JAXTON'S MOTHER

Magsimula sa umpisa
                                    

Galing sa isang van ay bumaba ang tinitilian at hiniyawan nila, walang iba kundi ang tunay na may-ari ng Serienne High, si Tita Serienne Garcia.

Mas lalo silang naghumiyaw ang naglalakad na ito papunta sa staircase at nagtanggal ng shades. She is still stunning, napaka-elegante sa suot nitong black blouse na pinatungan ng red coat, naka-pencil skirt din ito na black at white heels, may dala rin itong white purse na may touch of silver and glittery design. She also full of jewelries, take note all gold.

Nagsitabi naman kaming lahat nang biglang lumabas ang principal and teachers, magiliw nila itong sinalubong at kinamayan.


"Maligayang pagbabalik, Ma'am Serienne!" Ang principal namin ang unang bumati dito.


"No problem, Mr. Principal. I'm glad to see all students again." Bati nito pabalik at iniabot ang kamay sa principal.

Ilang sandali ay tumigil ito at nilingap ang paligid na parang may hinahanap.

"Where's Jaxton? He's the one I'm expected to greet me." Her voice is also classy, talagang maraming mapapatingin sa kanya.


She is looking for her son, Jaxton. Matagal din bago nakauwi si Tita Serienne galing ng ibang bansa.


"We'll talk about him later, would you come to the office?" Inimwestra nito ang kamay na nakalahad, signal na pinapauna niya pumasok si Tita Serienne.

*END OF STAGE*


(THIRD PERSON'S POV)


"What? Jaxton did that?" Ito kaagad ang naging salita ng may-ari ng school na si Serienne Garcia.

Hindi ganoon kahalata ang pagtanda nito kahit na nasa mid 50's na ito. She is still glowing despite of her age.


When she is done with the meeting, she decides to walk through out the campus with her body guards. Palabas na siya ng building nang makita sa hallway ang estudyanteng si Becky na naglalakad palapit sa kanya.

"Hi Tita Serienne!" Lumapit ito sa kanya at hinagkan siya. Hindi siya sanay nang ganoon pero hinayaan niya nalang.


"Hello hija, Becky right? Kamusta ang daddy mo?" She greeted the girl with a smile, but still maintain her prominent look.


"Still the same, tita. He is always out of town. I'm glad you came back," Becky uttered.

Serienne look at Becky's appearance, in the back of her mind this is the girl worth it for Jaxton, dahil na rin sa estado nito. Ka-level lang nila kumbaga.


"Have you seen, Jaxton? I'm wondering where he's at now."


Parang nag-iisip pa si Becky sa mga posibleng lugar na tambayan ni Jaxton pero isa lang ang pinakasigurado siya.


"Claire," She stated.


Naguluhan naman si Serienne sa sinabi ni Becky. She crossed her eyebrows a little bit, and focus on her.


"Who's Claire?" She wondered.

Nag-crossed arms naman si Becky at hindi maitago ang pagkairita dahil kay Claire.


"That girl hopes to be with Jaxton. She is seducing my Jaxton, hmmp!" Napahawi ito kaagad ng buhok pero kaagad ding nag-ayos ng tindig.


She smirks and somehow believe Becky's word. If it's true, it will be a disgrace in her side.

Nagpaalam na ito sa dalaga at sinumulan namang mag-ikot sa labas ng school buildings. Kasama pa rin ang dalawang body guard niya ay hinanap nila si Jaxton. Becky is right, she finds his son in the garden with a girl.

Nilapitan niya ang mga ito, nagtatawanan pa ang dalawa nang maabutan niya. Natigilan lamang ito nang makita siya.


"Jaxton?" Imbis ata na matuwa siya sa anak ay ito ang bumungad sa kanya.

Halos matahin niya si Claire sa ilang beses niyang pagtingin sa buong katauhan nito. Simpleng babae lang ito, at higit na napansin niya ay ang puti at maduming sapatos nito.


"Kakauwi lang tapos ito kaagad ang madadatnan ko?" She became very strict.

Napayuko na lamang si Claire nang makita ang nanay ni Jaxton. Inilapit ni Jaxton si Claire banda sa likuran niya at siya ang humarap sa sariling ina.

"Huwag mo siya isali dito. Do your thing, don't include me." 'Yun lang ang naging salita ni Jaxton at hinila si Claire palayo sa ina.

Gusto nang sigawan ni Serienne ang anak dahil sa inasal nito ngunit hindi niya magawa, hindi dapat siya mag-eskandalo sa sarili niya mismong eskwelahan.

Pabalik na sila nang school building, may mga estudyante pa ring nakatingin sa kanya dahil na rin siguro sa hitsura nito o sa posisyon na mayroon siya sa eskwelahan.


"Ouch!" She exclaimed.

Suddenly she bumped into a man who wears chef coat, si Curry fairy. May mga dala itong prutas sa basket nang hindi sinasadyang magkabanggan sila.

"Pasensya na rin ho, nasaktan ba kayo---" Natigil ito sa pagpulot ng mga prutas sa basket niya nang makita ang hitsura ng babae.


"Ina?" Hindi sinasadyang mabigkas ni Curry fairy. Halos hindi siya makaimik nang makita ang hitsura ng babae.


"What did you just call me?" Hindi malinaw kay Serienne ang sinabi ng binata sa kanya, she raise her brows a bit and curiously look into him.


"W-Wala ho, mauna na ho ako." Dali-daling pinulot ni Curry fairy ang mga prutas at nagmadaling makaalis.


Hindi rin siya halos makatingin dito at hindi na rin nilingon ang babae.


Author's note:

Sorry for late updates lately. Next update on saturday. You can also join in the reader's facebook group called Cloudsthetics, I'll be happy if you join in.💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon