[5] Mine Alone

1 0 0
                                    

[5] Mine Alone

* * *

Pierce's POV

"Excuse me, dadaan ako."

"For your information, doon po ang daan papunta sa classroom natin. Saan ka pa pupunta? Male-late kana." Sinamaan niya ako ng tingin. I knew it! Naiinis na naman siya sa akin. Now, that's why I like it.

"Ano bang pakialam mo?" Sinubukan niya kong lampasan pero hinawakan ko agad ang braso niya. Ang kinis niya pala? "B-bitawan mo ko!" Shit! Ano bang iniisip ko? Tsk.

"Hey--hey! Cai, wait lang. Wait lang!" Mabilis siyang lumakad na para pa siyang nagdadabog. Ang cute niya lang tingnan. "I said, wait!" Hinarangan ko siya kaya napatigil siya sa paglakad. Mejo hinihingal siya. Sino ba namang tanga ang gagawa ng ikapapagod niya, huh? Siya lang.. At ako.

"Ano ba talagang kailangan mo ha!? Hindi kita gusto! Maging kaibigan o ano man! Not you, okay!? Not you! So leave me alone! Alone!" Nilampasan niya ako. Hindi ko alam pero parang ang cute niya talaga. Nangiti na lang ako at hinabol ko ulit siya. Sinabayan ko siya maglakad, buti na lang at hindi na siya nagsalita pa. Siguro, gusto niya rin. Pakipot lang siya sakin. Sus.

Bago pa kami makapasok ng klase ay hinigit ko ang braso niya. Magsasalita na siguro siya pero inunahan ko na. "Akin ka." Bulong ko sa kanya. Ngumisi na lang ako ng mapansin ko ang reaksyon niya na mukhang ewan. Kinikilig? Kinakabahan? Nagulat? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong naiisip niya sa sinabi ko. Pero ako? Ewan.. Pero parang ang saya ko.

* * *

Caitlyn's POV

"Akin ka."

Dalawang salita pero sobrang lakas ng impact sa akin. Nakakatakot. Kinikilabutan ako ng sinabi niya yan sakin. I know him for years. Sino bang hindi diba? Kilala ko siya. At tulad nga ng sinabi ni Kuya, nakukuha niya kung anong gusto niya. What a jerk! Kung isa ako sa mga trip niya, well he should stop right now dahil hindi niya ako maloloko. Nakakainis siya. Sobra.

"Hi, miss." Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. "Pwdeng tumabi? Thanks." Hindi niya ako pinatapos na magsalita at umupo na siya sa harap ko.

I never saw him. Pero highschool din ata siya dahil sa uniform niya. Parang ang jolly at ang bright ng mood niya. Am I making a friend in here? I don't know. He's totally a complete stranger.

"Anong name mo?" Naka-ngiting tanong niya. Pinatay ko ang phone ko, naglalaro kasi ako.

"Just call me Cai." Tumango siya.

"Note." Nag-hands out siya. "Note Realm, it's nice meeting you." Nag-shakehands kami. I think he's good guy. I just think.

"So, why are you here?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "I mean-- Alone? Hahaha. Your face is amusing me." Tumawa siya kaya natawa na rin ako kahit walang nakakatawa.

"Uh.. Bakit ako mag-isa?" Tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana siya ng bigla siyang nanahimik at mukhang nagulat pa. Magtatanong sana ako kung bakit nang biglang may sumulpot sa tabi ko.

"I should go now. Bye, Cai." Malamig niyang sambit at tumayo siya paaalis. I saw him mouthed, "Sorry" pero nginitian ko na lang siya. I don't want to be the reason of his sudden change of mood.

"You know, you can just talk to me and say na hindi mo gusto na may iba akong kausap. Hindi yung bigla kang susulpot sa likod ko then tatakutin mo ang kausap ko. You should have atleast manners, Kuya." Inayos ko ang gamit ko at tumayo. God, he's sick. Kung isumbong ko kaya siya kila Mama? Well, maybe dapat nga--

"If I told you, would you obey me?" Huminto ako sa paglakad. Parang nanigas ako sa pwesto ko. "Hindi ko naman siya tinakot. He should atleast know what is mine.." Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Ang yabag ng paa niya.. Shit!

"And.. Did you say Kuya?" Tinanggal niya ang nakaharang na buhok sa kanang tenga ko. Yung paghinga niya.. Ramdam ko.

Tumawa siya na lalo pang naging dahilan ng pagkaba ko. "Hindi ko alam ah.. Hindi pa tuloy maganda ang una naming pag-uusap tungkol sayo." Shit! Alam niya na! Alam niya na Kuya ko lang si Kuya Cliff at hindi ko boyfriend!

"Don't worry, matagal ko ng alam. You know, I know.. Almost everything about you." Pumikit ako dahil hindi ko na kaya. Ang kapal ng mukha niya. Nakakainis siya. Nakakapanggigil.

Pak!

I slapped him hard on his face. Hindi siya gumalaw pero pansin ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa ginawa ko. Galit siya? Dahil sinampal ko siya? Well, MAS GALIT AKO! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA PARA PAKIALAMAN ANG BUHAY KO! ANG KAPAL!

"You.. Jerk!" Sigaw ko sa kanya ng humarap siya sa akin ng naka-ngiti na parang walang nangyari, na parang hindi ko siya sinampal.

"I know, I'm a jerk." Tumawa siya kaya mas lalo pang uminit ang dugo ko. Nakuha niya pang tumawa sa kabila ng lahat! "Pero, akin ka." Nginisian niya ako.

"You don't own me! You creep! Layuan mo ko or else.." Natigil ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Holy shit! "Just stop playing around! Stop following me!" Tinalikuran ko siya at naglakad palayo.

Naglakad lang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa gate ng school. I think I should go home now. Gusto kong magpahinga at magtanggal ng mga iniisip ko ngayon. Oo! Dahil sumasakit ang ulo ko kakaisip! Lalo na sa mga sinasabi ni Pierce! How dare him to say that he owns me!

Nagring ang phone ko. Sinagot ko agad yun. "Hello?" I don't know who's calling pero ayokong mandamay ng init ng ulo ko.

["Akin ka."]

I think I just died for a moment. Namatay ang tawag pero nanatili sa tenga ko ang phone ko. Tulala at namumutla na ako dahil sa narinig ko. Tiningnan ko ang screen ng phone ko at nakita ang unknown number ng caller. Gusto kong manakit dahil sobra na kong naiinis.. At natatakot. Naiinis ako sa mga inaasta niya at natatakot ako sa mga.. Mga sinasabi niya.

Pero nangingibabaw pa rin ang galit. Galit ako sa kanya! Kinamumuhian ko siya! Ang kapal ng mukha niya! Kung sana pwde ko lang siyang isumpa, edi ginawa ko na! Pero hindi eh! Ako pa ang sinumpa niya! He cursed me.. At nakamamatay yun.

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now