Chapter 7

551 27 0
                                    

Kim Taehyung

Hindi pa din ako makapaniwala na hindi ko na makokontrol yung sarili ko kanina ng mag krus ang landas namin ni Diana. Matagal akong nagtimpi sa babae na yon. Matagal akong nanahimik at dinedma yung ginawa niyang paninira sa pamilya ko na matagal kong pinoprotektahan at iniingatan.

Ano nga ba talaga ang nangyari 2 years ago?

May mga times na umuuwi ng late si Jungkook, minsan umaga na. May mga pagbabago din akong napansin sa kanya. Lalo na sa mga kinikilos niya. He went cold. Parang wala na siyang nararamdaman sa akin. I'm not dumb. Ramdam ko yun pero sinawalang bahala ko lang dahil baka palagi lang siyang pagod sa trabaho.

Isang beses, natutulog na kami ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Nagmamadali siyang kinuha ang phone niya at sinagot tsaka pumunta sa balcony ng kwarto namin. Nagpatay malisya lang ako kahit na gising naman talaga ako. Naririnig ko na bumubulong siya pero hindi malinaw sa pandinig ko.

Maya maya pa ay bumalik na siya sa loob kaya nagkunwari nanaman akong natutulog. Akala ko yayakapin niya ako pero hindi.

Lumipas pa ang ilang araw, hanggat kaya kong kontrolin ang sarili ko na huwag siyang kumprontahin hindi ko talaga ginagawa. Dahil alam kong pagtatalo lang ang kalalabasan ng lahat. Pero hindi ko pa din pala talaga kaya. Kung ang bulkan nga pumuputok, ako pa kaya?

Kinompronta ko siya makalipas ang tatlong araw nung gabi na narinig kong may kausap siya sa telepono. Pero mas umigting ang galit niya at binasag pa ang vase sa loob ng kwarto naming dalawa.

Ang una kong iniisip ay ang mga anak namin. Nasa tamang pag iisip na sila Min So at Taegguk. Nasa tamang gulang na para maintindihan ang lahat. Pero dahil mahal ko siya, ayaw kong magkaroon ng galit sa kanya ang mga anak namin kaya naman pinauunawa ko sa mga anak ko na maliit na hindi pagkakaintindihan lang ang nangyayari sa amin ngayon ng Daddy nila.

Alam mo yung instinct as a wife? Pinairal ko yun. Dahil gusto ko munang isigurado sa sarili ko kung totoo ba lahat ng paghihinala ko bago ko siya kausapin.

Sinundan ko siya papasok sa trabaho. Laking gulat ko dahil hindi siya sa company dumaretcho. Napaka layo ng way papunta sa kompanya ang tinatahak niya na daan ngayon. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. Mukhang wala namang ideya ang asawa ko na nakasunod ako.

Mga ilang minuto pa pumasok siya sa isang village. Hindi pamilyar sa akin ito ah? Papaano ako papasok? Mukhang private village ito at mahirap makapasok ang mga hindi pamilyar na tao.

Wala akong choice kundi ang hintayin siya dito sa labas. Hindi ko din alam kung ilang oras o minuto ba siya magtatagal sa loob at kung sino ba ang pinuntahan niya doon. Mukhang palpak ang plano ko ngayon.

Pero sang ayon ata sa akin ang tadhana. Wala pang isang oras akong nag aabang dito sa labas na parang tanga ng mapansin ko ang kotse ng asawa ko. Nakababa ang mga bintana kaya tanaw ko na hindi siya nag iisa sa loob. May babaeng nakaupo sa passenger seat at nakangiti.

Hindi ko siya kilala..

Ngayon ko lang siya nakita. Kaya malabong katrabaho siya ni Jungkook.

Nang tuluyan ng makalabas ng village ang sasakyan tsaka lang ako nagdrive para sundan sila. Siguro nasa kalahating oras ang itinagal ng biyahe ng tumigil sila sa isang fine dining restaurant na kahit kailan ay hindi pa namin napapasukan dalawa. Na kahit kailan ay hindi niya pa ako nadala dito.

Nakita kong iniabot ni Jungkook ang susi sa parking boy sa tapat ng resto ng makababa silang dalawa. Naka postura ang babae na nakasuot ng black fitted dress at naka high heels pa. Mahaba ang buhok na hanggang bewang at kulot.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now