Chapter 11

595 32 8
                                    

Jeon Kim Taegguk

"Anong ginagawa mo dito?" Pag ulit ko sa tanong ko kay Shawn. Hindi ako aware na pupunta siya dito sa bahay. At kasabay niya si Ate? Teka. Teka. Anong nangyayari? They are both smiling to each other na akala mo super close sila. They even thanked each other. Don't get me wrong here. Okay lang naman sa akin na maging magkaibigan sila, pero..

"Gusto lang sana kitang kumustahin." Nawala ako sa pag iisip nang sumagot siya.

"I'm fine." Tipid kong sagot.

"Galit ka ba sa akin Taegguk? Ang cold mo." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yan.

Ako?

Cold? Parang hindi naman.

"Ako? Cold? I'm always like this." Walang emosyon na sabi ko. Kahit naman ako hindi ko alam sa sarili ko bakit ba ako nakakapag salita in this kind of way kay Shawn.

"No you're not Tata. May problema ba? Kung meron pwede mo namang sabihin sa akin eh." May halong pagmamakaawa ang boses niya. Alam ko namang hindi siya sanay na ganito ang trato ko sa kanya.

"Wala. Teka. Bakit ka ba nagpunta dito? Hindi ba dapat umuwi ka na?" Tanong ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin. Nag iba ang timpla ng mukha niya. Naging maitim ang awrahan at tila ba nainis siya sa sinabi ko.

"Why are you acting like this towards me Taegguk? May nagawa ba akong mali sayo? Masama bang bisitahin ka at kumustahin? Pero sige aalis na ako. Mukhang hindi naman ako welcome sayo dito." Dere-deretchong sabi niya at tsaka umalis. Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakakibo o nakapag salita manlang.

No. That is not what I mean. Hindi ko naman talaga intensyon na maging bastos.

Wala ako sarili kong isinara ang gate at dere deretcho lang akong bumalik sa kwarto ko. Magdamag akong nagmukmok. Hindi ko pinagbubuksan ang sino mang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi din ako kumain ng hapunan.

Masyado ata akong naging harsh kay Shawn at nasaktan ko ang feelings niya. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya.

Nababaliw na ata ako.

Narinig kong may kumatok nanaman sa kwarto ko. 11PM na pero may nangungulit pa din sa akin?

"Taegguk baby. Si Mama to. Can you open the door please?" Rinig kong sabi ni Mama sa labas ng pintuan.

Napabuntong hininga nalang ako. Kapag nagpatuloy ako sa pagmamatigas, lalo lang nila ako kukulitin kaya naman tumayo na ako sa kama at tsaka binuksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Mama. She's still wearing her office attire.

"Are you okay anak? Sabi ng Ate Min So mo hindi ka daw bumaba kanina for dinner? At hindi ka din daw nagbubukas ng pintuan para sa kanya? Is there something wrong?" Sunod sunod na tanong ni Mama sa akin ng makapasok siya.

Umiling lang ako. Hindi ko alam anong isasagot ko kay Mama.

"Aww my baby. Come here." Inaya ako ni Mama for a hug. Mabilis akong yumakap sa kanya na parang isang baby.

"I know you're not okay Taegguk. You can tell me kung ano bang gumugulo sa isip mo or kung anong problema mo. Pasensya na din nga pala napasobra ang overtime ko sa office ngayon. Kakauwi ko lang din." Mahabang linyahan ni Mama habang nilalaro ang buhok ko at nakayakap pa din ako sa kanya.

"Mama. Normal po ba na magselos ka kahit sa kaibigan mo lang?" Tanong ko kay Mama. Ramdam kong tumango si Mama tsaka siya sumagot.

"Oo naman anak. Kaibigan o kasintahan man parehas lang na nakakaramdam tayo ng selos. Halimbawa, nakikita mo yung pinaka malapit mong kaibigan na mas malapit na sa iba kesa sayo. Normal lang na magtampo o magselos ka." Paliwanag ni Mama sa akin. Siguro nga normal lang sa akin na magselos ako. Pero yung magselos ako sa girlfriend ni Shawn at kay Ate Min So? Parang hindi ata normal yon.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now