiramdam ko ako yung nasabihan ng ganun.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Daddy calling...

I rejected his calls. Ayaw ko muna siyang makausap. I know he doesn't have a good explanation why he did that to Mama.

Mukhang hindi na nga ata talaga sila magkakasundo.

Ilang oras pa tinawag na kami ni Mama para sa dinner. Nagluto sila ng steak and pasta tapos nagpadeliver nalang sila ng milkteas.

Tahimik lang sa buong hapag. Si Taegguk parang walang buhay kung kumilos. Ako naman, nasira na din ang mood ko dahil sa narinig ko kanina.

Magdamag kong inisip ang mga nangyari ngayong araw. Kailan kaya ulit ako magiging masaya katulad ng dati? Kailan kaya ulit namin mararanasan ni Taegguk ang buo at masayang pamilya na kinagisnan namin noon?

Kinabukasan, maaga akong nagising. Ewan ko ba. Kahit na puyat ako kagabi maaga pa din akong nagigising. Sabagay kinasanayan na ng katawan ko ito. Daily routine kapag may pasok sa school.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now