FINDING MYSTERY GUY

167 31 15
                                    


CHAPTER 14:


As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.


"Bye, Dad!" Kumaway pa ako ng makababa ng sasakyan, at saka tuluyang pumasok sa loob ng school.


Daddy nodded his head, then smiles at me nang makapasok na ako. He's the sweetest man, I know.


Si Zack ang una kong natanaw. Nasa tapat na naman siya ng classroom namin at nakapamulsa pa. Is he waiting for me again or not?


"Hhmm? Nandito ka na naman? Waiting for me?" pinangunahan ko na siya. Nakahawak din ang dalawang kamay ko sa strap ng bagpack na nakasukbit sa likod ko.


"W-what?" Parang nanlaki ang mata nito, at tila dumistansya ng kaunti. "May nilalaman ng iba 'to," saad niya sabay turo sa dibdib niya.


Akala ko ba, full ka ng sense of humor?


I have a goal today, dapat magawa ko 'yun kahit nasaan man ako. Mapa-shadow or nasa stage man.


"Tumalikod ka nga, dali!" At saka ko iniharap ang likod ni Zack sa akin.


Tinapik-tapik ko pa ito at pinasadahan ng tingin. Napalingon naman siya at naguguluhan sa gagawin ko.


"Anong gagawin mo?" agad naman nitong tanong. Gusto niya sanang humarap pero muli ko siyang tinatalikod.


"I know it's not you pero gusto ko lang makasiguro." Tinapik-tapik ko ulit ang likuran niya, at saka ako tumalikod.


Bumwelo pa ako, at saka biglaang sinanggi ng likod ko ang kanya. I bumped my back against his back. He had a broad shoulders too, but this time siguro na akong hindi siya.


"Why did you hit me? Para saan 'yun?" At saglit ay nag-iinat siya ng likod.


"I'll find him no matter what!" confident kong sagot, at iniangat ang kamao ko that symbolizes fighting.


"F-find that guy, yung kinwento mo?" Napatakip pa siya ng bibig na parang 'di makapaniwala.


"Yup, at lahat ng lalaking makikita ko sa campus gagawin ko 'yun." At iniwasiwas pa ang buhok ko patalikod.


Habang nag-uusap kami ay natahimik kaming pareho  ng makita naming naglalakad si Trevor papunta sa direksyon namin.


"Baka ayan na 'yung mystery guy mo!" aniya, sabay sagi sa balikat ko. Umalis na siya, nang makitang papalapit na si Trevor.


Seryoso at swabeng naglalakad si Trevor papunta sa direksyon kung nasaan kami. Nakapamulsa pa ito at matikas na tiningnan ang mga taong nakatitig sa kanya.


"Alora," bungad nito sa akin ng makalapit. Nakapamulsa pa rin ito at diretsong nakatingin.


Ang aga-aga nakanuot noo agad? Palihim akong umiling at napasinghal.


"Di'ba may klase na? Bakit nasa labas ka pa?" muling salita niya sa akin.


Napa-crossed arms ako, at saka nagsalita, "Aiish, may kailangan akong gawin ngayon na importante din kaya sige na, pumasok ka na."


Hindi na siya sumagot at tinalikuran ako. Nasa may pintuan na siya, ng bigla kong hatakin ang strap ng shoulder bag niya na nakasukbit sa katawan niya.


Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon