[2] Room Mates

3 0 0
                                    

[2] Room Mates

* * *

Caitlyn's POV

Building B: Room 101, Class 4B

Hinanap ko kung saan ang magiging classroom ko. Actually, dito sa school namin hindi kami tulad nung may mga first quarter, second quarter and so on. Parang college na ang peg namin dito. Dalawang semester. At every sem, nagpapalit-palit ang mga klase at classroom. Meaning, pwde kang mapunta sa ibang section. Tulad ko, new class.

Naka-abot ako dito sa third floor. Shit? Hanggang end ng school year, magpapaka-hirap pala ako sa pagpasok. Last sem kasi, sa second floor lang ang classroom ko at kaya ko pa yun. Pero ngayon? Holy mother of cows. Kaya ko naman pero.. Ugh.

"Room 101? Class 4B?" Tiningnan ko ang nagsalita sa tabi ko. At naramdaman ko agad ang pagkulo ng dugo ko sa kanya.

Tiningnan ko na lang ang pangalan ko kung nasa list siya ng mga students para sa klase na to. Uhm.. Romero.. N.. O.. P.. Q.. R--

"What the hell?" Sambit ko ng bigla niyang kuhain ang papel.

"Hmm.. Fierro.. Ayun ako!" Tumawa pa siya habang naka-tingin lang sa papel. "Anong surname mo?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi sinagot.

"Akin na." Nilahad ko ang kamay ko para ibigay niya ang papel. Pero laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya pa. "Gago! Akin na yung papel!" Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Ugh! I can't believe this. Simula pa lang ng araw ko, sirang-sira na. WTH. Pagkatapos ng nangyari noon sa Batangas, akala ko ay hindi ko na makikita ang gagong to. Cai, you're in idiot! Parehas kayo ng school oh! Oh hell, yes.

"Give me your surname." Seryoso niyang sabi sa akin.

"At anong gagawin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nginisian niya lang ako at tinaasan din ng kilay.

"Papalitan ng surname ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw? Papalitan niya ng Fierro ang surname ko? Wag na lang! I mean.. Wag yung galing sa kanya! Tanggap ko pa kapag galing kay Yul kesa sa kanya!

"Wala akong pake." Inirapan ko siya at nag-cross arms. Pero hindi ko maiwasan na kiligin pag naiisip ko na mapapalitan ng Fierro ang surname ko. OMFG. Am I gonna be Yul's wife? Shit.

"Tsk. I know kinikilig ka dyan. Sino ba namang tatanggi na hindi maging Fierro? None." Pagmamayabang niya.

"Oo. Kinikilig ako." Mukha naman siyang nagulat. "Dahil maisip ko pa lang na ako ang magiging asawa ng kapatid mo, hindi na ako makatulog." Dapat pinapa-mukha sa tulad niya na hindi lang siya ang Fierro dito.

Pansin ko ang pagliit ng mata niya at pag-kunot ng noo niya. Pero hindi ko na lang yun binigyan ng meaning. And so? Galit siya? Anong pake ko? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi lang siya ang Fierro at hindi lang siya ang hinahabol ng mga babae.

"Surname mo." Umirap ako sa hangin. Seryoso siya at mukhang wala talagang balak na ibigay sa akin yung papel.

"Romero. Romero, Caitlyn." Ibinalik niya ang tingin sa papel at kita ko kung paano bumaba sa papel ang tingin niya.

Maya-maya pa ay ibinigay niya na sa akin yung papel. Tumalikod siya at nauna ng pumasok sa loob. Ah.. So seryoso siya na classmate ko siya? Tsk. Hinanap ko sa list ang pangalan ko at.. Yeah, right. Dito nga talaga ako. Tsk.

This would be a hell year for me.

* * *

Pierce's POV

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now