[4] Cursed

1 0 0
                                    

[4] Cursed

* * *

Caitlyn's POV

"Baba na." Hindi ako gumalaw sa pagkaka-upo ko. Bahala siya dyan. Hindi siya marunong sumunod sa utos. "Baba na nga sabi." Nilagay ko pa ang earphones ko para di ko siya--

"What the hell!" Sinamaan ko siya ng tingin pero tinuro niya lang ang pinto. "I won't go out until we're inside that damn school. You heard me, Kuya. Or else isusumbong kita kay--"

"Fine! Fine! Kung hindi lang kita kapatid, nagulpi na kita! Aaaaah!" Ginulo niya ang buhok niya bago ulit mag-drive.

Nag-drive siya ng tahimik. Dapat kasi ibaba niya lang ako dito sa kanto pagka-lagpas sa bahay namin. What's his reason? WALA LANG. See? Ang sama-sama ng kapatid ko sakin. He's selfish, madaldal, epal, bakla and whatever! He's really like Papa. Buti na lang at kay Mama ako nag-mana kaya hindi ako childish. Well, yeah. Sometimes, maybe pero alam ko mga limitasyon ko.

Tahimik lang ako habang naka-earphones pa rin. Andito na kami sa school at magpa-park na lang siya sa parking lot. Kuya, have his own car. May lisensya na rin siya. And when I finish highschool, I'm gonna have my own car too! Gift daw sakin ni Papa at tuturuan niya rin daw akong mag-drive.

"Thanks for the ride." Nginisian ko siya habang siya naman ay ang sama lang ng tingin sakin. "What? I said, thank you. Wasn't that enough? Inis ka pa rin?" Tanong ko sa kanya.

"Sinira mo diskarte ko. Tsk, baka isipin pa ng iba dyan na kung kaano-ano kita." Well, may point nga naman siya. Konti lang naman kasi ang nakakaalam na magkapatid kami.

"Then tell them who am I." Nagkibit-balikat siya at sumimangot. "Ayaw mo?" Para kasing ayaw niya na ipakilala ako bilang kapatid niya. Ni wala nga akong kilala sa mga kaibigan niya kahit isa eh.

"Nah. Wag na lang. Baka kasi isipin nila kung pano ako nagka-roon ng pangit na kapatid." Nauna siyang lumabas pero hindi pa rin siya umaalis. I rolled my eyes heavenwards.

Bumaba rin ako at naabutan ko siyang naka-ngisi sa akin. Ang gwapo ni Kuya pero hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Konti na lang talaga, iisipin ko na bakla siya. But no, maraming nagkaka-gusto sa kanya. Freaking hearthrob. WTH. Hindi ko ma-imagine.

"Whatever, Kuya." Inirapan ko siya at naglakad na ako palayo. Pero hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na inakbayan niya ako. "Get your--"

"Whatever, Lil' sis. Ayaw mo nun? May gwapo kang kasabay? Di ka ba thankful?" Ang sarap niyang suntukin. Ang hangin-hangin niya talaga. Gahd.

"Ayaw at hindi." Tumigil ako at tumigil din siya.

Kita kong may ibang babae na tumitingin sa amin. Great. Andito kami sa building ng highschool kaya hindi nila kilala ang kapatid ko. College na si Kuya, remember?

"Ihahatid lang naman kita. Baka isumbong mo ko eh. Naninigurado lang." Ngumuso pa siya sa harap ko. He really looks like Papa! My gosh.

"No need. Hindi na ako magsusumbong, okay?" Tumango siya sakin at ngumiti. "Pero sabay ulit tayo mamaya. You'll wait for me." Kita kong nawala ang ngiti niya pero di ko na yun pinansin at tinalikuran ko na siya at naglakad palayo.

"Okay! I'll wait for you, Ms. Caitlyn Romero!" I raised my hand kahit nakatalikod na ko. Nakakahiya siya at nakakainis. Sinigaw pa niya buong name ko.

Nag-vibrate ang phone ko kaya tumigil ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ang nag-text.

From: Kuya

The Devil's Game (EXO FF)Where stories live. Discover now