[10] He Is

1 0 0
                                    

[10] He Is

* * *

Caitlyn's POV

"Wow, that guy really likes you. Hindi lahat ng lalaki nage-effort ng ganyan for a girl." Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Chantal ang mga ganito. She's too young for these.

"He's a playboy. A man-whore. A devil." Komento ko. Yeah, right. Mahirap na mag-tiwala.

"Woah! You're crossing the line. Lahat ng bagay nagbabago. Malay mo diba? You changed him kaya ganyan siya ka-caring and thoughtful sayo." I tsk-ed and then rolled my eyes.

"Mahirap baguhin ang naka-sanayan. He's still a devil." Sagot ko. I'm holding for it. Hindi ako magpapadala sa mga bagay na ginagawa niya.

I'm cursed with his words.. But I know it's just a trap.

"Alam mo, hindi ko na nakikita yung crush ko. I mean, sa mga bars at clubs na alam kong pinu-puntahan niya." That, I don't care about that anymore. "But you know, he's the same batch as yours. He's a part of dance troupe too. Diba part ka din nun dati? I bet na kilala mo siya. Oh my gosh! Kilig ako!" Dance troupe? Si Note kaya? Wow. Note has this girl's heart.

"I think I know him. Puntahan natin siya minsan." Tumango-tango siya habang naka-ngisi. Creepy, weird girl. Pero pano namin hahanapin si Note? Hindi ko naman alam ang classroom-- Ah! Sa practice room na lang, alam ko na naman kung saan yun.

"Ah, una na ko ha? Baka malate pa ko. Tsk. This is so not me." Tumango ako at pinanuod na lang siyang mawala sa paningin ko. Sinabi niya kasi sakin na nagpapa-goodshot daw sya sa mga prof nya kasi konti na lang daw at baka ibagsak na sya ng mga ito. Pasaway kasi sobra.

Nag-stay lang ako ng ilang minuto at tumayo na rin ako para bumalik sa klase. Syempre ayoko rin namang malate. Ayoko lang. Isa sa mga priorities ko ang studies ko. And why the hell am I saying? Tss. Ugh. I'm weird.

"Cai." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Shit. Anong ginagawa nya dito? Wala ba siyang klase? "Can we talk?" Saglit akong napatitig sa kanya. Ano namang pag-uusapan namin?

Huminga ako ng malalim at tumango. "Sige." Ngumiti siya ng tipid at naunang maglakad. 27 minutes pa ang meron ako bago magsimula ang sunod na klase ko.

Tumigil kami sa likod ng gym. May bleachers dun at may ilan ring istudyante. Naupo siya at ganoon din ako. Pero may ilang pagitan samin. Syempre kahit crush ko siya, di naman tama na mag-take advantage ako sa kanya.

"Yul."

"Cai."

Nagkatinginan kami saglit dahil sa nagkasabay kami. Natawa na lang rin kami parehas. Ang weird lang namin. Baka ako lang? Ewan.

"Ikaw na mauna. May sasabihin ka, diba?" Pag-sisimula ko.

Tumango siya. Pumikit siya at tumungo saglit. "I just want to.. Uhm.. Apologize." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. What for?

"P-para san?" I can't help it. Hindi ko maiwasan ang panginginig sa boses ko. Hindi kaya dahil dun sa.. Shit!

"Uh.. I'm pretty sure you already knew about it." Tiningnan niya ko ng diretso sa mata. "Last time.. I went to your house to check on you. Don't get me wrong, I just want to know if come home safe. You were with my brother so.. I just thought.." Paliwanag niya. Did he just said that.. He's checking on me!? Oh my gosh!

"Y-yeah.. Sinabi nga sakin ni Papa and.. Sinabi niya pang.. Ano.." Tumikhim ako para maayos ang boses kong nanginginig sa di ko malamang dahilan. "Nanliligaw ka daw. Which is not true. Pero hindi siya naniwala.." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Indeed, it isn't." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. Yeah, sumang-ayon lang naman siya sa sinabi ko.

"Uh.. May next class pa ko. Una na ko, ah?" Tumayo ako at ganun din siya.

"Sorry, I forgot." Tumawa siya. "Okay, see you around." Tumango ako at naglakad na palayo sa kanya.

It hurts. Oo, masakit na harap-harapang sabihin sayo ng taong gusto mo na hindi ka niya nililigawan. Para na ring sinabi niya na hindi ka niya gusto. Ugh. Masakit. Bakit kasi sa taong gaya niya pa ko nagka-gusto? Ang hirap niyang abutin. Kaasar.

Natapos ang klase ko at ngayon ay magkikita kami ni Note sa tapat ng library. Sinabihan ko siya na ipapakilala ko siya sa isang kaibigan, which is Chantal. I'd like to see her face surprised.

"Cai! Caitlyn!" Nilingon ko ang tumatakbong si Chantal. Huminto siya harap ko na hinihingal. "Shit, Cai!" Ngumisi siya at pinunasan ang pawis sa noo.

"A-ano?" Tinaasan ko siya ng kilay ng bigla na lang siyang magtitili na parang kinikilig.

"Dadaan siya dito! Yung crush ko! Shit! Oh my God!" Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya at agad kinuha ang phone ko para i-text si Note.

From: Note

Mamaya pa ko. I'm sorry, may kailangan pa kong gawin eh. Can you wait? Saglit lang to. Promise!

Nalipat ang tingin ko kay Chantal pagkatapos basahin ang text mula kay Note. Niloloko ba ko ni Note? O ni Chantal? Umiling ako at hinila si Chantal sa tabi ko na halos maputol na ang ulo kaka-lingon.

"Sigurado ka na darating yang crush mo? May pupuntahan pa kasi ako." Ngumuso ako habang pinagmamasdan siyang mamula.

"Siya nga yun! Ugh. Alam ko ang schedule at alam kong wala na siyang klase ngayon. Dito siya dadaan-- Ayan na! Ayan na sila! Ayan na siya!" Kasabay ang ibang istudyante ay tumili siya na parang walang bukas habang ako'y tinatakpan ang dalawang tenga ko.

Lumingon ako sa mga tinitilian nila pero hindi ko makita si Note o kahit anino niya. What the? Ibig sabihin hindi si Note ang crush niya? Hindi si Note? Sino?

"Oh my God, Cai!" Tili niya kaya naagaw niya ang atensyon ko. Pero agad din yung nalipat ng sundan ko kung saan siya nakatingin. Oh my!

Pansin niya ang tingin ko at pansin ko rin ang titig niya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang ngumisi at kumindat pa! Holy shit! May ilang sumunod sa grupo nila pero naiwan ako ditong tulala habang kasama ang kilig na kilig na si Chantal.

"Shit! Nakita mo yun? Kinindatan niya ko! Oh my God!" Pa-hysterical na sabi niya.

"U-uh.. Hindi ko lang maintindihan. S-sino ba sa kanila ang g-gusto mo?" Napalunok ako sa sarili kong tanong. Kinakabahan ba ako? Bakit? Shit! Hindi ko alam!

"Sino? Oh, come on! Hindi na dapat tinatanong yan." Tumawa siya na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

I don't want to know it but.. I want to confirm it. "W-who? Is it P-pierce? Pierce Fierro?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Halos malaglag ang panga ko sa dahan-dahan niyang pagtango kasabay ang pamumula ng pisngi niya. So, it's confirmed! It's the almighty Pierce who get this young girl's heart!

"Yes, he is." Nasa tono niya pa ang halos pag-samba sa taong iyon habang naka-ngiti.

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now