HINT 56

122 9 0
                                    

Messages


Al:

Kamusta si boss mapagmahal?

Spencer:

Gago pa 'din.

Pasalamat siya at boss ko sya.

Kung hindi kapag nasusuntok nya ako, gagantihan ko din sya.

Al:

HAHAHAHA

Alam niyo kayong dalawa sarap niyong pag-untugin!

Mabuti nalang at wala ako dyan. Hindi na masakit ang ulo ko sainyo.

Spencer:

Dumating isang beses, pinipilit si Ren na ilabas yung kinain na pizza na dala ko. Ang rason? Ayaw niyang pakainin si Ren ng dala kong pagkain! Baka daw may lason!

Tanga edi sana hindi din ako kumain!

Pano ilalabas ni Ren 'yun kung nalunok niya na?!

Minsan naiisip ko sinto-sinto ba yung boss mo?!

Al:

ANAK NG- HAHAHAHAHAHA

GAGONG COSMO AMPOTA.

TEKA TAWANG TAWA AKO HAHAHAHA

HAHAHAHAHAHA

Okay, tapos na ako tumawa HAHAHA

Alam mo kahit laging ta-tanga 'yan, matalino 'yang si Cosmo.

Mas matalino 'yan saakin. Hindi niya pa lang nadidiscover.

HAHAHAHAHAHAHA

Hindi seryoso pre.

Ako matalino lang sa school pero 'yang si Boss Cosmo, ibang klase ang talino at diskarte sa buhay.

Mas magaling sa decision making, planning, skills at critical thinking.

Puta 'ni hindi nga 'yan namamatay!

Ilang beses nang muntik muntikan pero puta may agimat ata pre hindi mamatay-matay!

Spencer:

Hindi talaga namamatay ang masamang damo.

Al:

Totoo 'yan! HAHAHA

Pero sobrang pasasalamat ko na nakilala ko si Cosmo.

Alam mo pre, wala akong pamilya simula bata ako. Si Cosmo at pamilya nya ang tinuturing kong pamilya simula pa noon. Kahit gago 'yan kaya niyang makipagpatayan para sa mahal niya sa buhay.

Pero kaya ako naging basagulero dahil dyan eh!

'Nung una naman kapag may kaaway ako laging sya ang nakikipagsuntukan para sakin pero nung natuto na ako makipag basag ulo, aba! Halos mamatay na ako sa bugbog hindi man lang ako tinutulungan ng hinayupak!

The Life of a Secret WriterWhere stories live. Discover now