IN DENIAL

273 62 27
                                    

CHAPTER5:


Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Is he telling the truth or nag-jo-joke time?


"Prove it," wala sa sariling nasabi ko.


"Hindi ka pa rin ba naniniwala? Tssk." Umiling ang ulo ni Curry fairy. Hallucination lang iyon, at hindi sapat na rason para paniwalaan ko siya.


"Hindi pa rin." matigas na sagot ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at napa-crossed arms din kagaya niya.


"Sumama ka sa'kin sa library, may ipapakita ako." Saad niya, lumapit siya sa akin at hinatak ako palabas ng Cafeteria.


"T-teka, anong gagawin sa library?" Habang hinahatak niya na ako pa-akyat sa second floor kung nasaan ang library.


Nang makapasok kami sa loob ng library, may pinuntahan agad siya ng pwesto sa may bandang sulok. Hindi ko na siya sinamahan doon at naupo sa isa sa mga table. Tumuntong sa isang upuan at may inabot doon na babasahin. Pinagmasdan ko siya hanggang makarating sa puwesto ko.

Inilapag niya ng malakas ang isang libro. Itim ang cover nito, at may maliit na pamagat na nasa front ng libro. May disenyo ring bulaklak ito, hindi ko nga lang alam kung ano ang tawag.

Naupo siya upuang sa harap ko, at binuksan ang libro.


"Sige, ikaw na ang magbasa ng makita mo." At inilapit sa akin ang nakabukas ng libro.


Sa may bandang gitna niya iyon binuksan at nagulat ako ng pahagip na binasa ko ang comics na libro na iyon.


"Ako 'to, di'ba?" hindi ko mapaniwalang nasabi. Inilipat ko pa sa ibang pahina ang libro, at parang binalasa dahil sa nakita ko. "K-kamukha ko e, stalker ka no? Gawa-gawa mo lahat ng 'to."


"Ako, stalker? Stalker mo?" aniya, at itinuro ang daliri sa sarili niya. "Tingnan mo mabuti, Alora. Isa kang character sa loob ng isang akda na isinulat at ginuhit ng Writer. Iyon ang kapalaran mo, at naiintindihan kita kung in-denial ka sa mga nakikita o nararanasan mo." Tinapik niya pa ako sa balikat at pumikit-pikit na kunwari ay naiintindihan ako. "Ganyan din ako nu'ng una."


"Oh!" Nasambit ko, naituro ko ng 'di inaasahan ang parte na nangyari sa shool noong exam day. Ang buong section namin ang naka-drawing doon, nakasulat din ang dialogue ng teacher namin sa amin. Sa paglipat-lipat ko, nakita ko rin ang ang scenario kung saan nagkita kami ni Trevor sa field.

"Ibig sabihin, totoo ang sinasabi mo?" Nailayo ko sa akin ang libro. Nasa loob nga kami ng isang comic book.


Tumayo siya, at pumunta sa gilid ko. Habang ako naman parang namamangha sa nakita ko.


"Oo. Ang saya, hindi ba? Isa kang character sa loob ng isang comic book, at malay mo bigyan ka pa niya ng super powers." he also chuckled, na parang nang-aasar.


"N-nabasa mo 'yun?"


"Oo, at pansinin mo yung bandang huling mga pahina ng libro." Kinuha niya ulit ang comic book at inilipat sa may bandang hulihan. "Marami pang blangko, isinusulat at iginuguhit pa niya tayo."


"T-teka lang, ibig sabihin hindi ko nakikita ang future?" Napatayo rin ako sa pagkakaupo ko.


"Ang nakikita mo ay ang storyboard. Pinapakita ng writer kung ano ang susunod na mangyayari." Habang nagpapaliwanag si Curry fairy ay hindi ko alam kung matatakot ba ako o maa-amazed.


"Ibig sabihin, ako ang bida sa comic na 'to di'ba?" Excited akong malaman kung ako rin ba ang bida sa libro. "Alora, isang prinsesa na hindi alam na may sakit sa puso pero magugustuhan ng tatlong lalaki, ganu'n ba description ko?" Kukunin ko sana ang libro ng ipitin niya iyon sa kili-kili niya.


Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon