CLUE 12

65 4 1
                                    

GUN

Ren


Nanginginig ang kamay ko habang paulit-ulit na binabasa ang text message na natanggap.

I nerviously looked at my sorroundings, papano..

Nagawa kong hindi mahanap ng ilang buwan kaya papanong biglang may nakaalam kung nasaan ako?

Mas bumilis ang paghinga ko. Ramdam ko din ang kaba sa dibdib habang gumagala ang mga mata sa paligid.

This can't be..

Sa pinaghalong kaba at tension nagsimulang dumoble ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang malakas na pagpintig.

Nagsimulang magsipag lapitan ang mga agents saakin. "Ma'am, ayos ka lang?"

"Nanginginig sya, tubig!"

"S-si... Cosmo.." I mumbled weakly.

Nag-angat ang tingin ko sa mga agents na lumapit para pakalmahin ako. Hindi nakalampas sa paningin ko ang kaninang nasa bangka na akala ko ay mangingisda na unti-unting lumapit sa saamin para magbantay sa paligid. Nagsipag labasan ang nagtatagong agents.

"Be alert. Watch the sorroundings!"

"C-contact Cosmo please.." pagmamakaawa ko sa agents na inaalalayan ako palayo sa paligid.

Hilong-hilo ako sa dami ng nakapaligid saakin. They are all calm but alert. While me, I can't fucking calm down!

Inutusan kong bumili ng buko juice si Cosmo! Oh! For God's sake! He probably doesn't have a weapon with him!

"We need to contact Cosmo! Pabalikin nyo dito! 'Wag na bumili ng buko!" I mumbled desperately.

"Affirmative. Your safety is our top priority Ma'am."

Halos mataranta ako ng bigla nila akong sinuotan ng jacket at sumbrelo! Hindi pa nakuntento dahil sinuotan pa ako ng helmet! 'San nila nakuha 'to? Dala-dala ba nila palagi ''to?!

"We need to move, Sir Cosmo is on his way to meet you but not here, delikado dito. Let's go." Kiko said. The head of security. Isa sa pinagkakatiwalaan ni Cosmo bukod kay Al at Spencer. The trio. His best agents.

Halos lampas sampo silang nakapaligid sakin habang naglalakad ng mabilis papuntang sasakyan. They are all serious at ready sa kung ano mang mangyayare. Hindi lang 'to basta basta.

I shut my eyes as I remember the bombs that I receive at home that they secretly defused. Halos linggo linggo akong nakakatanggap ng bomba noon. Laking pasasalamat ko na marunong silang magdefuse dahil kung hindi matagal ng sumabog ang bahay ko!

"Ma'am yuko po tayo. Don't make eye contact to anyone."

Tanging sa buhangin lang ako nakatingin hanggang sa ang buhangin ay unti-unting napalitan ng lupa. Pumasok kami sa itim na van at agad akong napagitnaan ng dalawang agents. Nasa kanan ko si Kiko.

Agad umarangkada ang van. Hindi na ako nagulat ng sabay silang yumuko upang may abutin sa ilalim ng upuan, pag-angat ay may kanya kanyang baril ng hawak!

Mabilis silang nagpapasahan ng baril kaya napapayuko ako para umiwas!

"Dahan-dahan naman, ako ata mababaril n'yo e."

They all looked at me in unison, They looked stunned. Parang ngayon lang nila napansin na may kasama silang babae! So kung hindi ako nagsalita baka inabutan na din nila ako ng baril?!

"Suotin mo 'to ma'am."

"Ano 'to?"

"Bulletproof vest."

The Life of a Secret WriterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora