[15] Shout For Me

2 0 0
                                    

[15] Shout For Me

* * *

Pierce's POV

"Ready bro?" Tanong ni Max habang tinatali ang sapatos niya.

"Ready my ass." I grinned tska ako tumayo para pumunta na ng court. May practice kami sa basketball at kahit practice to, kailangan na ayusin namin.

"Aaaaaah!!!! Pierce!!!"

"Marry me!!!!"

"Baby boy!!!"

"Oh my gosh!!"

Humahalakhak si Max habang tinatapik ang balikat ko. Ngumisi lang ako at kumaway sa mga babaeng sumisigaw at pumupuri ng pangalan ko. See? It's just a practice at may mga fans na ko.

Inilagay ko sa bleachers ang bag ko at nakuha ng atensyon ko si Cai na nakatayo at nanunuod. May tinitingnan siya at alam ko na hindi ako yun. Nanliliit ang mga mata ko habang sinusundan ang tingin niya. The guy she was talking last week. Biglang uminit ang dugo ko. I want to rip his head off. I want to punch him.

"What's wrong?" Tanong ni Max ng mapansing nanginginig ako.

Sasagutin ko na sana siya ng bigla kong narinig na may sumigaw ng pangalan ko. It was Iza. Papunta siya sa pwesto ko wearing a big smile on her face. I know she's happy, but I can't be happy for her lalo na't naiirita talaga ako.

"Your girl is looking." Bulong niya sa akin at agad akong napatingin sa pwesto ni Cai. I kept myself blank kahit na gusto kong magtatalon dahil huling-huli ko siya na nag-iwas ng tingin.

"I'm mad at her." Sagot ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay na mukhang hindi makapaniwala.

"Seriously, guys? Who's the subject?" Singit ni Max.

"Boy, hindi mo alam? The girl he's crushing with." Tumawa si Iza na nakaagaw ng atensyon ng iba. Umiling na lang ako sa sinabi niya. Although alam ni Max na may nagugustuhan ako, hindi niya naman alam kung sino yun.

"Mind fuck. Tara na Pierce, tawag na tayo ni Coach." Tumango lang ako kay Max.

"He doesn't know." Komento ni Iza. Magkakakilala na kami noon pa kaya kilala na namin ang isa't isa. "Go on. Kick their ass, Baby boy." Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango na lang ako at kinawayan siya na naglalakad papuntang bleachers.

For the last time, nilingon ko ulit si Cai na diretsong nakatingin na sa akin at nakakunot-noo. Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Mind you, naiirita talaga ako kapag pinapamukha niya sa akin na na may iba siyang gusto. Kainis. Sabi ko, ako lang, diba? Ako lang?

Nag-headcount kaming lahat para malaman kung may kulang pa. At sa kasamaang palad, kulang ang team namin ng isa. At ang mas masama pa dito, ang napunta sa team namin ay yung kadaldalan ni Caitlyn sa klase. Kumukulo na talaga ang dugo ko. Tanginang selos to! Makakapatay ata ako.

Nagsimula ang laro at sa sobrang sama ng mood ko, kapag nasa akin ang bola hindi ko ipinapasa sa kanya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya o hindi. Wala na kong pakialam sa kanya.

Humihingal ako habang nakaupo sa bleachers. Nilapitan ako ni Max na hinihingal rin. Mukha na talagang seryosohan to kahit practice pa lang. Umiinom ako ng tubig ng mapansin ko ang titig sa akin ni Max.

Nilingon ko siya at tinaasan ko ng kilay. "Ano?" Tanong ko.

"Pansin ko na kanina mo pa hindi pinapasahan ng bola si Josiah. Anong problema mo?" Mariing tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at lumingon ako sa pwesto ni Caitlyn. Nakangiti siya habang nakangiti rin sa kanya si Josiah. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at padabog na tumayo para bumalik sa court. Nagsimula ulit ang laro na maiinit pa rin ang ulo ko. Fuck shit. Damn, jealousy!

Nang hawak ko ulit ang bola at kita ko kung paano kumaway sa akin yung Josiah, ay halos kumulo na ang dugo ko. May gana pa talaga tong hayop na to! Marahas kong pinasa sa kanya ang bola kaya hindi niya ito nasalo at imbis na natumba siya. Lampa!

Tumakbo sa akin si Max. "Dude, ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Diretso ang tingin ko kay Josiah na tinutulungan ng iba naming kagrupo na tumayo.

Tiningna niya lang ako ng naka-kunot noo. Huminga ako ng malalim ng maglalaro ulit kami. Kahit maghamon siya ng away at suntukan dito, hinding-hindi ko siya uurungan. Hindi ko napansin na marami rin palang taga-hanga ang isang to. Pero hindi yun ang nakaagaw ng atensyon ko. Mas nangingibabaw sa pandinig ko ang boses ni Caitlyn habang nagche-cheer kay Josiah. Fuck it.

"Joss! Kaya mo yan!" Sigaw niya ng minsang natisod si Josiah. Imbes na mainis ang mokong ay tumawa pa siya at kumaway kay Caitlyn.

Nanggigil kong tinapon ang bola sa kanya. Natamaan na naman siya at ngayo'y pansin ko na ang iritasyon sa tingin niya. Naglakad siya palapit sa akin at kita ko ang pag-awat ng iba naming kagrupo.

"Dude, kanina ka pa! Anong problema mo!?" Singhal niya sa akin. Akala mo ang tapang, lampa naman!

"Kasalanan ko bang lampa ka?" Lumaki ang ngisi ko habang pinapanood ang reaksyon niyang galit na galit. Ganyan nga, kung naiinis ako, dapat naiinis ka rin. It's all fair now, though.

"Anong sabi mo?" Tanong niya habang nanggigil.

"Bingi ka pa." Humalakhak ako ng malakas at umiling. Pumito ang coach namin at sinabing umayos na para maglaro.

Nakangisi akong bumalik sa court at pansin ko pa rin ang talim ng tingin niya sa akin. Wala akong pake sa kanya. Sa sobrang saya ko yata ay hindi ko namalayan na nasiko na pala ako ng kalaban. Napaupo ako at napa-pikit habang iniinda ang sakit sa sikmura ko. Nakakainis!

"Joss! Kaya mo yan!"

Minulat ko ang mata ko at parehas pala kaming nasiko ng kalaban. Pero hindi yun ang kinaiinis ko. Bakit ako wala? Bakit hindi niya ko pinapansin? Bakit hindi siya sumisigaw para sa akin?

Nag-iigting ang panga ko. Nanginginig ang kamay ko dahil sobra-sobra na ang natatanggap kong kamalasan ngayon. Ramdam ko ang presensya ni Max at Iza sa tabi ko. Alam kong alam nila na galit ako. Galit na galit ako.

"Where's mine!?" Sigaw ko habang diretsong nakatingin kay Caitlyn. Natahimik ang lahat at ramdam ko ang tingin nila sakin.

"Pierce.. Tama na." Bulong ni Iza sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Can you not hear me!? Where's mine!? You fucking shout for me! You heard it!? Shout for me!" Sigaw ko.

Padabog akong tumayo para kunin ang bag ko. Rinig ko pa ang pagtawag nina Iza at Max at ng iba ko pang ka-team sa pangalan ko. Pero mabilis akong naglakad palabas doon. Kahit masakit ang katawan ko, hindi ko yata kayang manatili sa loob ng lugar na yun.

The Devil's Game (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon