Chapter 16

617 34 4
                                    

Kim Taehyung

Kaninang umaga hindi magkasabay na umalis si Taegguk at Min So papuntang school. Hindi ko na din sila naihatid dahil rest day ko from work. Mag stay muna ako dito sa bahay at tutulungan ko muna si Manang sa lahat ng gawaing bahay.

Lilinisin ko na din muna mga kwarto ng mga bata at magpapalit din ako ng mga kobre kama, punda at kurtina.

"Nay? Doon lang po muna ako sa kwarto ni Min So maglilinis. Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan kayo." Pagkausap ko kay Manang na busy sa pagligpit ng mga pinagkainan ng mga bata kanina.

"Sige anak. Mamaya sa salas naman ako maglilinis." Nakangiting sagot ni Manang.

Kahit papaano, naramdaman kong may nanay ako dahil kay Manang. Taos puso ang pag aalaga niya sa amin ng mga anak ko.

Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Min So. Kahit na dalaga na ang anak ko at marunong nang maglinis ng sarili niyang kwarto, gusto ko pa din na pagsilbihan silang dalawa ni Taegguk.

Pumasok na ako. Malinis naman. Konting punas lang sa mga gamit dito at vacumm lang kapatat ng carpet.

Nag start na akong maglinis. Inuna ko na muna ang pagpapalit ng mga kobre kama at punda. Kasunod ang mga kurtina.

Pink ang motif ng kwarto niya. Super girly! Actually, I suggested this to her. At mukhang gustong gusto niya din naman dahil may mga pink collections pa siya na mga bagay bagay.

Vinacumm ko na yung carpet niya at hindi naman ganoon kaalikabok. Mukhang naglinis ang anak ko ah?

Pagkatapos lahat. Isinalansan ko na yung mga labahin na tinanggal ko. Pumasok naman ako sa banyo at malinis naman. Naka ayos ang mga skin care products niya.

Dinampot ko yung trashbin niya sa banyo.

At may napansin akong plastik na parang familiar sa paningin ko.

Ganoon nalang ang gulat ko ng makita kong plastik ito ng pregnancy test kit.

Bakit may ganito dito?

Mabilis kong idinial ang number ni Jungkook at Kuya Jin.

Kailangan nilang malaman to. At kailangan din naming makausap si Min So.
































Jeon Kim Min So


I felt so weird lately. Palagi akong nahihilo o kaya nasusuka. Hindi ko alam kung bakit ganito madalas akong mag mood swing, literal na talaga. Yung tipong masusungitan ko mga naninira ng mood ko.

Kagabi kasama ko si Gab at Alex. Nag aya silang mag movie marathon sa bahay namin.

Dahil wala din naman akong ginagawa at nahihiya na ako sa kanila pumayag ako. Pero the whole time wala ako sa mood.

"Alam mo Min So. Nagiging weird ka na talaga eh. Umamin ka nga sa amin ni Alex may tinatago ka ba samin?" Pagkompronta sa akin ngayon ni Gab.

Hindi ako makaimik. Para kong nalunok ang dila ko. Anong sasabihin ko?

"Min So please. Bestfriend mo kami! Nag aalala kami para sayo! Kahit sila Tita Taehyung walang idea sa nangyayari sayo. Please naman bes. Sabihin mo naman sa amin kung anong problema." Naluluhang sabi ni Alex.

Tuluyan na akong umiyak. Hindi ko na kayang ilihim at itago pa ito ng matagal. Baka mabaliw ako.

"H-Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinabi ko ito sa inyo. Hindi ko masabi kasi natatakot ako. Na baka pangdirihan niyo ako. K-Kasi may lalaking kumuha ng puri ko noong gabi ng birthday ni Justine." Umiiyak kong sabi.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now