[16] Just a Piece

0 0 0
                                    

[16] Just a Piece

* * *

Caitlyn's POV

"Thanks for cheering me up." Nginitian niya ako at ganoon din ang ginawa ko.

"We're friends." I said blankly. Ayokong may nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga actions ko. I'm not confident to say it, I'm just honest.

"Hey, san ba bahay niyo? Ihahatid na kita, may lakad pa kasi ako and I don't like you to come. Clubbing, though." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa sinabi niya. He's sweet and nice.

"Ibaba mo ko Ministop." Sabi ko sa kanya. Ayokong umuwi na may naghatid sa akin. Tatanungin na naman ako ni Papa. I hate interrogations.

"Okay. Pasensya kana kung masyado akong fc at inimbitahan pa kita sa practice. Wala ka pa naman masyadong kasama. Don't worry, I'll introduce you to my friends." Hindi na ako sumagot at diretso lang ang tingin ko sa harapan.

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik dyan." Pansin ko na kanina pa pala kami andito sa tapat ng Ministop.

Huminga ako ng malalim. "Okay lang ako." Nahihiya ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Naawa din ako dahil alam kong napagbubuntunan siya ni Pierce. "Ikaw ang dapat kong tanungin kung okay ka lang." Nginitian ko siya ng tipid.

"Nah. I'm fine, alam kong andun ka to cheer me up." Sagot niya. Tumango na lang ako at hindi na pinatulan ang sinabi niya. Ayoko lang, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

"Thanks for the ride." Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya. "Ingat ka." Paalam ko bago ko isara. Hindi na ako lumingon at rinig ko na lang ang pag-alis ng sasakyan niya. I sighed. This is so bad. This is so wrong.

Naglakad ako papasok ng Ministop pero agad din akong napatigil nang makita na papalabas doon ang babaeng kasama ni Pierce noon sa club at ang babaeng kausap niya kanina. Oh, timing. You're so good to me.

Umirap na lang ako sa kawalan at dumiretso na parang walang napansin. Hindi ko naman siya kaano-ano. Why would I waste my time to her? Whatever. Nang magkakasalubong na kami ay pansin ko na nagulat siya. Pero agad niya iyong nabawi at ngumiti sa akin. Naiinis ako.

"Caitlyn Romero." Nagulat ako ng sinabi niya ang buong pangalan ko. "I'm Iza Camoa. Pierce's friend." Naglahad siya ng kamay at dahil sa hindi ako pinalaking bastos, tinanggap ko.

"Just Cai." Tipid siyang ngumiti sa akin at sabay naming binawi ang mga kamay namin.

"Can we talk? Just a second. Please?" Biglang sambit niya.

"What for?" I don't want to sound rude pero hindi ko mapigil ang sarili ko. Tungkol saan? I bet it. About Pierce.

"Pierce." I mentally rolled my eyes. Sabi na nga ba. "Please, Cai? Ayoko lang na nahihirapan siya." Nahihirapan? Saan? Hindi siya maghihirap dahil mayaman siya. Nice humor.

"Okay." Sagot ko at ngumiti na naman siya.

Sinundan ko siya sa loob ng Ministop at umupo kami sa table na nasa pinakang-dulo. Hindi na kami bumili ng kahit ano dahil wala naman sa usapan. Basta mag-uusap lang kami, tapos.

"Pierce likes you." Seryosong sabi niya. "I knew him since we were child. Alam ko kung totoo o hindi ang sinasabi niya. At ngayon, alam kong totoo." I want to laugh so hard pero parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Why are you telling me these things? Wala akong--"

"Yeah, I know. He's a jerk, bastard, asshole. Pero hindi mo ba siya mapagbibigyan? Ngayon lang siya nagkaganito sa buong buhay niya. He never gets.. Jealous.. And possessive.. to so someone.." Hindi ko alam kung ikagagalit o ikakatuwa ko ba ang mga sinasabi niya. Ano ba dapat? Dapat ba akong maniwala?

"He's a liar." Sinabi niyang ako lang pero kitang-kita ko ang paghahalikan nilang dalawa. "I saw you two kissed." Sambit ko at nanlaki ang mga mata niya. Caught you girl.

Pero automatikong tumaas ang kilay ko ng tumawa siya. Umiling-iling pa siya na parang may sobrang nakakatawa. "The jerk's girl is jealous." Tumatawa siya na ikinaiirita ko. What the hell?

"What?" Tanong ko.

Umiling siya at ngumisi sa akin ng sobrang laki. "We didn't. It's just the camera angle. At kung mangyayari man yun, siguro buong buhay na kong mandidiri sa sarili ko. My God! I can't imagine it!" Pumikit siya at pinaypayan ang sarili. I don't believe her. Kanina lang ay hinalikan niya si Pierce sa pisngi.

"I don't care." Wala ng ibang patutunguhan ang usapan na to.

"Galit siya. Galit na galit siya kanina, Cai." Biglaan na lang naging seryoso ang mukha niya. "You're a liar kung sasabihin mong hindi mo iyon napansin kanina." Napalunok ako.

"I know. Siguro hindi pa siya makaget-over nung isang--"

"You don't get it, don't you?" Mariing tanong niya. "He's fucking mad because he got jealous! You were screaming some boy's name sa harapan niya! He wants it to. He wanted you to call his name too.. He wanted you to cheer him up.. Not to make him feel down like nothing." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Alam ko. Alam ko naman iyon. Ayoko lang.. Ayoko lang na pansinin iyon.

"I d-don't know." I lied. Ayoko lang talaga. Si Josiah ay isa lang kaibigan at si Yul ang gusto ko. Ayokong magbigay ng sign na gusto ko siya o ano man. I hate him fully at dapat pangatawan ko iyon. Pride? I don't know.

"Do you like Pierce?" Agad ko siyang nilingon at seryoso pa rin ang mukha niya.

"Si Yul ang gusto ko." Matigas kong sagot sa kanya.

"Oh, Jesus.." Pumikit siya at hinilamos sa mukha niya ang dalawang palad niya na mukhang nahihirapan siya. Iminulat niya ulit ang mata niya at mariin akong tinitigan. "Cai?" Tawag niya.

"Hmm?" Wala akong maling nasabi sa kanya. Sinabi ko lang kung ano ang totoo.

"You're liking the wrong person. But I'm not in the right place to say that. Pero, please? Si Pierce.. Kahit konti lang na atensyon. Kahit i-consider mo ang mga efforts niya. Kahit papano naman.. Wag mong ipamukha sa kanya na ayaw mo sa kanya at sa mga ginagawa niya. Ikaw lang ang gumagawa sa kanya ng ganito.. Hindi siya sanay pero tinitiis niya.." Halos wala na akong marinig sa sinasabi niya. Para na akong bingi. Halo na halo na. Wala na kong maintindihan.

"Caitlyn? Kanina ka pa?" Naagaw ni Kuya ang atensyon ko. Lumapit siya sa akin at napatingin siya kay Iza.

Hinawakan ni Iza ang kamay kong nakapatong sa table. "Just a piece, Cai. Just a piece." Yun lang ang sinabi niya at binitawan na ang kamay ko at mabilis na umalis ng walang paalam.

Hindi ko alam kung ilang minuto o segundo pa akong tulala dahil sa mga sinabi niya. Should I believe her? She looked so honest and sincere.. Pero hindi ko siya ganoon kakilala. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung anong paniniwalan ko. Yung sarili ko ba o yung sinasabi nila? Pero naniniwala nga ba ako? What the fucking hell. I feel like I'm tortured. Shit.

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now