EDGE OF DYING

70 13 2
                                    

CHAPTER 41:


*Third person's point of view*



Noong mga panahong hindi maalala ni Hiro si Alora, ay may kung anong gumugulo sa isipan niya. Sa kabila ng pag-iisip niya naroon ang larawan ni Alora. Tumitingin siya sa dalaga ng may kung anong nagdidikta sa kanya na kausapin ito.




Walang mga estudyante sa loob ng classroom, at bukod tanging sila lang dalawa. Talagang nagkataon na pabor para magkausap silang dalawa. Nakasuot pa rin ng team shirt si Hiro, at naka-uniform naman si Alora, hindi na ito pinasali pa sa mga physical activities sa labas.




Nakayuko si Alora sa arm desk, habang pinagmamasdan siya ni Hiro na nakaupo rin sa pwesto nito. Pakiramdam niya ay kunektado silang dalawa sa isa't isa.



Tumayo si Alora at matamlay na kinuha ang bag na nasa sandigan at akmang aalis. Napatayo rin si Hiro at lumapit na ng tuluyan kay Alora.




"Alora, sandali..." Malalim at seryoso ang tinig ni Hiro.




"Huwag ka ng lumapit sa'kin, please." Iyon lang ang naging tugon ni Alora at agad niyang tinalikuran si Hiro.




"Bakit ba parang ang lungkot ng mukha mo tuwing magkakausap tayo? Hindi naman gano'ng magka--" naputol ang sasabihin ni Hiro.



Gusto niya pang magsalita ngunit natigilan siya dahil kay Alora. Nabalot ng sandaling katahimikan ang dalawa.



"Hindi ka na katulad ng dati, Hiro. Alam ko aware ka na ulit. Alam mo na nasa stage tayo, pero hindi mo pa rin ako maalala. Tama na, Hiro," ani Alora at sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng pinto.




Kahit nawala ang mga alala ni Hiro, patuloy siyang dinadalaw ng alala ng nakaraan. May isa siyang panaginip na hinding-hindi niya makakalimutan.




*FLASH BACK*




"Ginoo," wika ng binibining si Alondra. Nakaupo silang dalawa sa damuhan sa harap ng umaagos na ilog ng binatang walang pangalan sa mundong ito, habang nakatingin ang mga mata sa ilog.




"Mmm, ano iyon binibini?" Tugon ng binata na dapat ang trabaho ay manmanan ng palihim si Alondra.




"Nararamdaman mo ba minsan na parang ayaw kumilos ang katawan mo ayon sa gusto ng iyong isip?" Tanong ng dalaga ng ibaling nito ang paningin sa binata.




Muling tumango ang binata, "May pagkakataong nais kitang bantayan, mga mga oras na hindi ko magawa ang gusto ko dahil may pumipigil sa aking gawin 'yon."




Kumpara sa panahon nilang ito, si Alora at si Hiro ay nasa katulad na sitwasyon kung saan hindi nila kontrolado ang kanilang mga sarili.



"Maniniwala ka ba..." Mas tumutok ang mukha ni Alondra sa kanya. "Na ikaw ang hinahanap ko at hindi si Ginoong Santiago?"



Labis na ikinagulat ng binata ang sagot ni Alondra, hindi rin niya masabing may pagtingin siya rito dahil mali ang magustuhan niya ito.



"Makinig ka binibini," may halong pagbabanta ang tinig niya. "Nasa panganib ang iyong buhay. Maaring may kumitil sa'yo," desidido ito na protektahan ang dalaga kahit na mali.



Hindi maunawaan ni Alondra ang sinasabi nito sa kanya. Nag-krus ang kanyang mga kilay at hinawakan ang kamay ng binata, "A-Ano ang ibig mong sabihin?"




Hindi pa nakakasagot ang binata ng dumilat si Alora na nasa ibang lugar na siya at naiba na rin ang kasuotan niya.




Nasa silid siya ng pinsan niyang susunod na magiging pinakamataas na pinuno sa kanilang nasasakupan. May bitbit siyang bandeha na may lamang iba't ibang pagkain.




Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now