Chapter 13

587 28 2
                                    

Jeon Kim Taegguk

Mabilis na dumating ang araw ng Sabado. 2 days din atang halos hindi nakatulog sila Shanaya at Hernan sa sobrang excited.

Paano ba naman kasi, sinong hindi magiging excited kung aattend ka sa birthday party ng isang sikat na artista?

Well, hindi naman as is super famous actor si Kuya Justine dahil madalas supporting role lang ang ganap niya.

Umaga palang text na sila ng text na hindi na sila makapag hintay na pumatak ang 6PM for the party. Ako naman natatawa nalang.

Siguro si Ate Min So din baka hindi yun nakatulog kagabi sa sobrang excited.

Hindi na muna ako bumaba sa salas. Siguro matutulog nalang muna ako. Hindi pa naman ako gaano kasanay sa pagpupuyat.

Sabi kasi baka daw umagahin na matapos yung party. Sabi lang naman nila Shanaya at Hernan yon. Mga party goers kasi sila kahit na mga bubot pa.

Buti at pinapayagan sila nila Tito at Tita.

10AM natulog ulit ako. Ewan ko ba nasira mood ko dahil sa panaghinip ko. 2 hours nap lang tuloy nagawa ko. Napaka pangit na panaghinip. Hay..

Bumaba na ako para mag lunch. Solo ako? Nako for sure si Ate more on beauty sleep yon. Rampang rampa para mamaya.

Nagluto si Manang ng masarap na food kaya naman ganado ako. Ang sarap!

After maglunch, umakyat na ulit ako sa taas para ihanda lahat ng isusuot ko mamaya. Simple lang naman dahil simpleng tao lang din naman ako.

Pangpalipas ng oras ang pag scroll ko sa social media. Talagang hindi na sineen ni Shawn yung chat ko sa kanya. Sabagay may girlfriend na siya. Hayy. Is this the end of our friendship?

O sadyang tanga lang ako dahil naipakita ko sa kanya na cold ako? Tsk. Nakakainis mag isip.

Hours have passed. 4PM nag start na akong mag ayos ng sarili ko. Facts about me, hindi pwedeng hindi aabot ng 1 hour ang paliligo ko. Oo, totoo yun. Ayaw ko kasi na mabilis ako mangamoy ewan.

So mga 5PM natapos akong maligo. Apply ng skin care at spray ng pabango. Sabay bihis ng damit. Maigi na din at babyahe pa kasi kami papunta kala Kuya Justine. Malayo layo din kasi yung bahay nila sa amin.

Pagkatapos kong mag ayos pumunta na ako sa kwarto ni Ate Min So. I knocked thrice to her bedroom door.

"Pasok!" Rinig kong sigaw niya. Pagpasok ko umalingasaw ang mabango niyang pabango. Nakabalot pa ang towel sa basa niyang buhok at naka bath robe pa siya.

"Ngayon ka palang mag aayos Ate? I'm already ready." Sabi ko sa kanya at dumaretcho upo sa malambot niyang kama.

"Oh no need to worry. Hindi naman ako matagal mag ayos Bunso. Konting make up lang then blower lang ng buhok. Hindi ko bobonggahan no." Pagpapaliwanag niya.

Tumango nalang ako. Naghintay at nanood ako sa kanya habang nag aayos. Hindi naman ako naiinip, namamangha pa nga ako.

Paano namamanage ng mga girls na mag apply ng make up sa mukha nila ng ganito ka neat?

Pagkatapos niya mag ayos, sakto naman at kinatok na kami ni Mama.

Nakauwi na siya from work?

"Ready na ba ang mga babies ko?" Sabi ni Mama na kakapasok lang ng pintuan. Nakangiti kaming lumapit sa kanya at bumeso.

"Opo Ma. Ready na po." Sagot ni Ate Min So.

"Wow princess bear. You look so pretty in your dress. Manang mana ka talaga sa Mommy Aisha mo." Nakangiting sabi ni Mama habang inaayos ang buhok ni ate na naka two sides at may magandang pins.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now