[1] Encountered Him

7 0 0
                                    

[1] Encountered Him

* * *

Caitlyn's POV

He's always the hot topic. The center of attention; the one who people, especially almost all girls are talking about. Bakit? Hindi pa ba tayo masasanay? Siya nga na sanay nang pinag-uusapan, hindi nagtataka kung bakit.. Tayo pa?

Basketball's captain, dance group leader, a young billioner, a playboy, a womanizer, a cassanova.. Lahat na ata ng term na mahilig mang-babae ay pwde ng itawag sa kanya. Wait-- Talaga naman na ganun ang tawag sa kanya. The boy of every girl's dream. The prince of every girl's heart. Oo nga naman. Halos lahat na ng babae, sambahin ang daan niya para magpa-pansin sa kanya.

Mga tanga lang. Alam nilang hindi sila mapapansin, nagpapatuloy pa rin. Oh well. Sabi nga ng iba, I'll take the risks because he's worth the wait. Ano dun ang worth? Alam nilang hindi nagse-seryoso yung tao tapos nagha-hangad pa rin sila na mapansin sila? Well, typical teenage girl. Syempre iisipin ng iba na mapapatino nila ang isang lalaking ganun. Ganun naman, hindi ba?

Sinarado ko ang libro ko at pumikit ng marahan. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos kong magbasa, siya agad ang pumasok sa isip ko. WTH. Wala naman akong pakialam sa kanya pero tamang-tama sa kanya yung binasa ko. A playboy.

"Cai! Ano? Di ka pa ba sasabay sa amin?" Rinig ko ang sigaw ni Kuya sa baba. Umirap na lang ako sa kawalan bago lumabas ng kwarto ko at bumaba sa dining.

"Highblood ka? Di ka makahintay eh.." Sinamaan niya ako ng tingin pero dinilaan ko lang siya. Mahal ko ang Kuya ko no! "Ma, Pa, retreat na namin next week." Paalala ko kila Mama at Papa.

"Saan kayo?" Tanong ni Papa.

"Sa Baguio. Ganun pa rin naman eh, every year." Sagot ko habang kumakain. Lagi kaming ganto, nag-uusap sa hapag. Wala lang, to tighten the bond of our family? Siguro ganun na nga.

"Wag kana sumama. Ma-dedo ka lang dun sa sobrang lamig. Bahala ka." Inirapan ko si Kuya sa na nasa harap ko. Katabi ko si Mama at magkatabi sila ni Papa.

"Epal ka rin eh, no?" Tumaas lang ang kilay niya pero hindi siya sa akin nakatingin. Epal nga talaga! Nang-aasar na naman.

Natapos kami sa pagkain. Iba't ibang topic ang pinag-uusapan. Tungkol sa school life namin ni Kuya, sa trabaho nila Mama at Papa, at iba pa. Ngayon ay nag-aayos kami ng kanya-kanya naming gamit. Hindi kami lilipat, magba-bakasyon lang. Family outing lang. Start na rin kasi ang next semester namin sa school at magiging busy na rin sila Mama at Papa sa trabaho.

"Ready?" Tanong ni Papa ng maka-upo kaming apat sa kotse.

"Yun oh! Tara na, Pa!" Sigaw ni Kuya. Kung itatanong niyo kung bakla siya, opo. Baklang-bakla. Para sa akin.

"Cai, okay ka lang?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako at ngumiti bilang sagot. Tahimik lang ako pero pag ako nagsalita.. Siguro matatahimik na lang kayo.

"Okay, aalis na tayo." Huling sambit ni Papa bago niya pina-andar ang sasakyan namin.

Hindi kami mayaman, hindi kami mahirap. Sakto lang, yung average type ng isang pamilya. Parehas may trabaho sila Mama at Papa. Si Mama ay isang doktor, psychologist at si Papa naman ay isang manager ng isang restaurant. Kami naman ni Kuya ay nag-aaral pa lang. I'm graduating at si Kuya naman ay 2nd year college na. The same school kami kahit ayaw namin na makita ang isa't isa. Sabi kasi ni Papa, para daw mabantayan namin ang isa't isa.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Sa isang beach resort dito sa Batangas kami pumunta. Para daw naman relaxing, para makalimutan namin ang problema. Wala naman akong natatandaan na may problema ako. Siguro yung pagiging hassle lang sa school dahil nga graduating student ako. Pero all in all, hindi naman dapat problemahin yun dahil normal na yun sa isang istudyante. Credits to my Mom. Psychologist nga siya, diba?

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now